Masusing iginala ni Celine ang tingin sa kabuuan ng airport. She could not believe it! After twelve years ay nasa Pilipinas na sya ulit. Ngumiti sya ng matanawan ang pamilyang naghihintay sa kanya sa labas ng airport. She saw her kuya Macky na iniisa isa ang mga lumalabas na pasahero. Mukhang hindi pa sya nakikita neto. Nasa tabi neto ang nanay nya. Napangiti sya, talaga naman ang nanay nya. Nagpilit pa rin sumama para sunduin sya.
Naramdaman nyang me humawak sa kanyang kamay at nilingon ang anak. Alam nyang naninibago eto. First time na Aubrey sa Pilipinas dahil sa America na nya eto ipinanganak at lumaki. She’s 9 years old.
“Let’s go honey. I saw your uncle Macky.” Sabi nya dito at naglakad na sila habang tulak tulak nya ang push cart na me laman na bagahe nya.
“Celine! Anak!” masayang yakap ang isinalubong ng ina sa kanya.
“Ma..” masaya din syang yumakap dito pagkatapos ay sa kuya Macky nya na maluha luha habang nakatingin sa kanya.
“Eto na ba si Aubrey? Ay kalake na at napakaganda naman talaga ng apo ko!” masayang bumaling ang ina sa anak nya na nakatingin lang sa mga eto. Nakakaintindi naman ng tagalog ang anak at nakakapagsalita din nman eto ng tagalog kahit papaano.
“Aubrey magmano ka sa lola at tito mo.” Utos nya dito. Kumilos naman eto at nagmano sa lola at uncle neto. tuwang tuwa naman ang mama nya.
“Tara na at medyo mattraffic.” Aya ng kuya nya. Tinulungan na sya neto sa mga bagahe nila. pagkasakay sa van na dala neto ay agad silang bumyahe pauwi ng Laguna. Taga San Pablo Laguna sila.
Masaya nyang tiningnan ang paligid habang bumabyahe. Ang laki na ng binago buhat ng umalis sya fifteen years ago. Three years sya sa Cebu bago sya lumipad papuntang America at namalagi dun ng twelve years. Napailing si Celine nang maalala ang dahilan kung bakit sya umalis. Nilingon nya ang anak na tulog na habang nakasandal sa lola neto. Nun walong taon na sya sa America at limang taon na si Aubrey ay nakabakasyon sa America ang ama at ina nya na matagal na din nilang pangarap. Dalawang buwan din silang nag stay sa America at pagkatapos ay umuwi na ng Pilipinas. Mas gusto nila dito sa Pilipinas. Andito nga naman kasi lahat ng kamag anak nila. Tatlo silang magkakapatid ang naninirahan na sa America. Ang dalawa nyang nakakabatang kapatid na tinulungan nya ay nandun din pero hindi makakauwi ang mga eto ngayon. Kung sabagay, umuwi naman ang mga eto two years ago. Apat na taon na din nyang hindi nakikita ang magulang samantalang ang ibang mga kapatid naman ay labinlimang taon. Mula iyon ng biglaan at sapilitan syang papuntahin ng ama sa Cebu para lumayo sa eskandalo. Bumuntong hininga ulit si Celine pagkaalala ng nakaraan.
“Andito na sila!” masayang salubong ng ate Gina nya, asawa ng kanyang kuya Macky. Sa likod neto ay nakahilera ang mga pamankin nya na ngayon nya lang nakita ng personal, ang mga kapatid na excited na makita sya, ang kanyang papa at ang kanyang lola Cornelia – nanay ng kanyang papa. Hindi na sumama sa pagsalubong ang ama kasi mahiluhin sa byahe.
Masaya siyang bumaba at niyakap ang mga eto isa isa. Agad nya ding ipinakilala ang anak sa mga eto. Yumakap sya ng mahigpit sa ama pagkatapos ay lumapit sa kanyang lola Cornelia na kanina pa umiyak.
