Chapter 1

1573 Words
"I CAN'T WAIT!" sigaw ni Jessica. kasalukuyan kaming naka video call magkakaibigan. bukas na kasi ang alis namin para makapag bakasyon sa bahay namin sa probinsya. siyam lang kaming magkakaibigan doon. doon kami mamamalagi sa loob ng isang buwan. "Ihanda nyo na yung mga dadalhin nyo, medyo malaki ang bahay namin don hahaha" sabi ko sa mga excited ko nang mga kaibigan. actually eleven kami sa grupo pero di sumama ang dalawa. mag babakasyon din daw sila. "Sige, matutulog na ako" sabi naman ni Emman at agad naman syang nag out mula sa video call. "ako din matutulog na" sabi ko naman at agad na pinatay ang laptop ko. Pag patay ko ng laptop ay agad ko itong chinarge. nag iimpake na din ako nang mga dadalhin ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko. agad kong tinignan kung sino ang tumatawag at nakita ko na si Max lang pala. Si Max ang boyfriend ko and 2 years na kami. agad kong sinagot ang tawag ni Max at nag salita naman sya agad. "Louise" maikli nyang sabi. "Oh, bakit ka tumawag? matulog ka na" sabi ko naman sa kanya. "maaga akong pupunta dyan, mga alas-kwatro" ramdam ko ang ngiti nya sa kabilang linya. "Sige, goodnight" sabi ko at pinatay na ang telepono at nag simula na muling mag impake. 11 pm na pala. agad kong chinarge ang cellphone ko para bukas ay full charge ito. Pumasok ako sa banyo at nag-toothbrush na. pag kayari naman ay natulog na ako. **** NAGISING AKO sa ingay na mula sa baba, mukhang nandito na ang mga kaibigan ko. agad akong pumunta sa cr at naghilamos at toothbrush na din. bumaba ako sa sala namin pagka-yari non. naabutan ko ang nag-kakagulo kong mga ka-tropa. "Maliligo lang ako, then alis na tayo" sabi ko at bumalik muli sa taas. pumasok ako sa kwarto ko at nag gayak ng susuotin. pinili ko ang ripped jeans at croptop. pumasok na ako sa banyo at naligo. 15 minutes lang ako naligo dahil sa nag mamadali na din. ilang saglit lang at bumaba na ako suot ang ripped jeans at croptop. agad naman akong nag suot ng sandals na may heels. "Yung gamit mo nasaan na?" tanong ni Max sa akin. "Nasa taas" sagot ko dito. nasa sasakyan na yung iba at kaming dalawa nalang ni Max ang nandito sa sala. agad naman niyang kinuha ang gamit ko at dineretso sa van naming Toyota Hi-Ace. "Mommy? aalis na po kami" sigaw ko. at agad namang lumitaw si Mommy na binigyan pa ako ng 30k. "oh ayan, pang dagdag mo" sabi ni Mommy at humalik pa sa'akin bago tawagin si Daddy. agad din akong ki-niss ni daddy sa cheeks at nag sabi din ng mag-ingat kami sa byahe at i-enjoy daw namin ang bakasyon. agad na kaming sumakay sa kotse. Si Diego ang driver sa amin, at sya din ang pinaka matanda. mag aalas-dose na ng tanghali kaya't agad na kaming umalis at tinahak ang daan patungo sa probinsya ng aking lola. habang nasa daan ay nag iingay ang tropa. tila ba amin ang buong kalsada dahil kami lang ang bumibyahe dito. sa passenger seat naka-upo si Jessica, sa likod naman nya ay sina Emman, Margaret, at Franz. sa second row naman ay sina Beatrice, at Vanessa. habang kami ni Max ay nasa pinaka likod. habang nagkakantahan ang buong tropa mga bandang alas-dos ng tanghali ay may dumaan na isang pusa at nasagasaan iyon. agad na hininto ni Diego ang van at sunod sunod kaming nag labasan. naiwan sa loob sina Beatrice at Franz. agad na napatakip ng bibig si Vanessa sa nakita. halos masuka sya dahil halos lumabas ang utak ng pusa. "sumakay na kayo, pusa lang yan" sabi ni Diego at sumakay na kami ng van. pag sakay namin ng van ay nag salita si Franz. "Wala bang malapit na convenience store dito?" tanong nya. "nung huling punta ko dito, meron" sagot ko kay Franz. "kaya lang ilang kilometro pa ang layo, ano ba ang gagawin mo?" dugtong ko dito. "nadudumi ako" sagot ni Franz. kinatukan naman sya ni Jessica dahil kumakain ito. nag patuloy na ang byahe namin at di tulad ng kanina, tahimik na sila. habang si Max naman ay nakatulog na sa tabi ko. Hinalikan ko sya sa noo at nagulat ako ng biglang bumukas ang mga mata nya. bumungad sa akin ang kanyang mga nag gagandahang mga mata na kulay light brown. napangiti naman sya sa ginawa ko at niyakap ako ng mahigpit. bumalik na sya sa pag tulog at ako naman ay nag cellphone. habang papalayo kami ng papalayo ay unti-unting nawawalan ng signal ang aking cellphone. gayon din sa iba kong kasama. "ano ba naman yan, ala nang signal!" angal ni Beatrice na nag iinstagram. "wala na din bang signal sa inyo?" tanong ni Beatrice at sumagot naman ako ng oo. nag snacks na ang iba at tahimik lang sa byahe ng marating namin ang