Chapter 3-Cherry meet Mike
Cherry's Pov
Maaga akong nagising at napatingin sa mga kaibigan ko. Tulog pa rin hanggang ngayon.
"Wake up. We need to get out," sabi ko sa kanila.
"Umaga na." Napatingin sa akin si Tin. Nag-ayos na sila ng mga gamit.
"Saan tayo pupunta nito?" Napatingin ako sa sinabi ni Tin.
"Yan ang hindi ko masagot, Tin. Parang naliligaw tayo. Tignan mo, hindi nga natin alam kung nasaan tayo."
"You have a point, ate Cherry. Isa pa, mukhang malawak na kagubatan. Hindi talaga nay
Tin alam kung saan tayo pupunta."
"Ganito lang, kailangan nating gumawa ng paraan para makalabas. Kailangan nating makaalis bago pa tayo makita ng halimaw."
"Nakakatakot talaga ang mukha ng halimaw. Grabe ang laki niya," sabi ni Edz na kumikilos pa.
"Sabi mo, Edz, namumula ang mata mo sa galit at nanlilisik. Kaya kailangan na nating umalis." Lumapit lang ako kay Tin.
"Wala na bang natira?" tanong ko ulit sa kanila.
"Except for our food," mahinang sabi ni Kc.
"Ok lang 'yon, atleast hindi tayo nakain ng halimaw." Sabay lapit ni Tin kay Kc. "Salamat, Ate Cherry; iniligtas mo ako."
"Magkasama tayo. We need to escape together," sabi ko sa kaniya. "Tara, hindi tayo makakaalis kung dito na lang tayo," sabi ko sa kanila. Sabay kaming tumayo. Naglakad kami hanggang sa maabot ng aming mga paa.
"Magpahinga muna tayo." Napatigil kami sa sinabi ni Edz.
"Pagod din ako" sabi ko sa kanila.
"Gutom rin ako." Tiningnan ko lang si Sarah.
"Lahat tayo ay nagugutom, Ate Sarah; ang layo na ng nilakad natin." Sabay upo ni Roxanne. Napatingin sa amin si Sarah, at yumuko lang siya.
"I'm really sorry for you guys."
"Tapos na, Sarah. Aalis muna ako." paalam ko sa kanila. Kailangan kong maghanap ng makakain; baka makakita ako ng prutas.
"Saan ka pupunta, Cherry?" Nilingon ko si Sarah. Tinignan niya ako ng seryoso.
"Hahanap muna ako ng makakain" sabi ko sa kaniya.
"Nandito lang ako! 'Wag kang lalayo. Sigaw ka lang," sabi niya sa akin. Natatawa na lang ako kay Tin. Malapit lang siya sa akin. Nakaalis na ako. Buti na lang nakita agad ako, at lumapit ako sa puno ng mangga. Kukunin ko na sana nang biglang may humagis sa ulo ko kaya natamaan ako. Napasigaw ako sa sakit. Nagulat ako ng biglang may tumalon sa likod ko. Nagulat din siyang humarap sa akin.
"Sino ka?" sabi niya sa akin. Nakasimangot akong humarap sa lalaki. Sa inis ko ay bigla kong binato sa kaniya ang mangga na ibinato niya sa akin.
"Aray! Bakit mo ako binato niyan?" sabi niya sa akin.
"Yan ang tinanong ko saiyo. Masakit ba? Kukuha ako ng mangga," mataray na sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry, hindi kita nakita. Nagulat ako sa pagsigaw mo." Baliw siya, at talagang sinisi niya ako. Ang sarap sabunutan ng lalaking ito.
"Eh ikaw naman? Bakit ikaw lang ang may karapatang kumuha?" Tinalikuran ko na 'yong lalaki, hindi ko na lang pinansin, at kinuha ko manga. Aalis na sana ako nang magsalita siya.
"Miss," sigaw niya sa akin. Hindi ko na lang ulit siya pinansin at nagpatuloy sa pag-alis. Bumalik ako at humarap sa mga kaibigan ko na nakakunot ang noo.
"Oh ito," sabay bigay ko sa kanila.
"Ang dami niyan ate Cherry. Paano mo nakuha iyan mag-isa?" Napatingin ako kay Tin.
"May isang mababang puno na naabot ko, at kinuha ko ito." Napansin kong nakatitig sa akin si Kc. Lumapit siya sa akin.
"Anong nangyari sa ulo mo?" Tinignan ko lang si Kc. Naalala ko, ang mayabang na lalaking iyon.
"May bukol ka Cherry," sabi niya at hinawakan ni Sarah ang ulo ko.
"Sinaktan ako ng lalaki na 'yon kanina," sabi ko sa kanila. Tinitigan nila ako.
"May nakita ka bang lalaki?" tanong sa'kin ni Edz.
"Oo, namimitas rin siya. Naiinis talaga ako sa lalaking 'yon."
"Nasaan siya ngayon?" Napatingin ako kay Edz.
"Bakit! Hindi ko alam naiwan ko."
"Dapat tinanong mo kung saan ang daan palabas dito?" Napaisip ako sa sinabi ni Edz.
"Oo nga! Baka alam niya ang daan palabas dito. Balik na tayo," sabi ni Roxanne sa kanila. Binalikan namini. Hindi na namin nakita ang lalaking iyon. Nawala na siguro iyon sa isip ko.
"Saan?" mahinang sabi ni Jeniz.
"Wala na; baka wala na?" sabi ko sa kaniya.
"Sayang naman! Iyon lang ang maaasahan natin." Kumunot ang noo ko, humarap kay Kc.
"Mukhang hindi na 'yon sasagot ng matino. Ang bastos n'ya sa akin. Tinapunan niya ako, kaya nangyari sa akin," sabi ko sa kanila.
"Ay, 'yan! Kung gusto niyong hanapin ang lalaking 'yon, kayo ang bahala." Nakatalikod ako sa kanila. Naiinis ako sa kanila.
"Puwede ba 'yon?" Sabi ni Tin sa kanila.
“Nababadtrip si Ate Cherry sa atin. Hindi maganda unang pagkikita nila," sabi ni Roxanne sa kanila. Narinig ko silang nag-uusap sa gilid ko. Sinundan lang nila ako. Wala man lang nagsalita sa amin. Pakiramdam ko ay palagi silang nakatingin sa akin.
"Teka tigil muna tayo," sabi ni Tin. Napatingin ako sa kanila.
"May naririnig ka ba?" Napatingin ako kay Tin, hawak ang kamay ko. "Mukhang may sumusunod sa atin." Nanginginig ang kamay ni Tin sa takot.
"Kailangan nating magtago," sigaw ni Sarah.
"Yan ang sinasabi ko. Maggagabi na kasi baka lumabas ang halimaw na 'yan," mahinang sabi ni Tin.
"Kailangan natin magtago. Punta tayo sa damuhan para hindi tayo makita ng halimaw." Hinila ko si Tin. Niyakap niya lang ako. Nagtago kami sa damuhan, kung saan hindi nakikita ng halimaw.
"Halimaw! Mukhang alam niyang nandito tayo," mahinang sabi ni Jeniz.
"Huwag kang maingay, Jeniz." Napatingin si Tin sa kaniya. Isang oras na kaming nagtatago at hindi pa rin umaalis.
"Wala na siya!" sigaw ni KC sa amin.
"Huwag na siyang bumalik," sabi ko sa kanila. Tumayo kami ng ilang minuto. Nakahinga ako ng maluwag.
"Kailan ito matatapos?" Napatingin kami kay Kc.
"Pagod na ako. Paano kung makita tayo ng halimaw?" Mahinang bulong ni Tin sa kaniya.
"Hindi ko nga alam kung kailan tayo makakaalis dito. Pagod na rin ako. Magpahinga na tayo," sabi ko sa kanila. Nagkatinginan lang kami.