Chapter 3

1400 Words
Habang papaalis ng bayan si Louise ay di nya mapigilang umiyak. Mula sa mga ala-ala, mga tao at higit sa lahat sa kaibigan nyang si Maximiliano. mamimiss nya ang lahat ng nandito. *** "Louise, Louise gising" bulong ni Max kay Louise, agad namang nagising si Louise at bakas sa mga mata na antok pa ito. nag tataka din ang dalaga sa nang yayari. apat sila sa loob ng kwarto. si Max, Jessica at Diego lang ag kasama nya. agad naman syang nag tanong. "Nasaan ang iba?" tanong ni Louise. "Pinasok tayo ng mga armadong tao" sagot ni Diego. "Ligtas sila pero si Margaret, wala na" sabi ni Jessica na umiiyak. yakap lang sya ni Max. agad sinuot ni Louise ang kwintas na binigay sa kanya ng lola nya. "Dumating ba sila Calvin?" tanong muli ni Louise. "Hindi sila dumating, baka nag palipas na ng gabi sa kalsada" "tumahimik muna kayo" bulong ni Max dahil mukhang may paparating. ilang sandali lang at may kumatok sa pinto at nag salita. "Louise, buksan nyo 'to" sabi ni Franz. agad binuksan ni Diego ang pinto at pinapasok sila. sa ngayon ay pito nalang sila. "Nasaan si Beatrice?" tanong ni Diego. "tumakas sya sa bintana kanina" sagot naman ni Emman. Beatrice's POV Tumakas ako mula sa bintana ng looban kami ng mga armadong lalaki. katulad lang ng nakita namin sa convenience store, gusto din nila kaming patayin at inuna na si Margaret. tumatakbo ako hanggang sa marating ko ang kabahayan. kumatok ako sa mga pintuan at may tumulong sa akin. kasalukuyan akong nakaupo sa sofa, pumunta sandali ang may ari ng bahay sa kusina, may kukunin lang daw. nanonood ako ng tv ng dumating ang nag patuloy sakin dito na nag ngangalang Jose. may hawak syang isang palakol at lumapit sa akin, ang akala ko ay lalabas sya at papatayin ang mga nanloob sa amin. laking gulat ko ng ihampas sya sa akin ang palakol na sya namang kinabagsak ko sa lupa at mawalan ng malay. *** Lumabas ng bahay ang mag tropa at pumunta sa kagubatan, magkakasama sila at di naghiwalay pa. pito nalang silang buhay, wala na ang bangkay ni Margaret nung tignan nila at di naman nila alam kung napano na si Beatrice. nagtago sila sa isang kweba na malapit sa kabahayan, "Mas mabuti kung dito lang tayo" sabi ni Max. pinapanood nila ang pag sikat ng araw, unti-unti na ring nag lalabasan ang mga tao. "May pyesta ata sila" sambit ni Vanessa dahil mistulang nag diriwang ang mga ito. ilang saglit lang at nakita nila ang bangkay ni Beatrice at Margaret, at may dalawa pang naka loob sa sako. "Patay na sila" sambit ni Jessica. habang si Louise ay mahigpit ang hawak sa kwintas ng kanyang lola. di na mapigilan ni Emman na sugurin ang mga tao, dahil pupugutan nila ng ulo ang mga bangkay. "di ko na kaya, ayoko ng ganito" sigaw ni Emman na nakakuha ng antensyon ng mga tao. may ilang mga payaso ang sumugod sa kanila na may hawak na armas. "Killer Clowns!" sigaw ni Vanessa at tumakbo palayo. habang si Emman naman ay pasugod sa mga payaso. tumakbo na din sina Max at Louise ngunit mag kaiba ng pinuntahan ang iba. tanging dalawa nalang sila na mag kasama. di nila alam ang nangyari sa iba. di pa sila nakakalayo kaya't tanaw pa nila ang pag paslang kay Emman. hinanap nila ang iba nilang kasama hanggang sa makakita sila ng isang sasakyan. nilapitan nila ito at napansin nilang pamilyar ang sasakyan. "Kay Calvin 'to di ba?" tanong ni Louise kay Max at tumango naman ito. "kung ganon, kahapon pa sila nandito" dugtong ni Louise. "Malamang sila ang unang napatay, baka sila yung dalawang nakasako" sabi ni Max patuloy lang sila sa pag lalakad hanggang sa makasalubong nila si Franz. "Max.... Louise...." sabi ni Franz na di maka paniwala. "Nasaan si Jessica at Vanessa?"" tanong ni Louise. "Kasama nila si Diego, napahiwalay ako sa kanila at may sumusunod sa aki-" di na natuloy ni Franz ang sasabihin. biglang may tumulong dugo sa ulo nito at lumabas sa bibig. inatake si Franz ng isang payaso sa likod! "Takbo!" sigaw ni Max kay Louise at agad naman silang umalis. *** Takbo lang sila ng takbo dahil hinahabol pa rin sila ng isang payaso. kung ganon, clowns ang kalaban nila. "Clowns ang