Chapter 6 - Mama's kids

678 Words
Luke was surprised to see Janine and the kids sitting in their living room ng dumating sya. Mag aalas otso pa lang naman ng gabi. Nanunuod ng tv mga eto. Usually kasi ay nasa kwarto ang mga anak at si Janine lang ang naabutan sa sala o kaya ay nasa kwarto eto basta nasa bahay eto at walang pasyenteng kelangan bantayan sa ospital. He saw Christine lyng on the sofa with her head on Janine’s lap while Cody is sitting with his back on his mother’s side. Hindi lumingon ang mga anak sa kanya. Si Janine lang ang bumati pero hindi eto makatayo dahil nakasiksik ang mga anak sa kanya. “Kumain ka na ba?” tanong ni Janine sa asawa. “Tapos na.” huminto sya sa tapat ng mga eto. He’s somehow waiting for his kids to greet him. “Kids. Dad is here.” Announce ni Janine sa mga anak. Lumingon si Cody at nagtaas naman ng tingin si Christine. “Hi dad.” Sabay na sabi ng mga eto at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sat tv. “Hello..” indi alam ni Luke ano ang idudugtong. Naiinis syang makita na wala pakialam ang mga anak sa presensya nya habang parang hindi mabubuhay ang mga eto base sa pagkakasiksik kay Janine.  Well he’s not use to see them here. Mas madalas kasi nakakulong sa kwarto ang mga eto. Tumalikod na lang sya at umakyat sa taas. He remembers his dad called him at pinagalitan sya dahil indi sya dumating sa family day ni Christine. “Luke, your daughter is the only one who did not have a father in there! Mabuti na lang dumating pa kami ng mga byenan mo!” galit na sabi neto sa kanya. Inis ang una nyang naramdaman dahil inakala nyang si Janine ang nagpapunta sa mga eto but his dad told him na si Cody ang nag invite sa kanila. Surprise  ni Cody para sa kapatid. “Busy ako dad!” he said. “Busy? Luke nun nagta trabaho pa ako, gumagawa ako ng paraan para maka attend sa espesyal na okasyon niyo. Dinadamay mo ang mga anak mo Luke.” Galit pa ring sabi ng ama. He did not answer. Of course alam ng ama nya kung gaano nya kaayaw pakasalan si Janine nuon. Pero pinakiusapan sya neto na pakasalan na lang si Janine para sa katahimikan ng lahat. Matututunan din naman daw nyang mahalin si Janine. Pero hindi nya kelanman eto matututunang mahalin. Ipinilig nya ang ulo at kumuha ng damit pagkatapos ay pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay naupo sya sa  kama at nagbasa basa. Mag iisang oras na syang nagbabasa ay hindi pa rin umaakyat si Janine. Not her usual thing. Tumayo sya at sinilip kung nasa baba pa eto kasama ng mga anak at nandun pa nga ang mga eto at tila naghaharutan. Kasama na nila si Manang Susan. “Mommy si kuya nakita ko un alkansya nya sa cabinet, me nakapangalan na for Rian! Bago na namang chicks ni kuya mommy!” narinig nyang sumbong ng bunso sa ina. “Ikaw pakialamera ka talaga ng gamit ko. Ban ka sa kwarto ko for one week ha!” sagot naman ni Coby dito. “Ok lang. I will stay in my room na. Mabango sa room ko, sa room mo ang baho! Amoy paa yak!” “Sus.. kaya pala lagi ka tambay… paa mo siguro yun nag iiwan ng amoy dun!” “Mommy.. sa Sunday buy me new dress ha.. masikip na un dress ko eh..” baling ni Christine sa ina. “Paanong hindi sisikip ang taba mo! I told you magdiet ka na!” “I am not fat kaya. And even if I’m fat, I’m pretty!” Mamaya pa ay nagkilitian na ang magkapatid at naghampasan pa ng throw ng pillow. Dahilan para awatin ni Janine dahil nanunuod eto. “Enough kids! Nanunuod kami ni manang!” saway neto sa mga anak. Tumigil naman agad ang dalawa at nag unahan sa paghiga sa kandungan ni Janine. Inis na tumalikod si Luke. His kids are never like that to him. Somehow he felt jealous. Their kids love Janine too much. Na kapag hindi makakauwi eto ng maaga dahil me manganganak na pasyente ay sobrang lunkot ng mga eto. Mas lalo tuloy syang nainis kay Janine. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD