Ngiting ngiti si Luke habang binabasa ang reply sa kanya ni Celine. Kanina pa sila umaga magkatext neto. Akala nga nya hindi eto magrereply sa kanya ng una nya etong tinext pero eto nga at katext na nya. Dalawang araw na mula makuha nya ang celphone number neto ng magkita sila sa bahay ng magulang. Pinag isipan nya ding maigi kung itetext ba eto o hindi. Baka kasi magalit eto o kaya snobin sya pero nagreply naman si Celine na labis nyang ikinatuwa. Pakiramdam nya ay bumalik nun unang beses nya etong nakilala. Gantung ganto sya nun. Halos minu-minuto ay sinisilip ang phone kung nagreply na ba si Celine. Wala naman siguro masama sa pagtetext. Kinakamusta lang naman nya eto. Pasimple nyang hiningi ang cp number neto dahil alam nyang binabantayan siya ng dady nya. Isang bagay ang natuklasan ni Luke nun araw ng anniversary ng magulang, two years divorce na pala si Janine sa napangasawa neto.
“Bat ka tumawag?” napapitlag si Luke ng marinig ang boses ni Celine mula sa kabilang linya. Hindi na sya nakatiis, tinawagan na nya eto.
“Nakakapagod kasi magtype eh.. saka nagbabasa ako ng mga documents.” Nakangiti nyang sagot dito. Narinig nyang tumawa si Celine.
sBusy ka pala panay text mo sakin.”
“Hindi naman. Ano ginagawa mo?”
“Kumakain ng indian mango.”
“Favorite mo pa rin?”
“Oo naman. Namiss ko. Sige na, babye na magtrabaho ka na.” ibinaba na ni Celine ang telepono at masiglang masiglang ibinalik ni Luke ang atensyon sa trabaho. Napapatulala pa sya paminsan minsan.
Nakangiti ding ibinaba ni Celine ang telepono. Poor Janine. Sa isip isip nya. Nun una pa lang nya makita ang pinsan at si Luke, alam nyang hindi nagtagumpay ang pinsan para paibigin eto. Ni hindi halos tumitinign si Luke kay Janine at si Janine naman ay hindi maitatago ang takot ng makita sya. She can only imagine Janine’s reaction kapag nalaman netong nagtetext at tumawag pa sa kanya ang asawa neto. She laughed. What a funny life!
Sa paglipas ng mga araw ay patuloy ang lihim na text at tawagan ni Luke at Celine. They both have f*******: account pero hindi nila ini add ang isa’t isa. Hindi rin naman madalas mag f*******: si Luke at baka me makapansin pa sa mga kakilala nila na ini add nila ang isa’t isa bagamat wala silang common friends sa f*******:. Sa loob ng ilang taon, hindi naisipang hanapin ni Luke si Celine sa f*******: dahil inisip nyang masaya na eto. Pero nang malaman nyang divorced na eto, tila me kung ano ang nabuhay sa kanya.
Sabi ang kasalanan dapat iwasan, wag mong lapitan. Pero masarap ang bawal, sabi ng matatanda. Mula sa tawagan at text, after almost two weeks, nagkita ang dating magkasintahan. Nagkita sila isang restaurant sa Tagaytay. Ang sabi ni Luke kay Janine, me importante syang ichecheck sa ipinapatayong building ng kompanya. Ang paalam ni Celine sa pamilya, magshoshopping lang sya sa Manila.
Walang maraming naganap na pag uusap sa dalawa na para bang dinugtungan lang nila ang kahapon. Nang magkita sa loob ng restaurant ay agad hinalikan ni Luke si Celine tulad nuong sila pa sa tuwing magkikita sila. Kumain, nagkwentuhan at sumakay sa kotse ni Luke at nagdrive lang siya habang hawak ang kamay neto. Ang tangi nabago lang, hindi nya pwedeng ihatid pauwi si Celine. Naghiwalay sila ng masaya na para bang wala silang masasaktan.
Ang pagkahumaling n Luke sa presensya ni Celine ay mas lumala pa sa paglipas ng mga araw. Para syang ginagahol sa panahon. Dalawang buwan lang si Celine sa Pilipinas at mag iisang buwan na eto buhat ng dumating. Kaya isang pasya na ang nabuo nya.
“I love you.” nakangiting sabi ni Luke kay Celine habang magkayakap silang dalawa sa loob ng hotel na tinuluyan nila. Isinama nya eto sa Ilocos kung san me isa pang proyekto ang kumpanya nila kelangan nyang tutukan. Well, bilang head ng mga architect sa kumpanya nila, me mga tao naman talaga syang pwedeng mag asikaso neto. Pero gusto nya makasama si Celine sa lugar na sila lang. Yung malayo sa mata ni Janine at mga taong magpapahiwalay sa kanila.
Matamis na ngumiti si Celine kay Luke at yumakap din dito. Tumatawa ang kalooban nya sa nakikitang pagkahumaling ni Luke. Alam nya kanyang kanya pa rin si Luke. Alam ng mga magulang na ang out of town sya. Dumating din kasi sa Pilipinas ang Pilipina nya ding kaibigan sa America at nakipagkita sya sa mga eto. Nasa Zambales ang mga eto ngayon. Ang alam sa kanila ay nasa Zambales sya.
“I love you too.” Sagot nya dito na lalong ikinaliwanag ng mukha ni Luke. Eto ang matagal na nyang hindi nararamdaman. Ssa twing sinasabi kasi sa kanya ni Janine na mahal sya neto, naiirita lang sya. Pakiramdam kasi nya, isa etong sirang plaka na paulit ulit sa sinasabi.
“I will file an annulment pagbalik ko sa Manila.” Sabi ni Luke kay Celine. Natigilan si Celine sa narinig.
“Iiwan mo na si Janine?”
“Oo. Hindi ko sya mahal. Dapat matagal ko na to ginawa. Hindi ko lang ginawa nun kasi wala ka na. Pero hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na magkabalikan tayo, Love.” Napangiti si Celine ng marinig ang endearment ni Luke sa kanya. Pero me gumuhit na guilt sa puso nya sa narinig. Iiwan na neto si Janine.
“Pero Luke, babalik ako sa states. Andun na ang buhay naming ni Aubrey. I won’t stay here.”
“Yes. Mas gusto ko nga yun para makaiwas tayo sa gulo. Susunod ako dun Celine oras na ma annul kami ni Janine.”
“Papaano mga anak niyo?” sa naisip ay bahagyang natigilan si Celine. Nakaramdaman sya ng kunsensya ng maisip ang mga anak ni Janine. Hindi naman nya idinadamay ang mga eto sa anumang galit na meron sya kay Janine.
“They will understand. Mula pa nuon, alam na nila ang malamig na pagsasama naming ng nanay nila. Hindi ko naman sila papabayaan financially. I will still support them.” matatag na sabi ni Luke.
Hindi umimik si Celine. Sabagay malalake na ang mga anak ni Luke at Janine. Isa pa, hindi ba sila naman talaga ni Luke ang dapat? Ginive up nya si Luke nuon dahil sa pakiusap ng magulang dahil na din sa panggigipit ng papa ni Janine. Hinayaan na nya si Luke dito sa pag aakalang matututunan din etong mahalin ni Luke, pero eto, after fifteen years, bumalik pa rin si Luke sa kanya.
Please Comment and Follow Me
Thank you for reading!