Chapter 9 - The Past

1198 Words
Seventeen years ago... “Uy andyan daw ang boyfriend ni Celine. Kasama nya dumating. Tara silipin natin ng mabalatan!” narinig nyang sabi ng pinsang si Alex. Nasa likod bahay sila ng lola nila at kasalukuyang binabantayan ang lechon. 72nd birthday na ng lola nila at naghanda ang kanyang ina para dito. Nagshare din ng panggastos ang ilan netong mga kapatid. Sa walong magkakapatid, ang ina nya ang pinakamaganda ang buhay. Me dalawa pa etong kapatid na nakakaluwag luwag. Ang bunso netong kapatid, ang tita Emma nya at ang kuya Ronnie neto, sinundan ng kanyang mama. Tumayo sila ng ate Olivia nya at maging ang isa pang nakakabatang pinsang lalake.  Naiwan naman ang kuya Sam nya na mula pa nuon, nakatoka na sa paglelechon. Balewala kay Janine ang itsura. Alam nyang amoy usok na sya dahil kanina pa sya sa pwesto ng lechonan. Naka shorts at t-shirt lang sya. Twenty years old sya at graduating sa kursong BS Nursing. Curious silang makilala sino ang boyfriend ng superstar ng pamilya. Si Celine naman ay graduating din pero education ang course neto. “Uy gwapo nga..” narinig nyang bulalas ni Alex. Sumunod sya dito at sinundan ng tingin ang tinitingnan neto at ng makita ang lalakeng nakaupo sa tabi ng pinsan, parang tinambol ang dibdib ni Janine. Napakagwapo naman neto. Kahit nakaupo eto ay alam na agad nyang malakeng tao eto. Matankad ang ama nya at mga kuya at sa tingin nya ay kasintakad neto ang mga kapatid. Nakatingin eto sa kabila, at me nginingitian. Nakaupo ang dalawa sa tabi ng mesa ng mga regalo para sa lola nila. Bahagyang napaurong si Janine at tila nawalan ng lakas ng loob tumuloy. Amoy pawis at usok sya. Naconscious sya bigla na never naman nyang naramdaman. Mataas ang self confidence nya kahit hindi sya kasing ganda ng pinsan. Sinabihan nya ang mga pinsan na naiihi sya at susunod na lang. Nagmamadali syang pumasok sa loob ng bahay ng lola nila at hinagilap ang bag na bitbit. Me extra syang blouse dun. Nagdala talaga sya dahil alam nyang mangangamoy usok sya dahil paborito talaga nyang tumambay sa tabi ng lechon. Agad din hinanap ang powder at pabango na baon. Pumasok sya sa banyo at naghilamos at nagmumog pa. Pagkatapos ay tumakbo sya sa kwarto ng lola at nagmamadaling nagbihis at nagsuklay. Tinitigan nyang maigi ang sarili sa salamin at sa kauna unahang pagkakataon ay tila nakaramdam sya ng lunkot bakit hindi sya kasing ganda ni Celine. Hindi katangusan ang ilong nya, ang pilikmata nya bagamat mahaba eh patusok naman kaya kelangan nya pang i curl eh kaso wala syang pang curl ngaun. Medyo malake din ang mata nya. Makapal ang kilay nya kaya alaga nya sa ahit. Mabuti pala nakapag ahit sya. Bilugan ang mukha nya, she has large and full lips.. parang lips ni Angelina Jolie sabi ni Chloe at seksi daw ang lips nya. Pero mas madalas na marinig nya eh malapad daw bibig nya. Kung meron man silang pagkakaparehas ni Celine ay yung makinis na kutis. Nasa lahi siguro. At parehas din silang me katankaran. Yun lang, mas sexy pa rin si Celine sa kanya. Sinipat sipat nya ang sarili ng tila masiyahan ay saka lumabas. Alanganin syang lumapit sa mesa ng mga eto. Paglabas nya ay nakapalibot na sa mga eto ang ibang mga pinsan at tila kinikilatis nga si Luke. Nakaupo na sa tabi nila ang kanilang lola na obviously ay proud na proud sa gwapong boyfriend ng pinsan. “Celine!” nakangiti nyang bati sa pinsan na agad namang ngumiti sa kanya. “Jan! Kanina pa kita hinahanap!” baling neto sa kanya. “Si Luke boyfriend ko.. Luke si Jan.. pinsan ko.” Pakilala neto sa kanila. Tiningnan naman sya ni Luke at ngumiti eto sa kanya at tila nagrambulan ang puso ni Janine. Kung gwapo eto sa malayuan at di hamak na gwapo eto sa malapitan. Namumula mula pa ang makinis netong mukha. Napasulyap sya sa mga kamay ni Luke. Gusto sana niyang iabot ang kamay para makipag shake hands dito pero tila wala naman etong balak. Nananatiling nakahawak sa baso sa harap neto ang kanang kamay neto at ang kaliwa ay nakababa. Hinuha nya ay magkaholding hands eto at si Celine. Napakurap ng mata si Janine ng makita ang mahahabang daliri ni Luke. Isa yun sa madaling makakuha ng atensyon nya pagdating sa lalake, mahahabang daliri at ewan nya ba kung bakit. Napuno sya ng inggit at selos sa pinsan na piit nyang iwinaksi. Nakitambay sya sa mesa ng mga eto at nakipag kwentuhan kaya nalaman nya paano nagkakilala ang dalawa. Nagkasabay daw ang mga eto sa karinderya malapit sa eskwelahang pinapasukan ni Celine. Me building daw kasing pinapatayo malapit sa school nila Janine at ang kompanyang pinagta trabahuhan ni Luke ang me kontrata. Mula nun ay hindi nawala sa puso’t isip nya si Luke. Lahat ng pagkakataon na makita eto ay ginawa nya. Sa tuwing me okasyon kasi sa pamilya nila ay dumadating eto, pasko, bagong taon, binyag at kung anu ano pa. Kung mag a outing silang magkakabarkada, sumasama din eto. Magpinsan, magkabarkada din sila ni Celine nuon. Close sila kasi nga magkaedad sila at magkalapit ang bahay. Tuwing wala siyang pasok ay pumupunta sya sa bahay nila Celine sa pag asang baka andun ang pinsan at andun din si Luke. Isang araw nga ay pumasyal siya kina Celine. Nasa med school na sya nun at wala sila pasok. Si Celine naman ay teacher na at nagtuturo sa isang private school pero nag aapply na din para makakuha ng post sa public school. Nakita nyang naka park sa harap ng bahay nila Celine ang kotseng ginagamit ni Luke twing dadalaw eto dun. Dumeretso na sya sa loob pero wala sa salas ang mga eto. Mukhang wala din ang mga kapatid at magulang ni Celine. Narinig nya lang na tila me nag uusap sa bandang kusina nila Celine kaya tumuloy sya dun. Sumilip sya at nakita nyang magkatabing nakaupo ang dalawa patalikod sa pinto ng kusina. Marahil ay nag memeryenda ang mga eto. Narinig nyang nagsalita si Luke. “Mga tatlo hanggang apat na taon Love kung pag iipunan yan. Syempre, un lupa muna babayaran ko. Maganda ba Love? Nagustuhan mo ba?” tanong ni Luke kay Celine. “Love ang ganda ganda kaya nyan. Love sorry, hindi pa ako makatulong sa pag iipon mo. Kelangan ko kasi paaralin si Michael, saka me utang kaming Malaki kay tita Sonia nun naoperahan si papa. Nakakahiya na din eh ilang taon nay un.” “It’s ok Love. Anything for you. Sabihin mo lang if me gusto ka ipabago sa design.” “Naku Love wala na. Ang ganda ganda ng design mo!” Napatalikod si Janine matapos marinig ang dalawa. Para syang sinaksak ng todo todo. Sobrang selos at inggit ang nasa puso nya. Hindi sya makakapayag na si Celine ang makatuluyan ni Luke dahil mahal na mahal nya si Luke. Pakiramdam niya ikakamatay nya kapag hindi nya nakuha si Luke. Mula nun umisip na sya ng paraan paano makuha si Luke. Alam nyang habang tumatagal ay lumiliit ang chance na makuha si Luke. Pinagalitan sya ng kaibigang si Chloe ng aminin ditong gustung gusto nya si Luke. Sabi neto ay tumigil na daw sya sa kahibangan nya dahil magugulo lang ang buhay nya. Pero hindi sa nakinig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD