Sprite Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa'ming lahat. Sakal-sakal pa rin ni leader si Zero. Ang mata niyang kakulay ng dugo at ang luhang parang ulan na pumapatak mula rito ay isang senaryong hindi ko akalaing masasaksihan ko sa leader namin. Si Fallen Angel, simula nang maulila ay iminulat na ang mata sa mundo ng karahasan. Kakaibang pagsasanay ang pinagdaanan niya bago maging Underworld Goddess ngayon. Pinagtibay siya ng mga pasakit ng panahon. Bata pa lamang ako ay malaki na ang utang ng loob ko sa kaniya. It happened many years ago. Kahit sa murang gulang ko ay bihasa na'ko sa pagnanakaw dahil na rin sa hirap ng buhay. Ang masangsang na lugar ang naging tahanan ko simula nang mapatay sa sunog ang pamilya ko. Mula sa mga basura kung saan-saan hanggang sa mga

