Titig na titig si Luke kay Celine. Hindi nya sukat akalain na after fifteen years magkakaharap sila ng ganto kalapit ulit. Nalaman nya buhat sa ina ang aksidenteng pagkikita neto at ni Celine sa mall. Pagkatapos ay kinuha daw ng ina ang telephone number neto dahil gusto netong iinvite si Celine para sa wedding anniversary nila ng daddy nya. Tutol ang daddy nya. Hindi daw maganda tingnan na papuntahin si Celine sa anniversary nila dahil baka masamain eto ni Janine. Pero me magagawa ba sila sa tigas ng ulo ng ina niya? Hindi din naman lingid sa kanya na Malaki din ang disguto ng ina sa asawa.
“Baka matunaw ako Luke.” nakangiting sabi ni Celine. Nasa garden sila ng bahay ng magulang at pinuntahan nya si Celine dun ng malaman nandun daw eto kasama ang anak netong s Aubrey.
Napahiya naman si Luke at nagkamot sa ulo. Napapamura sya sa isip dahil hindi nagbago ang kaba ng dibdib nya tuwing napapalapit kay Celine. Gantung ganto sya nun mula nakilala nya eto.
“So – sorry. Kamusta ka. Hindi kita nakumusta nun birthday ni lola.” Sabi nya dito.
“Ayos lang. Ikaw kamusta? Kayo ni Janine?” tanong neto. Nagkibit balikat siya.
“Bakit?” muling tanong ni Celine sa kanya ng hindi sya sumagot sa tanong neto. Ano bang sasabihin nya dito? Na malamig pa sa bankay ang pagsasama nila? Na para syang zombie sa loob ng labinlimang taon?
“Hanggang kelan ka dito?” pag iiba nya ng tanong.
“Two months pa.” sagot naman neto.
Tumango tango si Luke. Sa sulok ng kanyang mata ay nakita nyang nakatayo sa malapit ang ama at alam nyang lihim etong nagbabantay sa kanya. Mamaya pa nga ay tinawag sya neto. Nagpaalam sya kay Celine kahit ayaw nya sanang umalis sa tabi neto.
“Ang mga bata anong oras darating?” tanong ng ama sa kanya.
“After school dad, si manang na ang kasabay nila papunta dito.”
“Hindi mo sila susunduin?” me himig galit ang ama sa pagkakasabi neto.
“Me school service sila dad.” Medyo naguilty nga din sya na hindi nya naisipang sunduin ang mga anak. Ewan ba nya, un excitement nya na alam nyang darating si Celine sa anniversary ng magulang ay nag under time pa sya maaga lang sya makapunta dito.
“Si Janine ano oras dadating?” muling tanong neto.
“Hindi ko alam dad. Nagtext kanina. Baka daw malate sya, me pasyente syang nagle labor.” Balewala nyang sagot. Kahit nga hindi na eto dumating, mas masaya pa sya.
“Luke.. stay away from Celine.” Un lang at tumalikod na ang ama. Naiinis si Luke. Wala naman syang ginagawang masama ah. Masama bang kamustahin ang babaeng minahal nya ng lubos?
Pagod na ipinark ni Celine ang kotse sa labas ng bakuran ng mga byenan. Its’ almost 8 pm at hindi pa sya nag hahapunan. Pinagpag nya ang sarili at iniabot ang paper bag na naglalaman ng regalo para sa mga byenan at tumuloy na sa loob. Wala na halos bisita, early dinner kasi ang anniversary celebration ng mga eto at sa palagay nya ay maaga nagsi alis ang mga bisita. Dumeretso na sya sa loob at nadaanan nya sa sala ang iba pang naiwang bisita na malalapit na kamag anak ng mga byenan. Ngumiti sya sa mga eto at dumeretso na lang sa dining room. Narinig nya kasi mula dito ang tawa ng byenang babae. Hindi nya nakita si Luke kaya naisip nyang andun eto kasama ng ina. Pero nagulat sya sa naabutan. Si Luke, kaharap ang magulang, nakakabatang kapatid na si Valerie at Bob, ang asawa ng mga eto.. at si Celine! Pakiramdam nya naulit un eksena sa birthday ng lola nya. Napamura sa isip si Janine. Pakiramdam nya ay pinagkaisahan sya ng mga eto. Napatingin sya sa asawa na walang emosyon mababakas sa mukha neto habang tila medyo napahiya naman ang mga kapatid neto. ang byenan nyang babae ay tila umismid at guilt at pagkapahiya din ang nasa mukha ng byenang lalake. Si Celine naman ay tila nahihiya din sa kanya. Ngumiti sya at tumuloy at bumati sa mga eto. Lakas loob syang humalik sa asawa at pasalamat na lang sya hindi eto nag iwas ng mukha. Lumapit din sya sa mga byenan at iniabot ang regalo sa mga eto.
“Kumain ka na ba iha?” malumanay na tanong ng daddy ni Luke. Pakiramdam ni Janine ay nawala ang gutom na nararamdaman nya.
“Kanina dad.. pero kakain po ako mamaya ulit.” Sagot nya dito. Nananatili syang nakatayo dahil walang bakanteng upuan somehow she prayed na asikasuhin naman sya ng asawa para hindi naman sya magmukhang engot sa harap ng pinsan.
“Ininvite ko si Celine, Janine. Hindi na rin naman sya iba sakin. I hope you won’t mind.” Tila me bahid pagtataray pa ang byenan ng sabihin yun.
“Ok lang po mommy. Mabuti nga po nakarating si Celine.” Napamura ulit sa isip si Janine. Ang galing ko dun ah. Bulong nya sa sarili. Nakangiti pa sya ng sumagot.
“Excuse lang po, puntahan ko lang mga bata. Hindi pa nila alam na andito na ako.” Paalam nya sa mga eto. Mukhang busy si Lord sa isip isip nya. Hindi neto sinagot ang dasal nyang asikasuhin sya ng asawa. Tumalikod sya at dumeretso sa pinto papuntang dirty kitchen. Me pintuan palabas dun na papuntang garden at alam nya nandun ang mga anak kalaro ang ibang mga pinsan.
“Cody.. Tin.” Tawag pansin nya sa mga anak na nakaupo sa labas. Lumingon ang magkapatid na nakikipag laro sa mga pinsan. Si Cody ang pinakamatanda sa mga eto, tulad sa side nya, si Cody din ang una apo. Agad tumayo ang mga anak at yumakap sa kanya na tila sabik na sabik sa kanya. Nasa garden din si Manang Susan na tila binabantayan ang mga bata.
“Kumain na kayo?” tanong nya sa mga eto.
“Done mommy.. ikaw? Have you eaten already?” tanong ni Cody.
“Ahm kanina anak sa ospital.” Pagsisinungaling nya dito
“I feel like I would like to eat again. Konti lang kinain ko kanina eh. Let’s eat mom.” Aya ni Cody sa ina. Ramdam ni Cody nagsisinungaling ang ina. Kita iyon sa malunkot netong mata. Alam na nya ang tunkol sa tita Celine nya at daddy nya. He overheard awhile ago nun dumating sya at narinig na nag uusap ang lolo nya at kapatid neto. Nagagalit ang kapatid ng lolo nya bat daw andun ang ex ng daddy nya. Hindi daw maganda tingnan. Sumang ayon ang lolo nya pero wala daw eto magagawa sa asawa. Kaya pala napansin nya nun sa Laguna na namutla ang ina ng makita ang tita Celine nya. Wala syang alam sa love story ng magulang pero tila unti unti na lumilinaw sa kanya ang lahat bakit napakalamig ng ama sa ina. And his dad? Para lang naman etong teenager sa pagtitig sa tita Celine nya. Nasasaktan sya para sa ina.
“Ok.. let’s go inside then. How about you Tin? Do you want to eat again?” tanong nya sa anak na nakatabi ng pinsang si Aubrey habang naglalaro ang mga eto ng celphone. Ganto sila ni Celine nuong mga bata sila. Umiling si Tin. Busog daw eto.
She went back inside kasama ng panganay na nakaholding hands sa kanya. Wala na sa dining room ang byenang babae, Celine at hipag na si Valerie. Naiwan na lang si Luke, ang byenan nya, kapatid netong si Bob at asawa ni Valerie na si Troy. Mukhang mag iinuman ang mga eto dahil me nakabukas na alak sa harap nila. Cody asked her to sit down at eto na daw ang kukuha ng pagkain nila. She lovingly look at her son habang inaasikaso sya neto.
“Thank you anak.” Nakangiti nyang sabi neto. Inalok nya ng pagkain ang mga kasalo sa mesa. Nananatiling tahimik si Luke.
“Welcome mom. I love you.” sagot na anak. Ngumiti sya at tahimik na kumain.
After she ate, nagpaalam na din sya agad. Pagod talaga sya kaya tinawag na nya ang anak na bunso. Tinanong nya si Luke kung uuwi na ba eto kasabay nila o hindi pa. Bago pa man nakasagot ang asawa ay ang byenan na lalake na ang sumagot.
“Sumabay ka na sa kanila Luke. It’s getting late.” Kahit paano ay natuwa si Janine sa byenang lalake. Mas maayos kasi talaga ang pakikitungo neto sa kanya kahit nuon pa.
Nagpaalam na din sya sa byenang babae na masayang kakwentuhan si Celine sa sala ng bahay neto. Iniisip nya san tutuloy si Celine eh galing pa eto ng San Pablo, Laguna gantong gabi na. Pero ayaw nyang magtanong baka masamain pa ng mga eto.
“Uuwi na kami mommy. Hindi na po ako magtatagal. Celine, mauuna na ako sayo.” Paalam nya sa mga eto. tumango naman ang byenang babae.
“Sige Jan.. ingat kayo.” Sagot ng pinsan na kahit papaano ay ikinatuwa ni Janine. Narinig nya nagpaalam na din si Luke sa ina at kay Celine. Sa kotse na nya sumakay ang mga anak kasama si Manang Susan pauwi.
Comment and Follow Me
Thank you for reading!