Chapter 13 - Sadness

1165 Words
Napapaling na lang si Chloe habang nakatingin sa kaibigan. Kanina pa eto tulala at nakatingin sa malayo. Magkaharap silang nakaupo sa couch sa loob ng doctor’s lounge. Kakatapos lang magmeeting ng OBGYNE Department dahil ipinakilala ang bago nilang head. Mag aalas dos pa lang ng hapon. Hindi daw pupunta sa kabilang ospital ang kaibigan para mag clinic. Pinacancel muna neto ang sched neto ngayon. Kilala nya ang kaibigan. Masipag eto at dedicated sa trabaho na kahit pagod ay hindi basta basta mag cacancel ng clinic hours neto. Pero alam na nya ang dahilan kung bakit nagkakaganto eto. Nagkwento na eto sa kanya na dumating ang pinsang si Celine para magbakasyon. At ilang araw na etong ganto. Minsan nga ay nagsumbong sa kanya ang secretary neto na nagkulong daw muna eto ng thirty minutes sa clinic nya bago nag umpisang tumanggap ng pasyente. “Wag mo isipin yun.. hindi ka mahal nun!” pang aasar nya sa kaibigan para makuha atensyon neto. Kahit naman kelan hindi nya binigyan ng false hope eto na matutunan etong mahalin ni Luke. Lumingon si Janine sa kanya at malunkot na ngumiti. “I know.” Kibit balikat neto. “So ano, magmumukmok ka dyan at pag mumukhain mong biernes santo ang itsura mo. Hay naku Dra Janine Bautista, mahalin mo nga yang sarili mo!” Her bestfriend never called her by her married name. Hindi daw deserve ni Luke na idugtong ang apelyido neto sa title nya. “Mukha naman talaga akong biernes santo!” matamlay nyang sagot dito. “Asssshiii!” asar na sagot ni Chloe. “Inum gusto mo? Bar tayo later?” aya pa neto sa kanya. Natawa si Janine sa kaibigan. Palibhasa kunsintidor sa kalokohan neto ang asawa neto ay nagagawa pa rin netong mag bar kahit me mga anak na din eto. Nine ang panganay neto at five naman ang bunso. Ang asawa ni Chloe ay isa ding doctor. Ahead eto ng dalawang taon sa kanila at isa naman etong surgeon. Hindi naman madalas magbar ang kaibigan, kapag gusto lang neto magrelax. Paminsan minsan ay sumasama sya dito. Mga kapwa din nila doctor ang madalas nilang kasama. “Next time. Exams ng mga bata eh. Mag rereview kami.” Tanggi nya dito. Tumango naman si Chloe. Biglang tumunog ang phone ni Chloe at sinagot nya eto. Narinig ni Janine na tila sinesermunan neto ang kausap. Sa hinuha nya ay pasyente neto ang kausap. Iiling iling na ibinaba neto ang telepono. “What happened?” tanong nya dito. “Yung pasyente ko bumyahe pa rin kahit sinabihan ko na last time na hindi na advisable bumyahe kasi 35 weeks na sya. She just called me, dahil sumasakit daw ang balakang at puson nya asking me what to do. I told her na pumunta dito to check baka nag e early labor, ay naku nasa Ilocos pala at bumyahe kaninang madaling araw. Sabi ko pumunta na sya sa ospital na pinakamalapit dun.” Naiiling na sabi neto. Napangiti si Janine. Alam naman ni Janine hindi talaga galit ang kaibigan. Just like her, paminsan minsan nasesermunan nya ang mga pasyente nya dahil matitigas ang ulo. They both love all their patients. Kaya naman napu frustrate sila kapag pasaway ang mga eto. “Uuwi na muna ako Best. wala naman ako pasyente naka admit ngaun kahit sa kabila wala din. Pahinga na ako maaga at bukas sabak na naman ako sa public.” Tumango ang kaibigan at tumalikod na sya. Hindi nag apply sa government hospital ang kaibigan dahil me lying inn clinic ang pamilya neto – OBGYNE din kasi ang nanay neto. Sa San Pablo Laguna ang clinic ng nanay neto pero nag open sila ng dagdag branch dito sa Manila na sya ngang pinapatakbo ng kaibigan, katulong ng pinsan neto na isa din OBGYNE. Masyado na daw etong magiging busy kung magdadagdag pa eto ng ospital. Iba ang sitwasyon sa government hospitalas kompara sa private. Mas maraming pasyente at me araw na sunud sunod ang nanganganak. Ang iba pa ay wala man lang maipakitang medical record sa kanya, basta na lang dadating na nagle labor na.  