Luciana Hindi namin iniinda ang bawat pagpatak ng ulan sa aming katawan. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin pero hindi ang sakit sa pulsuhan ko ang dinadaing ko kundi ang sakit na nagmumula sa aking puso. "Will you kill me then, retard?" I looked straight in his eyes and there I saw confusion. Like he is fighting an urge or something. I need no answer anymore. Kasabay nang pagpatak ng mga luha ko ay naramdaman kong may itinutok siya sa likod ng aking leeg. Itinaas ko ang dalawa kong kamay papunta sa beywang niya na animo'y yakap-yakap ko siya. Ang isang kamay niya ay may hawak na patalim na nakatutok sa likod ko habang ang isang kamay niya ay sakal sakal ang aking leeg. I smiled. A bittersweet smile. "Lahat ba ng ginawa mo ay pawang mga kasinungalingan lang?" h

