KAPANSIN pansin ang kalinisan sa loob ng munting shed ni Top sa kanyang inuukupahang hantungan. May nakatalaga kasi ditong tagapaglinis araw araw na sinasahuran ng Cannor kung kayat maaliwalas ang paligid nito na may mga sariwa ring indoor plants.
Nagsisipag-unahan na naman ang kanyang mga luha sa pagpatak habang pinagmamasdan ang larawan ni Top sa kanyang lapida na agad namang pinunasan ni Carlo.
"Beshie, ayaw kong umiiyak ka... di mo parin ba tanggap!?" may himig ng kalungkutan na boses ni Carlo.
Umiling lamang si Sirius.
"Tanggap ko na friend. Namimiss ko lang talaga sya. "
"Good to heard that. Iwan lang kita saglit at dun lang ako sa labas ha. Wanna remind you lang na tumawag na si Tito Seirge. Alam mo naman yun, safety first."
"Ok. " maikling sagot nito saka tumayo si Carlo at lumabas.
Nasa Singapore ngayon ang daddy ni Sirius kasama ang kanyang step mother. They are celebrating their anniversary being couple. Hindi na sila nabiyayan na magkaanak dahil may problema ito sa obaryo pero masaya naman ang dalawa dahil meron silang Sirius at naeenjoy nila ang bawat moment na magkasama, at isa pa ay ni hindi narin nga ang mga ito nag-isip sa mga way na pwedeng gamitin upang magkaanak.
Matapos manalangin ni Sirius ay tumayo na ito.
"Uwe na ako love, dadalawin nalang kita always from now on. " wika niya sabay lumakad palabas.
Nakaabresiete na si Sirius kay Carlo na nilakad ang pathway patungo sa parking area ng memorial park.
"Beshie, ang dami kong pinaluto kay mother earth. For sure magugustuhan mo magstay sa bahay ngayon at- at baka hindi ka na makapag-isip pang umalis sa poder ko! Kaya lang may cousin akong kumag ha na nasa bahay ngayon, ayyyyst maglalaway sa ganda mo yun pero wag na wag mong papansinin ha, maraming chicks yun eh! Nagbabakasyon at sa bahay pa napiling tumuloy! may tinatakasang chicks daw kasi. Taga Cebu yun.... Eh napakahabulin! " mahabang litanya ni Carlo.
"Ganun!? Basta nasa tabi kita friend, ayos lang ako kahit may kumag na sinasabi mo. " tipid namang sagot ni Sirius.
" Yeppp!! Change topic, salamat beshie ha at sakin ka magstay ng one week. Mmmm buti nalang sa two weeks na wala ang mama at papa mo, sakin ang one week mo! " masaya niyang pahayag.
At kinabig nya si Sirius sa kanyang balikat payakap ng makarating sila sa harap ng sasakyan.
" Welcome! I want it too friend. You know how much I miss you na kaya. Six months din tayong di nagkita. " lambing ni Sirius.
"True, kung pwede lang beshie sakin ka ng two weeks eh, kaya lang ang tita mama Kisses mo talaga, hmmmp!"
"Yaan mo na, ako lang din naman ang baby girl noon eh. "
"Ohhh sige, di na ako aangal pa. Sakay na!" ng pagbuksan nya na ito ng pintuan.
"Salamat!"
"Bukas hectic na agad schedule mo. Buti nalang nakaleave ako ng one week so masasamahan kita sa lahat. "
"Salamat Carl! Love mo talaga ako! "
"Oo naman!!!! Ikaw lang naman ang nag-iisang sisteret ko eh,,, Babe, tabi parin tayo matulog ha... Miss na kita eh, pero may sarili ka namang kwarto, gusto ko lang sa tabi mo matulog. Miss ko na kaya ang amoy ko. "
"Ahuh! Ok lang naman sakin friend. Namiss ko na kayang magpayakap sayo. "
"Ayyyyy!!!!! Super hug talaga kita ng tight!!!! By the way, I like you chestnut brown hair ha, promise new look na new look ka ngayon! Gusto ko rin nyan. "
"SAlamat! Si ate Janeth yan friend, Inaya akong magpasalon at ng bumata daw akong tingnan. " nakangiting sagot niya.
" Kahit di ka naman magpasalon beshie my love love babe ko maganda ka parin! Ohhh bukas nga pala, pagkatapos mo magreport sa hospital, punta tayo sa orphanage. They are all excited to see you na beshie. And for your information marami tayong sponsor sa itinayo mong orphanage. Lalo na yung mga successful nating friendship na di tayo kinalimutan! "
"Wow! I am so excited na tuloy. This is the first time na makikita ko ang naging dahilan ko upang gustuhin kong mabuhay friend... "
"Ahhhh..... Touching ang pig... very kind talaga ang heart mo! mmm sa Laguna friend, alam mo ba na ang orphanage mo ang pinakamalaki at pinakasagana ng pagmamahal, pag-aalaga at respeto? Tsk! Kaya siguro ang dami nating nahahatak na sponsor dun. And guest what,... Ask me kung sino ang pinakabigatin nating sponsored! "
"Ahuhhh, who!? "
"Si Migz! Megan Ortiga. Two years ago lang siyang kababalik lang from Spain beshie, tapos nalaman nyang may orphan kang pinatayo na three years ng nageexist noon kaya without asking, hayun sa atin nya ibinibigay ang 3% na kinikita ng kanilang company. Bongga diba! Monthly yun!"
