KABANATA XX

1305 Words
SIRIUS POV Isang Linggo na lamang at ikakasal na kami ni Rico. Lahat ay prepirado na at may mga advance gift narin kaming natatanggap mula sa mga kasosyo at kaibigan ng aking papa gayun din mula sa mga kakilala ni Rico. Wala na kaming dapat pang problemahin kaya naman ang salitang relax ang ginagawa namin ngayon. Kaya lang ay napapansin kong parang may ikinababahala ang aking nobyo. Lagi itong balisa at minsan ay malayo ang iniisip. Tulad ngayong araw na bigla nalang itong umalis ng bahay na hindi man lang nagpapaalam sakin gayung nasa sala lamang ako at kasama ang aking anak anakang si Mira na nanunuod ng TV. Nagmamadali pa itong umalis. Weekend ngayon at may usapan kami na lalabas upang ipasyal ang bata pero wari ko ay nakalimutan na niya ito. "Mommy, I'm thirsty. " agaw pansin sakin ni Mira. Kumakain kasi ito ng biscuit habang nanonood. "Ahhhhh thristy na baby girl ko!? Halaaahh wait mo mommy here okay, get po kita. " nakangiti kong ani. "Okay po. " sagot niya na hindi naman ako pinaglaanan ng tingin. Nasa Palawan si Xian kung kayat na sa akin parin ang bata pero ok lang. Kumuha ako ng baso at nagsalin ako ng tubig ng mapansin ko ang phone ng aking nobyo sa counter. Umiilaw ito at wari ko ay may pumasok na mensahe roon. Sinubukan kong tingnan ito pero nakalock siya kaya itinabi ko na lamang ang kanyang phone sa kwarto matapos kong painumin ng tubig si Mira. Maya maya pa ay nagising narin sa kabilang kwarto ang bestfriend ko. Masyadong mahaba ang araw ngayon kung kayat inaya ko nalang ang babe ko bandang alas dos ng hapon na lumabas kami. Hindi naman siya tumanggi. Nagiwan nalang ako ng note sa tabi ng kanyang phone na kung sakaling hahanapin nya kami ay sinabi kong tatambay kami sa toms world ng Sukat SM. Halos isang oras na kaming nakapagikot at nakapag shopping ni Carlo kasama ni Mira ng maisipan namin na tumuloy na sa toms world. Nakaramdam ako ng pananakit ng puson ko kung kayat nagpaalam akong magCCR muna. Madalas naman na kami dito kung kayat hindi na ako naliligaw lalo na at may mga signboard namang nakapaskil kung saan ako pupunta. Matapos kong magCR ay pabalik na sana ako ng makita ko si Rico sa escalator pababa na may kalong na bata. Sa tingin ko ay nasa isang taong gulang iyon at anim na buwan mahigit kong tatanstyahin ko. Ang nakatawag pansin pa sakin at kasama nito si Miss Jing na kanyang secretary na halos kumakapit sa kanyang braso ngunit pumapalag ang nobyo ko. Saglit akong na stuck sa kinatatayuan ko ngunit ng mahimasmasan ako ay pinilit kong habulin ang mga ito. Nakita ko ang sasakyan ng nobyo ko na kakaalis lamang at sakto namang may cab na pumarada sa aking harapan. "Kuya, makikisuyo po akong sundan nyo po yun at wag nyong lulubayan ." nanginginig ang boses kong pakisuyo sa driver. Panay ang dasal ko na sana ay nagkakamali lang ako sa aking hinala. Hindi ko na namalayan ang oras ng pinukaw ni kuya ang natutulog kong isipan sa malalim na pag-iisip. "Maam, tumigil na po yung sasakyan nila. " wika niya. Napatingin ako kay kuya na nakatingin pala sa akin. Ngayon ko lamang napansin na halos kasing kaedadan ko ito at ang titig niya sakin ay may halong awa. "Kuya maaari mo bang ilapit pa sa kanila at gusto ko lang makasiguro!?" "Oo naman Maam! " Tama, gusto kong makasiguro dahil sa nanlalabo na ang aking paningin dahil sa hindi ko rin namalayang lumuluha na pala ang aking mga mata. Kaya pala kanina ay inabutan niya ako ng toilet tissue roll. Tumanggi lamang ako. Sinunod naman ako ng driver. Halos dumidilim narin sa paligid ngunit dahil sa halos nasa katapat na kami ng bahay maaari ni Miss Jing at malinaw ko silang nakikita ngayon sa tulong narin ng ilaw. Iniabot na ni Rico ang bata kay Miss Jing ngunit ang inaasahan kong aabutin ni Jing ang bata ay ang nagpagulantang at gumising sakin. "Ay puta! Maam yung babae hinalikan si asawa mo! " komento ni kuya. Nagulat ako sa sinabi ni kuya pero muli kong tinuon ang pansin ko sa dalawa. Hinahalikan niya ang aking nobyo at kitang kita ko ang pagpalag ng boyfriend ko. Ngunit ilan pang sandali ay nakita kong kumalma si Rico sa halik ng kanyang sekretarya at nakita ko pa silang pumasok na sa bahay. "Naku po! Nahuli ang kiliti Maam! Hinawakan sa bayag! " muling ani ni kuya driver na nagpaiyak sakin. Hindi ko na napigilan humagulhol sa loob ng kotse ni kuyang driver. "Ma'am, kung asawa nyo po yun ay halika kayo at ng malaman na nila! At ng mapahiya naman! " may galit ang tono ng boses nito ngunit hindi ako umiimik. Patuloy lamang ako sa pag-iyak. "Ma'am, hindi man po sa nangingialam ako pero pasensya na po ha, di ko na mapigilan! Ako na ang bubulabog sa mga putang inang manluluko na yun. Sa gandang nyong iyan ay hindi dapat ipinagpapalit sa katulad lamang ng panget na yun! Ang tanga ng asawa nyo! " matigas niyang ani sabay labas nito sa kotse at sinugod nga niya ang bahay na yun na may dalang batuta. Nag-aalala ako habang hinintay ko siya sa loob ng kotse at maya maya nga ay tumatakbo na itong lumabas ng bahay kasunod si Rico na hubot hubad at tanging boxer lamang ang suot. "f**k you!!!!! Ulol!!! " sigaw pa ni kuya driver at agad na sumakay sa kotse. Nagulat pa si Rico ng makita niya ako sa loob ng taxi na luhaan bago mabilis na pinatakbo ni kuyang driver ang kanyang taxi. "Ma'am! Huwag na po kayong umiyak! Pasensya na po kung nangialam ako kanina. Relate na relate lang po ako gawa ng pinagtaksilan ng aking tatay ang nanay ko. Yaan nyo na po yun Maam. Bumangon po kayo at wag kayong patatalo sa mga yun!" Hindi ko na alam kung saan na kami nakarating ni kuya. Naubos na ang luha ko sa apat o limang oras na paikot ikot lang kami. Pero ng makita ko ang AXES bar na labas pasok ang mga tao roon ay nagpababa na ako sa tapat noon. "Ma'am, sigurado po ba kayo!? Ihatid ko na po kayo sa inyo Maam. Baka mapahamak kayo dyan. " "Thank you Kuya. I will be fine. Dito lang po muna ako. " Saka ako nagdukot ng sampung libo sa aking mini sling bag at iniabot ito sa kanya. "Ma'am ang laki po nito. One five lang naman po ang itinakbo ng ating metro sa kakaikot. " "Keep the change kuya. Bayad sa pagganti sakin sa lalaking yun. " ani ko sabay baba ko sa kotse nya ng tumigil ito sa tapat ng axis. Mabilis na akong pumasok sa loob ng bar na yun at ang counter ang mabilis kong tinungo at umupo sa isang sulok. Maingay, mausok at nakakaduling ang mga ilaw sa naglalaro sa ibat ibang kulay sa aking paningin, ngunit hindi ko yun ininda. Marami na akong nababasa regarding sa bar na tinatawag nila. Ito ang unang beses na ako ay nakapasok dito. Agad akong binati ng bartender na nagpakilalang Arnel. Noong una ay titig na titig ito sakin at kung ano pay may sinasabi sakin. But I don't care. "Yung pinakahard please. " Ang isang shoot ay nakapagbigay ng init sa aking lalamunan. Ngunit sa pakiramdam ko ay hindi pa iyon sapat, kaya ang isa ay nasundan pa ng hindi ko na mabilang na paglaklak ng alak. Marami ng lumalapit sakin ngunit wala akong pinahihintulutan sa kanila dahil hindi naman nila masagot ang binibigay kong kaisipan sa kanila . Hanggang sa wala na ring lumalapit upang kulitin ako. Hanggang sa malaya na akong umiiyak sa isang sulok na wala ng nangingialam sakin kundi si bartender.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD