“Talaga bang hindi ka makakarating?” malunkot na tanong ni Janine kay Luke.
Nasa parking lot sya ng hospital at papunta na sya sa school ng anak. Dumaan sya saglit dito para I check ang dalawa nyang pasyente na magkasunod na nanganak kahapon. Ngayon ang family day sa school ng bunsong anak at kaninang umaga, pinaalalahan nya si Luke. Ang tanging sagot lang neto ay titingnan daw kung walang importanteng meeting at susunod na lang eto. Duda si Janine pero hinayaan nya eto. Dahil wala syang narereceive na text mula sa asawa, tinawagan na nya eto. At ang sagot nga sa kanya, me meeting daw.
“I told you,I have a meeting.” Malamig na sagot neto.
“Luke naman. Last na family daw na ni Christine eto sa school nila. Ni minsan, hindi ka man lang umattend sa family day nila. She was hoping this time. Kahit man lang ngayon Luke.” Hindi maiwasan ni Janine na gumaralgal ang boses. Nasasaktan sya para anak. Grade six na ang anak nya.
“Janine I told you.”
“Please Luke. Kahit saglit lang. Magpakita ka lang sa bata, then leave.” Pakiusap nya dito.
“It would take an hour drive from here. Then another one hour going back.” Malamig pa ring sagot neto.
Napabuntong hininga si Janine. She knows wala na syang magagawa.
“Sige kung talagang ayaw mo pumunta wala na ako magagawa.” Malunkot nyang sabi dito. Ibinaba na nya ang phone at malunkot na nagmaneho papunta sa school ng anak. Paano nya ba eexplain sa anak na wala na naman ang daddy neto.
Nakaismid na ibinaba ni Luke ang telepono. She knows Janine is crying. Wala syang pakialam. Totoong me meeting sila but he can choose not to attend at ang assistant ang papuntahin pero mas gusto nya umattend ng meeting kesa makipagplastikan sa eskwelahan ng anak at magpanggap na happy family sila. Allergic sya sa mga fami family day na yan. Although aaminin nya, nagiguilty din sya para sa anak but sorry, si Janine kasi nanay nya. Ipinilig nya ang ulo at tumayo at lumabas ng opisina para pumunta sa meeting.
“Mommyyy!” masayang salubong ng anak sa kanya ng sumungaw sya sa classroom ng anak. Nakaayos na ang mga mesa at upuan sa loob ng classroom at nakapwesto na ang ibang studyante kasama ng mga magulang nila. Mukhang nag uumpisa na ang mini program. Hinila sya ng anak papunta sa pwesto neto kung san nakaupo si Manang Susan. Parte na ng pamilya nila si Manang Susan kaya lagi na eto kasama sa mga family day ng anak.
“Hi teacher – sorry medyo na late po ako. Dumaan pa kasi akong ospital.” Nakangiti nyang bati sa class adviser ng anak.
“Ok lang po doctora.” Nakangiting sagot neto.
“Mommy hindi na naman dadating si daddy ano?” malunkot na tanong ng anak pagkaupo nila.
“Baby.. hindi kasi makaalis sa work ang daddy mo. Alam mo naman di ba. Lagi silang may meeting.”
“I know. He does not want to attend. It’s ok mom. You’re here and kuya told me he would be here din daw mamaya.” Masaya na etong sumagot. Janine knows her daughter is just trying to be happy. Mana ata sa kanya ang anak nananatiling positibo kahit ano pa ang sitwasyon. Masuyo nya etong hinalikan.
Matapos ang program ay nag umpisa ng ayusin ang mga pagkain sa mesa para makapag lunch na sila. Napangiti si Janine ng dumating ang anak na si Cody. Maasahan talaga ang panganay na anak. Me dala etong flowers para sa kapatid na ikinatuwa neto.
“Me surprise ako sayo Tin.” Nakangiti netong sabi.
“Ano yun kuya? Did you buy me chocolates?”
“No?”
“What is it then?”
“Come, let’s go outside.”
Nagtataka man ay hinayaan ni Janine ang mga anak. Kung anuman ang sorpresa ng panganay sa bunso ay wala syang alam. Inaya na lang nya si manang para kumuha na sila ng pagkain.
“Mommy.. mommy.. look who’s here!” tuwang tuwa sigaw ng anak na akala mo sila lang ang tao sa classroom.
Lumingon sya at nanlake ang mata ng makita ang mama at papa nya kasama ang byenan nyang lalake. Maging ang ibang tao sa loob ay napalingon kasi agaw pansin ang ama nya. His dad has intimidating looks which is normal. He is a retired army general at naging AFP chief pa eto nung active pa eto sa service. Sa edad netong 72, matikas pa rin eto. Her mom remains beautiful despite her being a senior citizen already. She's 8 years younger than her dad. Hindi nga lang nya namana ang ganda ng ina. Mas kamukha nya kasi ang ama. And she’s fine with that. Her father in law who is younger than her dad, ay kamukha naman ng asawa. Fit pa rin naman ang byenan pero hindi eto intimidating katulad ng ama. Dati etong manager sa banko.
“Ma.. pa.. dad!” masaya syang sumalubong sa mga eto. “I’m glad you came.” Hinalikan at niyakap nya ang mga eto.
“Cody called us. Sabi nya attend daw kami ng family day ni Tin pero secret para surprise.” Nakatawang sagot ng ina.
“Thank you son.” niyakap nya ang anak. Wala man ang asawa andito naman ang mga magulang at byenan.
Cody hugged his mom back. He expected na wala na naman ang daddy nila at para masurprise ang kapatid, last week ay tinawagan ang mga lolo at lola to ask na umattend sa family day ni Tin. Pero inaasahan nya din na hindi aattend ang lola nya na nanay ng daddy nya. Just like their dad, malamig din eto sa kanila. And he knows why, hindi gusto ng lola nila ang mommy niya.
Me baon ding pagkain ang magulang kaya masaya na silang nagsalo salo. Panay ang kuha ni Cody ng picture nila. Masayang masaya na si Janine na nakitang masigla si Christine. Palipat lipat pa eto sa pagpapakalong sa dalawang lolo. Alam ni Janine sabik sa attention ng ama si Christine. Ipinakilala pa neto ang mga lolo at lola sa lahat ng kaklase.
“Where’s Luke?” malumanay na tanong ng byenan ng papasakay na eto sa kotse para umuwi. Nakaalis na ang mga magulang nya dahil tapos na din naman ang program. Papauwi na din sila.
“Me importanteng meeting sa office dad.” Nahihiya nyang sabi dito. Kita nyang bumuntong hininga ang byenan. Hinalikan neto ang dalawang apo at saka umalis pagkapaalam sa kanya. Pagkaalis ng kotse ng byenan ay sumakay na din sila sa kotse nya para umalis. Maaga pa naman. Alas dos pa lang naman ng hapon. Si Cody ay bumalik sa classroom neto na nasa kabilang building. Nagpaalam lang daw eto sa class adviser neto at mabuti pinayagan naman. Alas cuatro pa ang tapos ng huli netong klase.