pumapatay sa atin, kasabwat din nila ang mga taong bayan" hinihingal na sabi ni Max. agad silang nag tago sa isang malaking bato at madamo ang gilid nito. "Labas na mga taong labas!" sabi ng payaso, hinahanap pa rin sila nito. napikon na at napagod kakahanap ang payaso kaya umalis na ito. "shhhh" sabi ni Max ng muntik mag salita si Louise. suot pa rin ni Louise ang kwintas ng kanyang lola. nag masid sa paligid si Max at ng makumpirma na wala na ang naturang pumapatay ay lumabas na sila ng pinag tataguan. *** Mabilis inilabas ni Diego ang kanyang pocket knife mula sa bulsa. kasalukuyan silang nag tatago sa bahay nina Louise. kinuha din ni Jessica ang isang kutsilyo sa kusina. tatlo lang silang magkakasama. naiwan nila si Franz ng may makakita sa kanila. "Umalis na tayo rito, baka bumalik sila" sabi ni Vanessa na hirap pa 'rin mag lakad ng dahil sa sugat sa paa. "aalis talaga tayo rito, kahit di sila kasama" sabi ni Diego at mabilis na kinuha ang susi ng van. nang makuha ang susi ay agad agad silang sumakay ng van. "paano sila Max at Louise?" tanong ni Jessica. "kaya na ni Max protektahan si Louise" sagot ni Diego at mabilis pinaaandar ang van. nang mapagana na nya ito ay agad agad siyang nag maneho ngunit pag liko nya sa kalsada ay may isang grupo ng payaso ang paparating sa kanila. sasagasaan sana ni Diego ang mga ito ngunit nabaril ang kanilang gulong. mabilis na nakababa si Diego at Jessica. nakalimutan na nila si Vanessa sa sobrang pag mamadali. "Hoy tulungan nyo ako!" iika ika na lumabas si Vanessa mula sa van. di namalayan ni Vanessa na may tao sa kanyang likod na bigla nalang syang hinampas, dahilan para mawalan sya ng malay. *** Nakatali si Beatrice sa isang bangkuan, pilit syang kumakawala. may takip ang kanyang bibig at duguan ang mukha. ramdam na nya na malalagutan na sya ng hininga ano mang oras. higit sa nawawalan na sya ng pag asa ay may iniinda din syang sakit sa mukha. nasa isa syang basement ngayon, madilim ang buong lugar. ilang sandali lang at bumukas ang ilaw at tumambad sa kanya ang isang payaso. "Hmmm, ano kaya ang gagamitin ko sayo?" sabi ng payaso. lumapit ito sa kanya at tinanggal ang harang sa bibig. "salita ka nga" sabi nito. "Pag ako naka takas dito, lagot kayong lahat!" sigaw ni Beatrice na kinagalit ng payaso. "hindi ka ba masaya?" tanong nito. bakas sa mukha ang disappointment. "ako? magiging masaya? eh yayariin mo na ang buhay ko!" sigaw uli ni Beatrice. "Di ko pa sana yayariin ang buhay mo, makikipag laro pa sana ako, pero sabi mo eh hahahaha!" sabi ng payaso na ano mang oras ay papatay sa kanya. agad nitong kinuha ang isang matalim na kutsilyo. dinukot ang dila nya at hiniwa hanggang sa matanggal. di na nakapag salita pa si Beatrice at hagulgol nalang ang nagagawa. at sunod namang ginawa ay hinampas sya ng isang baseball bat na may pako. *** "susundan ko si Louise at papanatilihin kong ligtas sya ano mang oras, kaya hayaan nyo akong lumisan" sabi ng batang Maximiliano na mas kilala na ngayon sa ngalan na Max. nilihim ni Max kay Louise ang lahat. di alam ni Louise na si Maximiliano at Max ay iisa. "papayagan ka lamang namin kung mag iiwan ka ng palatandaan, isang palatandaan para di ka namin mapatay kung sakaling ikaw ay magbalik" sabi ng ama. kaharap ngayon ni Max  ang lahat ng tao sa kanilang baryo. mag dadalawang taon na din ng lumisan ang tagapag mana ng pagiging pinuno ng mga payaso. Si Louise ang tagapag mana, sya lang ang napasahan ng kanyang lola ng mahiwagang kwintas na nag tataglay ng itim na mahika. "Opo, tinatanggap ko ang palatandaan" inihiga ng taong bayan si Max sa isang lamesa, nilahad ni Max ang kamay na lalagyan ng palatandaan. papalapit ng papalapit ang mainit na bakal sa kamay ni Max, at nang dumapo ito ay napaso ang palad ng lalaki. nag mistulang peklat ang ginawa sa kanya, pero ayos lang sa kanya yon, para lang mabantayan si Louise. sa pag lisan ni Max sa baryo ay nag simula nang maging agresibo ang mga tao rito. ang sino mang pumasok ay mamamatay at di na makakalabas pa ng buhay. —————— Hi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD