Janine saw the curious looks on her relatives faces pagkalabas nila ng kusina. Tila ba naghihintay ang mga eto ng pasabog. Somehow gusto sumama ng loob ni Janine na wala man lang nagsabi sa mga eto na dumating na pala si Celine. If she had known, baka hindi sya dumating. Pero sabagay, mas ok na din siguro. Face your fears ika nga.
“Sa labas lang po kami.. “ bati nya ulit sa mga eto. magkakasunod naman na nagtangauan ang mga eto. dumeretso sya sa pwesto ng naglelechon. Gustung gusto nya kasi ang amoy ng lechon mula pa pagkabata nya. ang expression ng mga mukha ng pinsan sa labas ay tulad din nga mga tyuhin at tyahin sa loob. tila ba nag hihintay ng eksena. Kinalma na lang nya ang sarili. Ang mga anak ay nakisalo na sa mga pinsan kasama ng kambal ng kuya Blake nya. Si Luke naman ay lumapit sa iba pa nyang pinsan na naglalagay ng beer sa malaking timba na me lamang yelo. Inuman eto mamaya sa isip isip ni Janine.
“Malapit ng maluto yan kuya Sam?” nakangiti nyang bati sa pinsan. Ang kuya Sam nya ang panganay na anak ng uncle Mauro nya, kuya ng mama nya. Eto din ang pinakamatanda sa kanilang lahat na mgpipinsan.
“Oo malapit na. Naku eh, matutuwa na naman ang mga masisiba sa lechon! Putok batok na naman eto!” malakas netong sabi. Sadyang malakas ang boses ng kuya Sam nya.
“Nandito ang doctora.. mapapagalitan tayo kaya maghinay hinay tayo!” sagot naman ng kuya Donnie nya na nakakabatang kapatid ni Sam. Nagtawanan sila sa sinabi neto.
“Bayaw.. mabuti nakasama ka.” Narinig nyang bati ni Alex, isa nya pa ring pinsan. Eto ang kaedad nila ni Celine sa mga pinsan nilang lalake. Eto din ang kasama nila nun gabing sineduce nya si Luke kaya nakarating sa lahat ng kamag anak nila ang gulong ginawa nya. Sinuntok neto si Luke nun sa sobrang galit neto. Hindi rin sya kinausap neto ng matagal pero kalaunan ay nagkaayos sila.
“Oo.” Matabang na sagot ng asawa.
Mamaya na ay nagdatingan na ang iba pa nilang kamag anak at kaibigan ng lola nya at mga kapitbahay na imbitado. Napuno ang bakuran ng lola nya at masaya na silang nagkainan. Pero kita ni Janine ang sulyapan at tinginan maging ng mga bisita. Dito kasi sa lugar nila, magkakakilala ang halos lahat ng tao at hindi naman kaila sa lahat ang nangyari nuon sa pamilya nya. Alam din nyang kontrabida sya sa lahat. Malandi, mang aagaw, un ang mga salitang naibansag sa kanya. Kaya nga para makaiwas na sa gulo at kahihiyan, lumipat sa Manila ang ina at ama. Silang magkakapatid naman kasi ay sa Manila na din talaga naglalage nun dahil nag aaral sya, ang kuya Blake nya ay nag uumpisa ng negosyo at batang sundalo pa nun ang kuya Riggs nya nasa Tanay naman nakabase. Hindi pa retired ang ama nun at kasalukuyang AFP chief. Marami ang lumalapit at nangangamusta kay Celine at naiintindihan un ni Janine. Ilang taon nga ba etong hindi umuwi sa Laguna.
“Anything else you want kids? Ikaw Luke me gusto ka pa ba?” tanong ni Janine sa mga eto habang inaayos ang mga pagkain kinuha mula sa buffet table.
“We’re good mom. Sit down and eat.” Sagot ni Cody. Umiling si Christine na enjoy na enjoy sa pagkain ng hipon. Umiling din s Luke. Nakangiting umupo si Janine at nag umpisa ng kumain. Napapangiti sya sa anak na babae. Talagang napakahilig neto sa hipon tulad ng ama. Sila naman ni Cody ay parehas mahilig sa chicken.
“Dra Janine! Mabuti naman nakarating ka ngayon. Last year wala ka eh!” lumingon si Janine at nakita ang kababatang si Mary. Teacher eto at classmates sila nun elementary. Kaibigan din nila eto ni Celine nuon. Ang nanay neto ay malapit din sa pamilya nila kaya hindi na nakakapagtakang naimbitahan ang mga eto.
“Teacher Mary.. sino kasama mo.. musta?” nakatawa nyang sagot dito. Kapag tinatawag siya netong doctora ay tinatawag nya etong teacher.
“Ay asawa ko.. andun naharang sa barikan. Sabi ko nga eh kumain muna. Un mga anak ko andun naglalaro..” sagot neto at sumulyap sa pwesto ni Luke.
“Kuha ka na pagkain… balik ka dito.. join ka na sa table namin.” Alok nya sa kababata. Tumango naman eto saka tumalikod papunta sa pwesto ng pagkain.
Iginala ni Janine ang tingin sa paligid at nakita ang lola na masiglang masiglang nakikipag batian sa mga kaibigan at kamag anak na hindi mo aakalaing 89 years old na eto habang kasunod naman neto si Celine. Ganto naman ang eksena dati pa tuwing birthday neto nun. Paborito netong apo si Celine. Hindi naman yun kaila sa kanilang lahat na magpipinsan. Bakit nga hindi ay kamukhang kamukha neto ang apo. Kahit naman ang lolo Menandro nya nun nabubuhay pa eto ay paborito rin si Celine.
Napagawi ang tingin sa kanila ng lola nya pero agad din etong nagbawi ng tingin at humarap ulit sa mga bisita. Inikot ulit niya ang tingin sa paligid. Nalingunan nya si Luke na tila me nginitian. Ang ate Beth nya pala na kumaway sa kanila. Saglit na pumitlag ang puso ni Janine. Napakagwapo talaga ng asawa kahit sa edad netong 39 na. Napansin nyang nakaupo pala silang mag anak malapit sa pwesto ng mesa kung san nakapatong ang mga regalo para sa lola. Nakaupo si Luke patalikod sa mesa ng mga regalo. Tila me isang eksena ang bumalik sa ala ala ni Janine. Parang ganto din yun nun. Nuong una nya makita si Luke kasama ng pinsan. Birthday din ng lola Cornelia nila. Nakaupo din eto patalikod sa mesa ng mga regalo, nakalingon sa bandang kaliwa neto at me nginingitian, sa tabi neto ay nakaupo ang pinsan nyang si Celine. Yun ang unang araw na umpisa ng pagkabaliw nya kay Luke.