“Lola..” mahina nyang tawag dito.
“Apo ko! Apo ko!” humahagulgol na yumakap ang lola sa kanya. Maluha luha ang lahat ng nasa paligid. Lahat naman kasi sila ay alam na si Celine ang pinaka paboritong apo ng matanda. Naging malunkutin eto mula umalis si Celine at sumasaya lang eto kapag nagvivideo call sila. Kaya nga mula nun, halos hindi na neto kinakausap ang apong naging dahilan ng pag alis ni Celine.
“Namiss kita lola.. miss na miss.” Umiiyak din si Celine habang nakayakap sa matanda. Mahal na mahal nya ang lola nya.
“Apo .. akala ko mamamatay na lang ako na hindi kita makikita ulit.” Nagpupunas ang luha na sabi neto.
“Lola naman napakalakas mo pa at napakaganda. Sayo nga ako nagmana eh.” Nakatawa nyang sabi dito. Tuwang tuwa naman eto sa sinabi nya.
“Aba Apo iyan naman ang hindi ko itatanggi. Talagang sakin ka nagmana ng kagandahan.” Masayang sabi neto.
“Lola.. si Aubrey.. eto un anak ko. Aubrey, honey, hug your Lola Cornelia.” Pakilala nya sa anak. Nagkakausap naman ang mga eto sa video call kaya kilala na din nila ang isa’t isa.
“Nakuuuu ay napakaganda! Maganda sa celphone ay mas Maganda sa personal!” mahigpit na yumakap eto sa apo sa tuhod. Yumakap din naman pabalik si Aubrey.
Pagkatapos ng maemosyonal na pagsalubong ay nag umpisa na ang masagang kainan. Bagamat pagod pa sa byahe ay masayang umikot sa mga bisita si Celine. Kompleto ang limang kapatid na nasa Pilipinas at mga anak at asawa. Sa mga kmag anak naman ay yun pinakamalapit sa bahay nila ang nakadating. Ang dalawang kapatid ng kanyan mama lang at ilang pinsan. Sa side kasi ng papa nya ay nasa kabilang barangay. Hindi na daw nag imbita ang ama dahil sa isang linggo ay birthday ng kanilang inang si Cornelia. Pihadong darating ang mga eto. Ang bahay ng kanyang lola ay nasa kabilang kanto. Dun pa din eto nakatira at ang kapatid nyang si Oliver at asawa at mga anak neto ang kasama ng lola nyang nakatira dun. Hindi naman sa mismong bahay ng lola nya nakatira ang kapatid. Me sariling bahay na nakatayo sa bakuran ng lola nya ang kapatid. Sa mga kapatid ng ama, ang malapit sa bahay nila ay ang ate Sonia neto. Yun nga lang, labinlimang taon na din na hindi umuuwi sa bahay ng mga eto ang tita Sonia mula ng magkaroon ng sigalot sa pagitan niya at ng pinsan nyang si Janine, anak ng tita Sonia nya. Umalis ang mga eto at nanirahan sa Manila para makaiwas din sa tsimis dahil sa gulong hatid ni Janine. Ang bahay ay pinaupahan na lang pero nananatiling sila ang me ari.
Umakyat sa second floor ng bahay nila si Celine. Malaki na ang binago ng bahay nila. Dati ay maliit lamang at walang second floor. Dalawa ang kwarto at nagsisiksikan silang walong magkakapatid. Unti unti tong napaayos ng magtrabaho sya sa America. Itinuro ng ina ang tutuluyan nilang kwartong mag ina. Pumasok na sya dito kasunod ang anak na nagrereklamo na pagod na daw. Sya din naman. Matapos silang magshower ay humiga na sila at nagpahinga. Nagpaalam naman sya sa mga bisita at nakaunawa naman ang mga eto.
Comment and Follow Me
Thank you for reading!