"Really!? "
"Pero beshie, unahan na kita, wag kang feelingera ha. He change a lot. Medyo suplado na sya tapos yung fiancee lang nya yung nakakaintindi sa kanya. Takenote, fiancee. Nakamove on narin sya. Kahit yung barkada nya na apat na sina Joed, Nokie, sino pa nga, lahhhh i forgot na.... "
"Reginald and - I forgot narin friend!!! "
Then they laugh each other.
"Yun na nga, medyo ilap na sa kanya. "
"I see. But I am so thankful friend. He survive from his illness. Matagal ko narin siyang ipinagdadasal until now. Atleast ngayon makakahinga na ako ng maayos. "
"Ohhh yeahhh, pati yung kay Megan dinidibdib morin.... Tsk!!! si kuya Ronie nga pala, kay sir Timj na nagwowork."
"I'm totally cured na Carl.
"Good to heard that. Hayyyy si Megan speaking nasa stage three narin yung sakit nya noon, mabuti nalang nakabawe parin sya. Tatahimik tahimik lang pero may ikinikimkim na pala noh. " at biglang natahimik.
"Nga pala friend, pagkatapos mo sa orphanage, sa reception naman tayo pupunta. Kasal ni Charles at Pia remember! Sakto, Batangas yun! Habol na habol tayo. "
"Oh, teyka invited ba tayo dun friend!? "
"May invitation o wala susugurin natin sila! haler batch 2021 tayo! solid yun! "
"Ok! I miss them. I am so happy para sa kanila."
"Naku, makita mo si fafa Charles beshie, wowwww na wowwww ka!!! Ang yummy! parang sir Top lang ang pig beshie!!! Ahhhh- Opssss!!! "
"It's okay friend. "
"Ay!!!! Shitt! Nakamove on ka na talaga!!! Pahalik nga! "
Sabay hila nito sa pisnge at pinupog ng halik.
"Sir Carlo, bagay na bagay po talaga kayo ni maam." singit ng kanilang driver na ang lapad ng pagkakangiti.
"Tsheeee! Tao kami! Pero beshie, kapag wala ka pang asawa for five years, aasawahin na kita ha..."
"Ayeeeehhhh! " kilig ni driver.
At dito na tumawa ng malakas si Sirius.
" Ang luka mo friend! "
"I'm not joking kaya! FYI miss Doctora Abrenica , hindi kaya ako pumapasok sa isang relasyon noh, my gosh, kung ganyan ako kaganda sayo, eh di sana dami ko ng fafa, pero look at me!!! Beshie, nakuha ko kay father ang pagiging masculine at pagiging Greek God nya! Haissst!!! " na makikita ang pagiging problemado ng mukha bagamat may kunting landi ang boses.
But everytime na may ibang tao ay nagbabago at nagiging formal ang boses nito na hindi mo mahahalatang may pusong babae ang puso.
"Tell mo nga sakin kung maliit lang na problema ang face na toh! Babae kaya ang lumalapit!!!! I want dahhhhh boys noh!!! Yung kasing gwapo ni fafa Charles! " reklamo niya.
"Lahhhh!!! Oh sige na, kahit wala sa isip ko ang mag-asawa friend, payag na ako. After five years sige" then she laugh again.
"Ohhh my God Beshie, di ko carry!!!! Iniisip ko palang, hmmmp! Change topic na nga lang!!! Pero kuya Danny, saksi ka sa sinabi nya. "
"Yes sir!!! Sana kayo nalang po talaga at ng magkaapo na si Bossing. "
"Naku, Hindi ko nga alam kong tatayo ang alaga ko kay beshie ko EH, kahit pa nga nakita ko na katawan ng beshie ko, hindi man lang tumayo,,,, see!!!? Ouuuuch!!!! "
Si Carlo na napasigaw sa huli dahil binatukan ito ni Sirius.
"Ipagsisigawan mo talagang nakita mo na katawan ko friend!? "
Kay Carlo lumalabas ang totoong ugali ni Sirius. Ito lang naman kasi ang kaibigan nya na sa loob ng 11 years ay walang iwanan at limutang naganap. Nagmemeet pa sila sa Canada para lang magbonding every vacation. Ngunit walang nakakaalam nito kundi sila lamang sa kanilang batch.
"Walang dapat ikahiya beshie, pangarap ko kaya magkaroon ng ganyang katawan! haleeerrr! "