tinutukoy kong convenience store. pero walang tao dito. mukhang abandonado. pero may mga pagkain pa din at bukas ang tindahan. kaya't dalidali silang pumasok sa loob. naiwan nalang ang tulog na si Max at si Vanessa sa van. naiwan naman si Beatrice sa labas bilang look out. at Ako, si Jessie, Franz, Diego, Emman At Margaret ay pumasok sa loob para kumuha ng pagkain at needs. Si Franz ay pumasok sa cr at doon na nilabas ang kanina ba nya dinadalang dumi. dahil walang tao at cctv ay kinuha na namin ang mga kailangan. sayang ang 30k na binigay sa akin kanina ni Mommy. si Diego ay kumuha ng mga maiinom, si Margaret ay mga panglinis at napkins, ako ay kumuha ng pagkain tulad ng canned foods at noodles. Si Jessie naman ay kumuha ng pera sa cashier dahil walang tao at mukhang iniwan na to matagal na panahon na. Si Emman naman ay di ko na alam ang ginawa. sumunod na saamin ang iba. may ibang umihi at kumain na. pero mas nakakapag-taka na hindi pa expired ang mga nandito. naghakot na kami ng ibang gamit na pwede para sa isang buwan naming pag babakasyon. papaalis na sana kami ng may humarang sa amin mula sa pintuan ng convenience store. isang clown! natakot ako sa asta nito, mukhang balak kaming patayin. bigla itong ngumiti at nag labas ng kutsilyo. nagulat ako sa ginawa nito. katulad ko, natatakot na din ang ibang babae. niyakap ako ni Max na parang sinasabi nya na di nya ako iiwan. tumakbo patungo sa direksyon namin ang lalaki at akmang sasaksakin kami ng biglang manlaban si Diego. may hawak syang isang pocket knife. nasaksak ito ni Diego at biglang bumulagta sa sahig, nag kalat din ang dugo nito. mabilis na nag tungo si Diego sa lababo at nilinis ang kutsilyo nya. nakakagimbal ang pangyayari, kaya hanggang ngayon ay paralisado parin ako. di ako makapaniwala, may namatay sa harap namin. "M-Max, hi-hindi to totoo di ba?" utal kong tanong, at niyakap nya ako. "nandito lang ako" bulong nya. agad naming tinago ang bangkay sa banyo, pero bago yon ay sinigurado muna ni Diego na wala na ang lalaki. nilinis din nila ang nag kalat na dugo sa sahig. at pagyari non ay umalis na kami. madilim na ng makaalis kami sa naturang lugar. at base sa aking cellphone ay 8pm na. malapit na din kami sa bahay. pinilit kong pumikit, pero naaalala ko ang nangyari kaya hanggang sa pag dating namin sa bahay ay nanatili akong gising. *** Hating gabi na at gising pa din ang lahat. lahat kami ay nasa sala ng bahay. "Paano na yan?" tanong ni Beatrice. "tayo tayo lang ang nandoon, mangako kayo na walang makakalabas na sikreto" sabi ni Diego. "Paano kung may cctv doon at may iba pang kasama yung lalaki?" sabi naman ni Vanessa. pilit kong pinakakalma ang sarili ko habang umiinom ng kape. "tago ang bahay na to, isipin mo nasa gitna tayo ng bukid, ilang milya lang ang layo ng ibang kabahayan" sabi ni Emman. "kung manahimik kaya kayo? tignan nyo, pinalalala nyo lang ang sitwasyon" bulyaw na ni Max. "Basta walang magsasalita tungkol sa nang yari" sabi ni Diego at umakyat na sa kwarto nya. "kung malaman ng mga tao na nakapaligid sa atin yung nangyari?" sabi ni Jessica. "Tumahimik na kayo!" bulyaw muli ni Max at umakyat na kami sa kwarto. kasama ko si Max sa kwarto ko. kaya ano man ang mangyari ay ligtas ako. pinikit ko na ang aking mga mata at nag simula nang dalawin ng antok. *** "masaya ba dito, apo?" tanong ng matandang babae sa kanyang apo na si Louise. "Opo Lola" masayang sagot ng kanyang apo na wala pang gaanong kaisip isip. "ang tawag dyan ay Clowns, magaling silang mag magic, gusto mo bang makakita ng magic?" tanong muli ng lola sa apo habang sila ay naglalakad papunta sa isang tindahan. "Opo Lola! gusto ko pong makakita ng magic!" sagot ng apo na may maliit pang boses. "o sya sige, nakikita po ba itong bulaklak na ito?" pumitas ang matanda at pinakita sa kanyang apo. "opo" nakangiting sagot nito. "magiging candy ang bulaklak na ito" sabi ng matandang babae na may hawak ng bulaklak. nilamutak nito ang bulaklak sa kanyang palad at pag bukas noon ay naging isa iyong matamis na candy. "Wow! ang galing naman po lola" agad kinain ng batang Louise ang candy na binigay sa kanya ng kanyang pinaka mamahal na lola. "Ang sarap po!" sabi nito. nakarating na ang mag-lola sa tindahan at bumili ng isang de lata na kanilang uulamin ngayong tanghali. masayang nag lalakad pauwi ang mag lola ng may biglang bumunggo sa kanila na isang sasakyan. mabilis ding tumakas ang nakabunggo sa kanila at doon nalang nawalan ng malay ang batang Louise. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD