KABANATA TATLO
"Ohhhh my God!!!! Sirius hija, di ko talagang akalain na ganyan ka kaganda sa personal!" bulalas ni Mrs Forio na ina ni Carlo.
"Mama pang twenty mo ng sinasabi yan, pwede bang ako rin, sabihan mo ring maganda ako! " birong tugon naman ni Carlo na katabi si Sirius sa couch at kaakbay ito.
"Poge ka anak! " seryuso namang wika ng ina.
"Ha ha ha maganda ako. " tutol nito sa ina.
Katatapos lamang nilang kumain at napagdesisyunan nilang tumambay muna sa sala at makipagkwentuhan dahil maaga pa naman.
"Sirius anak hija, pwede bang kayo nalang ng anak ko, papaasikaso ko na ang kasal nyo! Papauwiin ko narin ang kapatid nya sabihin mo lang hija. "
Ani ni Mrs Forio na hawak pa ang mga kamay ni Sirius.
"Tita Casie ang bilis naman po ata, eh di naman attract si pinsan sa babae, ako nalang po. Handa na akong magpatali. Kahit bukas na bukas pagkakasal na kami! " si Vincent na kanina pang di mawala ang mata kay Sirius.
Kanina nga ng makita niya ito ay bigla nalang itong natahimik at namula. At everytime rin na nginingitian siya ni Sirius ay napapalunok ito.
"Tshhhheee! " sabay na contra ni Carlo at ng kanyang ina.
"Mama wag mo na syang guluhin at ikaw rin Vincent ha, baka yung kinain niyang pang sampung tao kanina ay bumaliktad na." sabay hipo sa tiyan ni Sirius na ikinahagikhik ng dalaga.
"Carlo, ang bibig ko! " saway ng ina.
"Naku mama, sanay na sakin ang beshie ko, kaya after five years pag wala pa akong fafa at sya ay ganun din, for sure mag-aaral na kong magluto para sa kanya. Ang gana po kayang kumain niyan! Abah, mangyari pa siguro eh under de saya ako ng future wife ko." pagyayabang ni Carlo pero nagbibiro lamang ito para sa kanya.
"Pasensya na po tita Casie ha, ganun po talaga ako kumain.... Hehe" nahihiyang ani nito.
Sa nakalipas na taon ay makikita mong ang laking pinagbago ni Sirius. Marunong na itong ngumiti. Natutunan nya ito ng siya ay nag-umpisa ng magtrabaho sa City Hospital sa Canada. Sari saring pasyente ang kanyang nakakasalamuha.
Ang pagngiti ay nagpapakita ng positibong emotion sa taong kinakabahan ay nagpapalakas ng kanilang damdamin upang labanan ang takot. Kaya naman sa lahat ng operasyong ginawa niya ay hindi pa ito nafafailed.
"Naku, masaya nga ako at nagustuhan mo mga niluto ko. Basta feel at home ha. " tuwang tuwa nitong sagot.
"Si, pagluluto kita bukas! " biglang nasabi ni Vincent.
"Vincent, matinong babae ang beshie ko, wag mong akitin! "
"Selos ka Carlo? " singit ng ama niya.
"Papa, walang dapat ikaselos. Ako at ako parin ang beshie nya, diba babe!? " sabay halik sa noo nito na ikinatuwa ng ama ni Carlo.
"Ang layo ng sagot mo hijo! " natatawang sagot ni Art.
Wala namang problema si Art sa kanyang anak dahil pormal naman ang bawat kilos nito at di mababakasan ng pagkapusong babae. At sa tingin nga niya na ang pagkasilahis nito ay di ganap. Naimpluwensiyahan lamang ito ng hilig niya sa mga feminine things.
"Pinsan, huwag naman ganun. Possisive mo naman. Ipaubaya mo na sakin ang bestfriend mo. Mamahalin ko sya ng tapat! "
"Ulol! Maghanap ka ng matino at wag ang baby girl ko. She deserve to be love at iisa lang dapat sya, hindi yung ang dami mong pinagsasabay kaya ka tago ng tago eh! "
"Ouchhh!! Pinsan tiwala lang... garantisado yun. Take note, sya palang liligawan ko.- Sirius pwede ba kitang ligawan?" ani nito.
"No! " agad na tugon ni Carlo.
"Pinsan, si Sirius na tinatanong ko... "
"Lahhhh, saka ka magtanong kung tapos ka na sa iba mong chicks! Dahhhh!! " irita nitong sagot.
Tuwang tuwa naman si Art na tinitingnan ang mukha ng anak kung kayat sumingit itong muli sa usapan.
"Anak, Sirius kung ano man ang usapan nyo ni Carlo sana magkatotoo nalang ano! At sana mapaaga. Gusto ko ng magkaapo." pasimpleng pagpaparinig ni Art sa dalaga.
"Tito, pati ba naman po ikaw." si Vincent na napapakamot na ng ulo.
"Tsk! Nagbabakasakaling magbago ang gender ng anak ko Vincent." tugon nito.
" Nahhh!!! Sirius ako nalang. Kaya kitang alagaan. Masarap din akong magluto at magkakaroon tayo ng magandang pamilya. " nakangiting pangungumbinse pa nito.
"Tumigil ka na nga pamangkin! " singit ni Casie.
Napapangite nalang si Sirius sa usapin ng mga ito.
"Babe, tayo ka na nga dyan, tara na sa kwarto mo at masimulan na ang ritwal, baka mabuntis ka dito ng di pa kita nagagalaw! Hmmp! " sabay tingin kay Vincent ng masama na ikinatawa ng magulang ni Carlo at maging si Sirius.
"Sige na anak, magpahinga ka na. Tatawagan ko nalang papa mo na safe ka sa amin. " segunda ni Art.
" Dahhh papa sa mokong na yan ay hindi! Lets go na Beshie at nag-uumpisa na akong magselos! " pag-aatubili nitong ani.
At agad na nitong pinatayo si Sirius at mabilis na pinaglakad patungo sa taas.
KINABUKASAN ay gulat na gulat ang mag-asawa pati si Vincent ng makita nila si Sirius at Carlo na magkayakap na natutulog sa isang higaan.
"What are you doing here!?" boses ni Carlo na naramdaman ang mga mata sa paligid ng magising.
"Beshie wake up, you so bigat na..." lambing niya sa katabing dalaga at hinalikan nito ang buhok.
Nakahilig kasi ito sa kanyang dibdib.
"And three of you, dont think negative, we're always like this for ten years. Nothing more. "
Sa sinabi niya ay nanghinayang ang mukha ng mag-asawa at si Vincent naman ay tuwang tuwa sa narinig.
Inayos niya ang ulo ni Sirius saka ito tumayo. Uminat ito ng katawan.
" Thanks God for another chapter of my life! And mauna na po kayo sa baba mama, pakiout nalang po ng yakult ni baby girl mama sa ref. Inilagay ko po kasi sa freezer yung 50 pcs nya at babaunin po namin mamaya. Maliligo lang po kami. "
"Maliligo kayo!? " sabay na tanong ng mga ito.
"Of course, aalis kami ngayon. Nakakahiya kung mabaho po kami. Ang nenega nyo.... Beshie wake up na, maligo ka na at dun na ko sa kwarto ko. "
"Ahhhhhhhh! " sabay nilang tatlo.
"Beyennnn!!!! Agang aga, sa baba na po kayo! " pagtataboy ni Carlo.
"Ohhh sige na. Gisingin mo na at ok na ang breakfast nyo. " sagot ni Casie saka na ito tumalikod kasama ni Art at gayun din si Vincent.
"Thanks ma! "
"Baby girl, gising na.... Pag di ka magising dadalhin na kita sa CR at ako na magpapaligo sayo...." sabay kulikot nito sa butas ng ilong
"Ahhhh friend, 15 minutes more please...."
"No. "
"10 minutes? "
"No. "
"5 minutes"
"No. "
"5 seconds? "
"Ok. "
"Lahhhh ang lupit mo babe!!! "
"I know... Counting na me... 5, 4 , 3, 2, 1, 0 ! Tayo na na babe. Malayo pa ang byahe natin. "
"Yessss babe! Ito na Hmmmp goodmorning! Thanks love for a beautiful dream. Thanks God for waking me up parin." wika niya na umiinat ang katawan.
"Beshie, pinupuntahan ka parin ni sir Top!? "
"Sometimes babe. Yung tipong mahaba at masarap ang tulog ko tulad ngayon. "
"Ohhhhh buti di sya nagpaparamdam sakin noh. Oh sya tara na, kilos na. "
Matapos maligo ng dalawa ay sabay narin ang mga itong bumaba.
"Friend, ano yang mga hawak mo? " si Sirius na ang tinutukoy ay ang plastic cover na may hanger.
"Beach casual dress mo at siempre terno tayo. Babe kaya kita. Para sa night party nila fafa Charles ito sa batanggas. Remember. May baon narin akong things natin. Kahapon pa prepared yun. Stay tayo ng two nights dun kaya masaya toh! "
Napa-o nalang ang labi ni Sirius sa narinig.