Pero fulfilling sa kanya ang pagta trabaho sa public hospitals. Masaya nga ang ama nya ng makakuha sya ng post sa isang public hospital. Nun una ay sa ospital ng mga sundalo sya neto gusto mag apply pero wala kasing bakante nun kaya sa ibang public ospital sya napunta. Proud eto sa kanya. Dumaan na muna si Janine sa grocery bago umuwi. Nagsabi kasi si Manang Susan na kulang na ang stocks nila. Madalas ay pag linggo sila nag go grocery pero naisip nya na maggrocery na din ngayon. Sa isang sikat na grocery sya tumuloy na nasa loob ng isang sikat din na shopping mall. Halos patapos na si Janine sa pag go grocery ng makita nya ang byenang babae. Nag go grocery din eto at kasunod neto ang matagal tagal na din netong kasambahay na si Ellen. Kahit hindi sya ganun katanggap neto ay naglakad sya papunta dito para batiin eto. Pero papalapit na sya dito ng makitang me isa pa etong kasama. Si Celine! Natigilan sya ng makita na kasama neto si Celine. Bakit magkasama ang mga eto? Alam nyang gustung gusto neto si Celine nuon base na din sa mga kwento ni Luke nung maayos pa ang lahat sa kanila. Nakita nya rin eto ng umattend sila sa wedding anniversary neto ng ininvite sila ni Luke. Proud na proud na ipinakilala neto si Celine sa mga kamag anak at kaibigan. Inggit na inggit nga sya nun. Pero sya, sa loob ng labinlimang taong pagiging asawa ni Luke, halos hindi sya neto magawang maipakilala sa mga kaibigan neto. Pinatatag ni Janine ang sarili at lumapit pa rin sa mga eto. “Mommy..” mahina nyang tawag dito. Lumingon naman ang matanda at tila nagulat din ng makita sya. Lumapit sya dito at humalik. Pagkatapos ay hinarap ang pinsan at nginitian. “Hi Celine.” “Hi Jan.. nagkasalubong kami ni tita. Nakipag kita kasi ako kina Antoinette tapos ipinasyal ko na din si Aubrey dito. Andito din pala si tita.“ nakangiti netong sabi sa kanya. Hinaplos naman ni Janine ang ulo ni Aubrey na ngumiti din sa kanya. “Ikaw lang?” tanong ng byenan sa kanya. “Opo. Sinong nagdrive sa inyo? Si daddy po kasama niyo?” hindi na nag da drive ang byenan dahil nagka mild stroke eto five years ago. “Nag grab kami ni Ellen. Naiwan sa bahay.” Simpleng sagot neto. “Ako na po maghatid sa inyo pauwi.” Alok nya dito. “Hindi na Janine. Mamaya pa kami uuwi. Konti lang naman bibilhin ko. Lumabas lang ako at naiinip ako sa bahay.” Sagot neto. “Baka gusto nyo mag meryenda mommy.” Alok nya ulit dito. “Hindi na.” matabang na sagot neto sa kanya. Ramdam ni Janine gusto na ng byenan nya na mawala na sya sa harapan neto kaya magalang na syang nagpaalam. “Sige po mauuna na din ako pala. Celine, mauna na ako. Ingat kayo sa byahe. Aubrey bye.” Nakangiti nyang paalam dito kahit ang totoo ay napupuno ng selos ang puso nya. Tulad ni Luke, alam nyang si Celine pa rin ang gusto ng byenan. Malunkot na umalis si Janine.  Comment  and Follow Me  Thank you for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD