KABANATA 1
Sa new readers ko po :) magbook I po muna kayo bago nyo po basahin toh. THE LEGAL HEIR po ang book I.
Sampung taon na ang lumipas at damang dama ni Sirius ang kaba sa kanyang dibdib. Ilang segundo nalang kasi ay bababa na siya ng eroplanong sinasakyan. Ngunit ang kanyang isipan ay masyadong akupado ngayon ng nakaraan.
Napabuntong hininga ito ng makalapag ang eroplanong kanyang sinasakyan. Kung hindi lang sa tawag ng pangangailangan sa kanyang serbisyo ay mananatili pa siya sa Canada dahil para sa kanya ay hindi pa sapat ang kanyang kaalaman sa larangan ng medisina.
Sa Canada ay isa na siyang bihasang cardiovascular surgeon na nag-oopera sa puso para sa mga bypass surgery at iba pa. Bukod dito ay isa rin siyang pathologist at dito siya nakapukos.
Ang mga pathologist ay nag-aral kung paano matukoy ang iba’t ibang sakit sa pamamagitan ng pagtingin sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa ilalim ng microscope at iba pang mga makina at computer.
A pathologist plays a crucial role in medical care. Sila ang tinatawag na “the doctor's doctor”. They help the treating physician diagnose a patient and pinpoint the best course of treatment.
Ito ang ipinagmamalaki ng kanyang papa sa kanya.
Isang kaibigan ng tito papa Timj niya at ng kanyang ama ang nangangailangan ng kanyang serbisyo upang pag-aralan ang sakit nito. Nakaconfine ang taong ito sa mismong hospital ng mga Cannor. Ayaw ng taong ito na lumabas pa ng bansa dahil sa umano ay may personal pa na dahilan.
"Are you okay Si!? " tanong iyon ni John Rafael ng naglalakad na sila sa exit at tulak tulak nito ang luggage ni Sirius na pililit na tulungan ito.
Isang tango lamang ang isinagot niya rito. Maya maya pa ay nakarating na sila sa bungad.
"Whahhhhhhhh!!!!! Beshie!!!!!! Dito!!!!!!! Dito!!!! " salubong ng isang napakalakas na boses mula sa isang sulok na may hawak na placard at nakasulat ang pangalan roon ni Sirius.
Nakasuot ito ng puting T-shirt at board walking shorts lamang na cream with his sport shoes. Naka rey ban sunglass din siya na nakakahakot ng pansin sa mga kababaihan sa paligid.
"Babe!!!!! " muli nitong sigaw at lumulukso na ito sa kanyang kinatatayuan.
Si Carlo Forio iyon.
Ang mga nakapaligid sa kanyang kababaihan at palihim na pinagtitinginan siya kanina ay sabay sabay na nanlumo ang mukha.
"Sayang naman......shiiit!!!! " singhap ng mga ibang babaeng nabighani sa kanya sa unang tingin.
Dito nakita ni John Rafael ang isang ngiti kay Sirius na kanina pa niya gustong makita.
Sa totoo lamang ay hulog ng langit para sa kanya na sila ay nagkita kanina sa airlines ng Canada at kasabay pang nagbyahe.
Nagulat ito kanina ng makita niya itong nakatayo sa isang lugar at waring may pinag-aaralan. Dahil kilala siya bilang malupit sa babae ay hindi niya ito pinalampas. Sa una na lumapit siya rito ay hindi nga niya ito namukhaan dahil ibang iba na ito ngayon. Ngunit ang kakaibang pakiramdam na yun ang nagpush sa kanya ng kakaiba upang lapitan ito.
Napakaganda nito sa kanyang ayos. May curtain bangs ito at ang buhok niya ay bahagyang naka wavy at nakaapple cut ang buhok. Nakasuot ito ng raffle crop top at long jeans skirt na high-waisted. Tinernuhan din ito ng itim malamaong na kulay ng half boots. She looks like a fashionable goddess na pinagtitinginan kanina at napagkakamalang modelo.
At ng makipagkilala nga ito ay bahagya pa itong nagulat at tinawag pa siyang kuya. Ibang ibang Sirius Abrenica ang kanyang nakita kanina.
Todo pakiusap pa ito sa katabi ni Sirius na makipagpalitan ito ng pwesto sa kanya at mabuti nalang at isa iyong matandang babae kung kayat nagamit niya ang kanyang skills na lambingin ang matanda upang makipagpalitan lamang ng puwesto.
Kagagaling lamang nito sa isang meeting para sa prospective foreign investor ng kanyang Textile Company na ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ama at hindi naman ito umuwing biguan dahil nakuha nito ang kanyang sadya.
Hindi naman nasayang rin ang kanyang pagtabi dito dahil sa naenterview pa niya ito sa mga bagay bagay na gusto niyang malaman sa dalaga.
Muli kasing nanumbalik ang kanyang pagtingin dito ng kanya itong makita kanina.
Nang makalapit naman si Carlo sa kanyang kaibigan ay hindi na ito nakapagpigil pang yakapin at halik halikan ang pisnge ni Sirius at kasabay nito ay pinaikot niya ang dalaga na parang isinasayaw na ikinainis naman ni John Rafael.
Lalo na at ang sentro ng mga mata sa paligid ay nasa kanila na ngayon.
Di parin nagbabago si Carlo. He looks like a real man na kahit ang saloobin nito ay isa itong bakla, kaya kung ano man ang naramdaman niya noon ay di parin nagbabago everytime na natotouch nito ang babaeng gusto niya.
"Babe! Excited na akong makasal sayo baby girl ko, lahat ay preperado na!!! " dinig ni Rafael na ani ni Carlo at nagbago ang tono ng pananalita nito.
Kung kanina ay may pagkabakla ang boses nito, ngayon naman ay lalaking lalaki na na ikinagulat ni Rafael.
Bigla nitong hinila si Sirius sa pagkakayakap ni Carlo na ikinagulat naman ng dalawa.
Ang sadya lamang ni Rafael ay ang paglayuin lamang ang katawan ni Sirius sa lalaki.
" Kasal!? " madiing tanong nito.
Ang alam kasi nito ay walang karelasyon ang dalaga ayon sa mga narinig niya kanina.
"Hey hey hey! Why did you do that!!! " may angas na tanong ni Carlo.
" Wait I know you!!! John Rafael Yap diba!? Ohhhhh! Yeahhh! I can't believe na - - wait! until now ba? " paninigurado nito ng mapagsino ang kaharap at nakuha agad ang pahiwatig ng lalaki.
"I see. " sabay akbay kay Sirius na ni Carlo.
"Anong kasal ang sinasabi mo Mr. Forio!? " maliwanag na tanong ni Rafael at mas lalong nagsalubong ang kilay nito ng makita ang pag-akbay Kay Sirius.
" Wedding of course. Me and my Baby girl. " agad na sagot niya.
"WHAT!? " gulat na tanong ulit ni Rafael.
"Wait, babe bakit kayo magkasama!?" si Carlo na ibinaling ang pansin kay Sirius.
"Nagkasabay lang kami sa biyahe babe." sagot ni Sirius.
"And John, it's a wedding pictorial. Magmomodel ako sa new design niyang gawa. Remember, isa siyang sikat na fashion designer. May bago siyang ubra at kami ang magmomodel noon for this coming free week. " dagdag niya.
Sa sinabi ni Sirius ay nakaluwag ang paghinga ni Rafael.
"Whoaaah! I see. And why babe? " nakangiti niyang tanong.
"Tsk! " tanging reaction nalang ni Carlo dahil nasasagap na nito ang aurang inilalabas ni Rafael.
" Ahm lambingan namin as a bestfriend forever? " matipid nitong sagot.
"Ohhh! " tanging reaction nito sa tugon ni Sirius.
"Can we go na? Daan muna tayo sa candle shop then send me to Top please. " sunod na ani nito.
Sa puntong iyon at nawala ang ngiti ni Rafael. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay nakakulong parin si Sirius sa kahapon.
Kinuha na ni Carlo ang gamit ni Sirius na alam niyang sa kanyang kaibigan dahil sa panda style nitong luggage.
"Excuse me Rafael. Kukunin ko na ang gamit ng baby girl ko. Thank you. " ani nito at nagpaubaya naman si Rafael.
"Mauna na kami John. Thank you nga pala for accompanying me. Masaya ako na nagmeet ulit tayo. " wika ni Sirius.
"See you some other day Si. " habol nito.
Yumuko lamang ito sa kanya bilang tugon at agad na itong tumalikod sa kanya.
Kasabay naman nito ay ang pagdating ng kanyang driver.
"Boss, welcome back po. " sabay kuha nito ng luggage na dala niya at inilagay na sa passenger.