Kinakabahang bumaba si Janine sa kotse habang bitbit ang regalo para sa lola. Today is there lola’s 89th birthday. Taun taon naman ay naghahanda ang buong pamilya para sa lola nila at sinisikap ng lahat ng maka attend sa birthday neto. Para na ring family reunion eto sa side ng mama nya. She knows her lola doesn’t like her that much because of what happened but she did not stop from making peace with her. Nun una, halos hindi sya makalapit dito kaya limang sunud sunod na birthday neto ang hindi sya maka attend. Hanggang unti unti ay tila lumambot na din eto sa kanya kaya naka a attend na sya ulit. Un nga lang, matabang pa rin eto sa kanya. Last year at nun nakaraang taon ay hind siya ulit naka attend dahil sa mga importanteng bagay. Two years ago, umattend sya ng doctor’s convention sa Davao and last year, papaalis na sila ng tawagan ng ospital dahil dumating ang isang pasyente nya at nagle labor na eto. Ang mga anak na lang naisama ng magulang nya. Hindi nya maintindihan bakit sya kinakabahan. Sabagay lagi naman sya kinakabahan kapag umaattend ng family gatherings mula nun magkagulo sila.
Lumingon sya sa dalawang anak at kay Luke. Pasalamat sya at naconvince nya si Luke na sumama ngayon. Well, actually, mama nya ang nag aya dito at nakorner eto kaya hindi na eto nakatanggi. Eto nga at seryoso na naman ang mukha at halatadong napilitan lang. Bumaba na din sa sasakyan ang mama at papa nya at sa isa pang kotse na kasunod nila ay ang kuya Blake nya, asawa neto at kambal na anak na lalake ng kaedad ni Chistine. Her kuya Riggs is in Zamboanga city at hindi eto makakarating. Isa etong sundalo, sumunod sa yapak ng papa nila.
Nauna ng naglakad papasok sa bakuran ang mama at papa nya at kasunod naman sya. Nakakapit sa magkabila nyang braso ang dalawang anak at nasa likod si Luke kasunod naman neto ang kuya nya at pamila neto. Nakita nya agad ang mga kamag anak na nasa bakuran at nag aayos ng table, tarp at kung anu ano pa. Mag aalas onse pa lang naman. Wala namang masyadong program sa birthday ng lola, kamustahan, kwentuhan pagkatapos mag p pray, kakantahan ang lola nya at kakain na. Kadalasan sa bandang hapon nag papagames sila at me videoke hanggang alas dies ng gabi. Sa bandang kaliwa ng bakuran ay nakita nya ang ibang pinsang lalake na nagpapa ikot ng lechon.
“Tita Sonia, Uncle Ronaldo… andito pala ang doctora natin.. bayaw, Blake!” salubong ng kuya Donnie nya sa kanila. Anak eto ng panganay na kapatid ng mama nya at mas matanda sa kanya ng ilang taon. Nagmano eto sa papa at mama nya at tinapik sya sa balikat. Nakipagkamay naman eto kay Luke at nag amba kunwari suntok sa kuya Blake nya at pagkatapos ay nagtawanan ang mga eto.
Papasok sa loob ng bakuran ay kinawayan nya ang ibang pinsan na nag aayos kasama ang ibang asawa ng mga pinsan nya ding lalake. Ang mga iba nyang mga pamankin sa pinsan ay nagkukumpulan at naglalaro. Ang iba naka upo at nagseselpon. Napangiti si Janine, ganto rin sila nuon magpipinsan. Napansin nyang tila nagsusulyapan ang mga eto.
“Si lola?” nakangiti nyang tanong sa pinsan si Ella.
“Na-nasa loob Ja..” ewan ni Janine pero parang pilipit ang ngiti neto at sumulyap sa asawa nya. Nakapasok na sa loob ng bahay ang magulang nya. Nagpaalam na sya dito at dumeretso na sa loob ng bahay ng lola nya. Ang lolo nya ay mahigit 20 years ng patay.
“Hiii..” nakangiti nyang bati sa mga nakaupo sa sala ng bahay ng lola nya. Mga kapatid ng mama nya ang nakaupo. Pansin nya ay tila nagsusulyapan din ang mga eto. Binalewala na lang ni Janine. Lumapit sya sa mga eto isa isang kinamusta at hinalikan. Nasa kusina daw ang lola nya. Bumati din ang asawa at mga anak. Nagmano ang mga anak sa kanilang mga lolo at lola. Pagkatapos ay nakangiting nag excuse sya sa mga at dumeretso sa kusina ng bahay ng lola nya.
“Lolaaa!” excited nyang bati tawag dito. Kahit naman matabang ang pakikitungo na lola sa kanya ay masigla pa rin sya tuwing humaharap dito. Alam nya naman bakit sumama ang loob neto sa kanya. Pero tila nagfreeze ang mundo ni Janine ng makita ang kasama ng lola.
Her parents are standing next to her grandmother. Kita nya ang tila nag aalalang tingin ng ina, ang ama naman nya ay walang reaksyon. Ang lola nya ay seryoso lang din ang mukha at wala ding mababakas na emosyon. Sa tabi neto ay nakaupo ang bahagyang nakangiti at napakagandang si Celine. Nangatal ang katawan ni Janine. Bigla halo halo ang naramdaman nya, takot, selos at sakit. Napahigpit ang kapit nya sa regalong dala at pilit pinatatag ang sarili. Ngumiti syang pilit at sa palagay nya ay mas nakangiwi sya kesa nakangiti. Humakbang sya palapit dito kahit ang gusto nya gawin ay tumakbo.
“Lola happy birthday!” pakiramdam nga ni Janine ay nautal sya. Lumapit sya at humalik dito. “Galing saming apat la.” Inabot nya ang nakabalot na kahon. Tinanggap naman neto ang regalo nya at inilapag sa mesa. Alam ni Janine, hindi eto interesadong makita ang regalo niya. Magkasunod naman na lumapit ang mga anak at nagmano at bumati sa lola nya. Lumapit din at bumati at nagmano si Luke. Sa sulok ng kanyang mata ay nakita ni Janine na tila nataranta din eto pagkakita kay Celine.
“Happy birthday beautiful granny.” Ang kuya Blake nya ang bumasag sa tila tension na nagaganap sa loob. Tumawa ang lola nya ng marinig ang sinabi ng kuya nya at masaya etong yumakap kay Blake, bagay na matagal na yang hindi nararanasan mula dito.
“H – hi Celine.. welcome back. Ke-kelan ka dumating? Hindi ko alam na dumating ka. ” Pinilit nyang harapin ang pinsan kahit na hindi nya alam kung napatawad na ba sya neto. Ngumiti naman eto sa kanya.
“Last week lang Jan.” Jan. Me tila humaplos sa puso ni Janine ng marining un. Mula kasi nagkagulo sila, at bago eto umalis, buong pangalan na nya kung tawagin sya neto.
“Mga anak ko nga pala. This is Cody, eldest namin and Christine.. bunso ko. Kids.. tita Celine nyo. Sa states kasi sya nakatira kaya now niyo lang sya nakita.” Pakilala nya sa mga eto. Lumapit naman ang dalawa at humalik sa pinsan nya.
“Nice to see you kids. How old are you Christine?” baling neto sa bunso nya.
“Eleven po.” Sagot naman neto.
“Ah.. matanda ka lang ng dalawang taon sa anak ko. Nasa bahay pa eh. Mamaya dadating yun kasama ni mama at papa.”
Luke remains quiet and standing. Muling nagsalita ang kuya Blake nya at eto naman ang nagpakilala sa asawa at mga anak kay Celine. Ang magulang naman nya ay umupo sa tabi ng lola nya.
“Labas muna kami La.. Celine.. kamustahin ko lang sila sa labas.” Paalam nya sa mga eto. She feels suffocated. Inaya na nya ang mga anak. Nilingon nya si Luke na sumunod na din palabas sa kanya.