Nagising nalang ang batang si Louise dahil sa ingay ng paligid.
Wala syang maalala kung nasaan sya. unti-unting dinilat ni Louise ang kanyang mata at bumunggad sa kanya ang nakakasilaw na sinag ng araw.
may tila ba umaagos na likido sa kanyang noo. hinawakan nya ito at tiningnan. may tumutulo sa kanyang dugo. nang maramdaman ang kamay na nakahawak sa kanyang kamay ay naalala nya ang nangyari.
dali-dali nyang niyakap at pilit ginigising ang walang buhay na lola habang nasa gitna ng kalsada. umiiyak sya at nag sisisigaw, pilit pa rin ginigising ang lola. kahit pinalilibutan ng maraming tao ay kahit isa ay walang tumulong sa kanila. ang pinaka mamahal nyang lola, ngayon ay wala na.
***
Nagising si Louise dahil sa napaginipan. tila bumabalik sa kanya ang nakaraan.
agad na bumangon si Louise at hinanap si Max. bumaba sya sa sala at nakita nya ito doon.
Nakatitig lang si Max sa isa sa mga litrato ng lola ni Louise.
tumabi si Louise kay Max at nag salita.
"Ang Lola Martha ko yan" sabi ni Louise. "Sya ang may ari ng bahay na ito, bago sya mawala ay pinamana nya ito sa akin" dugtong ni Louise. tumitig lang sa kanya si Max na para bang hinihintay ang susunod na sasabihin ng dalaga.
"Nanirahan ako dito ng pitong taon, isang taon palang ako dito na ako nakatira" sambit muli ni Louise. "Dahil nga kailangan ni Mommy pumunta ng abroad pati na rin si Daddy ay naiwan ako kay Lola, kilala si Lola dito sa baryo, dahil isa sya sa pinaka magaling na Magician dito, katuwang na nya sa buhay ang mga clowns, pero dumating ang panahon na nag retiro sya para sa akin" sabi muli ni Louise at nag sisimula nang mahalungkat ang nakaraan.
***
Masiglang nakikipag laro ang batang si Louise sa kaibigang si Maximiliano. Anak si Maximiliano ng isang sikat na payaso, kaya't ganon nalang kasaya si Louise tuwing nagbibiro ito.
Nagtatagu-taguan ang dalawa ng aksidenteng may mahanap na kung ano ang batang Louise.
Mula sa likod nang puno na kanyang pinag tataguan ay may narinig syang pinag uusapan ng dalawang tao sa isang bahay.
ang lola nya ang isa sa mga ito, kaya't dali-dali syang lumapit para makinig.
"Ramdam ko na ang aking oras, kaya't hinihiling ko sainyo na protektahan ang aking apo sa kung ano mang panganib na darating sa kanya" ani kanyang lola.
"maasahan mo kami, pinuno" sabi ng ama ni Maximiliano. agad nyang nalaman na ang nag uusap pala ay ang kanyang lola at ang ama ng kanyang kaibigan.
"Malapit na din akong mag retiro bilang isang magician" dugtong ng kanyang lola sa sinabi nito kanina lang. di na nayari ni Louise ang pakikinig ng mahanap na sya ng kalaro.
"Huli ka Louise, ikaw naman ang taya!" sigaw nito ng makita sya. agad naman syang tumakbo papunta dito at ngumiti. "ayoko na mag laro, pag na ako" sabi ng batang Louise.
Umupo ang magkaibigan sa isang malaking bato. tila gubat ang kanilang kinaroroonan. maliit lang ang kanilang baryo at kaunti lang ang mga tao. di lalampas ng 70 ang bilang ng mga tao dito.
kilala din ang pamilya ni Louise sa di nya malamang dahilan.
nag usap ang dalawa hanggang sa mag dilim at tawagin ng kanilang mga magulang.
"Louise! Maximiliano!" pag tawag sa kanila ng isang matandang lalaki na nag ngangalang Roberto.
agad silang nag tungo sa matanda. "saan ba kayo galing mga bata kayo? mag gagabi na" sabi ng matanda at agad din silang hinatid sa kanilang mga bahay.
***
"Kumain na tayo, kanina pa may niluto si Diego" pag aya ni Max kay Louise. ngumiti lang ito at kusa nang pumunta sa kusina para kumain.
kumakain na sina Louise at Max ng may kumatok sa pinto. agad namang binuksan yoon ni Max.
nakipag usap si Max sa isang payaso na kumatok sa kanilang pintuan. di narinig ni Louise ang pag uusap ng mga ito pero nakita nya na may inabot si Max dito na kinangiti naman ng payaso. may katabaan ang payaso at di buong mukha ay may make up.
niyari na ni Louise ang pagkain na sakto namang pag alis ng payaso.
"ano daw yon?" tanong ko kay Max. "wala yon" sagot nya sa akin. agad ko namang tinawag ang ilan kong kasama.
"may signal na!" tuwang tuwa na sabi ni Beatrice.
"tinawagan namin sina Calvin at Cheska kanina, susunod daw sila dito" sabi naman ni Emman.
"Tara lumibot muna tayo habang hinihintay sila" sabi ni Louise sa tropa, sa wakas mabubuo sila ngayong araw.
"saan naman tayo pupunta?" tanong ni Franz. "May alam akong ilog dito, medyo malayo nga lang pero maganda" sagot ni Louise na kinatuwa ni Vanessa at Beatrice.
nag dala si Franz ng camera at ang iba naman ay powerbank at cellphones. kinandado na ni Louise ang bahay at nag simula nang mag lakad sa blangkong daan.
nag seselfie si Vanessa habang nag lalakad, si Beatrice din. habang ang iba ay nakasunod lang kay Louise.
ilang saglit lang at huminto sila sa isang gilid ng daan. "handa na kayo? bababa tayo" sabi ni Louise.
bumaba ang tropa sa isang daan patungo sa ilog, naaalala pa ni Louise ang mga nang yari at masasayang ala-ala nya dito sa lugar.
***
Umiiyak na naka upo si Louise sa malaking bato na tabi lang ng ilog. kasama nya ang kaibigang si Maximiliano. ngayon na kasi sya aalis ng bayan at sisimulan ng mamuhay kasama ang magulang. dahil sa pagkamatay ng kanyang lola ay kinuha na sya ng kanyang magulang.
"Basta lagi mong iisipin na nandito lang ako" sabi ni Maximiliano. "mamimiss kita Maximiliano" sabi ni Louise.
hinihimas ni Maximiliano ang likod ni Louise, pilit nyang pinakakalma ang bata.
"pag laki ko babalik ako dito ha?" sabi ni Louise na umiiyak pa rin.
papalubog na ang araw ng umalis sila sa lugar.
hinihintay si Louise ng kanyang magulang, at nang makauwi sya ay umalis na din agad sila sa bayan.
***
"Malapit na tayo" sabi ni Louise sa mga kaibigan. habang nag lalakad ay tutok pa rin sa cellphone si Vanessa kaya't natisod sya ng isang matulis na bato at nahiwa ang kanyang paa.
maliit lang ang hiwa pero maraming dugo ang lumabas. "Aray!" sigaw ni Vanessa kaya't di na sya pinaglakad at binuhat nalang ni Emman.
"tignan nyo kasi dinadaanan nyo" sabi ni Max.
narating na nila ang ilog at agad na nilinisan ang sugat ni Vanessa.
naliligo sina Franz, Emman, Jessica at Beatrice. si Louise naman ay nakaupo sa malaking bato, inaalala ang nakaraan.
"Louise!" tawag sa kanya ni Jessica. tiningnan lang niya ito. "tara! sama ka samin!" sigaw naman ni Emman.
lumapit naman sya sa mga ito at tinanong. "saan naman kayo pupunta?" tinuro naman ni Franz ang isang abandonadong bahay na di kalayuan sa kanila.
naalala pa nya nung una syang pumunta sa bahay nayon kasama si Maximiliano, kamusta na kaya sya?
"tara" maikling sagot ni Louise sa mga kaibigan at nag tungo na nga sila doon.
***
Nasa harap na ng bahay sina Louise. nag video na din si Franz.
pinasok nila ang bahay at bumungad sa kanila ang mga makalumang gamit, mga litrato ng mga payaso at ang litrato ng lola nya na may suot na pendant.
"yaan ang lola ko" turo ni Louise sa litrato.
***
"Apo, lagi mo itong suotin pag nasa panganib ka, bibigyan ka niyan ng proteksyon" sabi ng matanda habang binibigay ang kwintas na kulay itim.
"ang ganda naman po lola" sabi ng bata na galak na galak sa binigay ng kanyang lola.
"ikaw ang tagapag mana ko, lagi mo yang iingatan" sabi ng matandang Martha sa kanyang apo na tutok lang ang mata sa kwintas.
***
"Louise, ayoko na dito" sabi ni Jessica. lumabas na din ang mga kasama nya at naiwan si Louise sa loob.
"Hoy! balik na tayo sa bahay!" sabi ni Emman. "Baka nandon na sila Calvin sa bahay" sabi din ni Franz.
sumunod na din sya at bumalik na sila sa bahay.
***
"Wala pa sila? katagal naman" sabi ni Vanessa. "Baka naubusan ng gas" sabi ni Max.
"Hintayin na natin sila dito" sabi ni Louise at sinunod naman sya ng kanyang mga kasama.
Hating gabi na at wala pa rin ang dalawa. napag desisyonan na din nila na matulog na.
—————