Chapter 7-Pag-uusap
Mike's Pov
Napatinginn ako sa mga kaibigan ni Cherry panay ang kalabit nila. Ramdam ko na may sasabihin sila akin.
"Salamat sa ginawa mo." Napalingon ako kay Sarah at sa mga kaibigan niya sa likod ko. Napansin kong panay ang tawa nila at nakatingin kay Cherry.
"Nakahanap ng katapat si Ate Cherry." sabay tawa ni Tin.
"Thank you! Niligtas mo ulit siya. Hindi naman kasi katulad diyan ang kaibigan mo." Malakas talaga si Edz na parang may pinakikinggan. Umiling lang ako sa kanila. Si Cherry lang ang iba sa kanila. Walang kinatatakutan, naiinis ako minsan sa tigas ng ulo niya. Sa sobrang taas ng pride may naalala akong katulad niya.
“Teka bakit ka umalis mag-isa? Paano kung nakita ka ng halimaw na iyon?" Tumingin ako kay Kc ng seryosong mukha at humarap sa kaniya.
"Kaya ko naman siya."
"Naku ‘wag ka ngang magyabang Kuya Mike" mataray na sabi ni Roxanne.
"Hoy? Roxanne, daan-daan ka pananalita mo."
"Totoo naman, John. Kailangan niya ng kasama."
"Tama si Roxanne."
"Oh, hindi ba pumayag si Ray? Kaya Kuya Mike 'wag mo kaming pag-alalahanin."
"Oo nga inaantok pa ako. Ang ingay ni Ray ang gumising sa akin." Hinampas ni Ray si George.
"Natakot lang ako." Lumapit ako kay Ray sabay akbay sa kaniya.
"Let's go into the kitchen. Kain na lang tayo," sabi ko sa kanila.
"Ano ba ang nakuha mo kuya Mike?“ sabi sa akin ni Tin.
“Next time, Mike, magpaalam ka na. Hindi ka aalis ng mag-isa." Sila na naman; natatawa na lang ako sa mukha ni Sarah.
"Oo nga Mike. Paano mo nakilala ang halimaw na iyon?" Isa pa 'tong si John ginagatungan pa mga girls.
"Kaya ko siya." Paulit-ulit kong sabi sa kanila.
"Ang yabang mo naman," sabi ni Cherry habang lumingon kami sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinansin. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung may dalaw babae na 'to. Ang init ng ulo. Napailing na lang ako. Lagi niya akong pinariringgan kahit pilit na tumatawa ang mga kaibigan ko.
"Pasensiya ka na lang kaibigan namin," mahinang bulong sa akin ni Sarah.
"Ang sungit niya," bulong ko din sa kaniya.
"Hoy! Naririnig ka Kuya Mike. Lagot ka," sabi ni Roxanne sa akin.
"Wag mo na lang pansinin; ganyan lang talaga si Ate Cherry na gustong masunod. Nakahanap siya Kuya Mike ng katapat." Tumawa si Tin.
"Pero ako sa'yo umiwas ka na muna diyan; layuan mo muna iyan. Oh! Lagot ka." pananakot sa akin ni Tin. Tinulungan pa niya ako. Nakakaloka ang mga kaibigan ni Cherry; nag-uusap kami ng pabulong at naririnig nila. Napatingin ako kay Tin; seryoso ang mukha niya.
"Bakit Tin?"
"Kasi nga galit sa'yo. Ewan ko lang pansinin ka no'n. Ano ang nangyari noong una kayong nagkita? Bakit galit na galit saiyo?"
"Wala akong maalala." Nagtataka ako kung bakit galit na galit si Cherry sa akin.
"Di ba," mataray na sabi ni Sarah. Napaisip tuloy ako. Nong may sumagi sa isip ko, natatawa ako, naalala ko iyon.
"Naalala ko, sinaktan ko siya. Hindi ko alam na nandoon siya. Bakit hindi man lang nagsasalita ang kaibigan mo?" Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Iyong mukha ng mga kaibigan ni Cherry, seryoso silang nakikinig sa akin.
"Gago, tumahimik kayo!" sabi ko sa kanila.
"Naku, may bukol siya. Naku, galit na galit siya sayo."
"Hindi ko sinasadya, Tin?" mahinang sabi ko.
"Pasensiya ka na?" Sabi ni Tin sa kaniya.
"Hindi ko matandaan."
"Kung ako saiyo, magsisisi ka." Sabay tulak sa akin ni Tin. Paano ako hihingi ng tawad sa kaibigan niya? Lalapit na sana ako ng nakasimangot ang mukha niya.
"Oo, Mike. Hindi ka kinakausap," sabi ni George.
"Shut up," sabi ni Edz kay George. Natawa ako sa kanila. Kakaiba ang mga babae. Kanina ko pa napapansin na tuwing nag-uusap sina George at Emz ay hinaharangan sila nina Edz at Jeniz.
"Oh nangyari saiyo Edz?" sabi ko sa kaniya.
"Kasi naman hindi naman kausap eh, nakikisawsaw."
"Bakit ikaw ba sinabihan ko," sagot din ni George sa kan'ya. Gago rin 'to pinapatulan pa.
"Oh, narinig mo 'yon Jeniz," sabi ni Edz sa kan'ya.
"Oo nga, kausap ba tayo," sabi Jeniz. Napatingin kami sa kanila. Anong nangyari sa kanila? Nag-aaway sila ng wala tayo?
"Halika Jeniz, masisira pa ang araw natin." Magkasama sina Jeniz at Edz. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko.
"Nangyari sa dalawa," sabi ko sa kanila. Lumapit ako kay George; seryoso rin ang mukha niyang nakatingin sa dalawa.
"Anong ginawa niyo sa kanila George?"
"Wala kaming ginagawa sa kanila. Nakikinig lang kami sa music ni Emz. Iniwan mo kasi kami. May mga tupak babaeng 'to."
"Ang tanga mo George; wala ka bang ginawa? Bakit ka nagagalit? "
"Ewan ko diyan, Ray." Sabay lapit ni George kay Emz.
"May ginawa ba tayo?" Tanong ni George kay Emz.
"Alam kong pumunta sila sa atin, pero hindi natin sila pinansin kanina. Ang lakas ng music mo kasi ang tanga mo."
"Baka iyon lang ang ikinagagalit nila." Namula si George sa inis.
"Bakit hindi mo pinansin?" Tanong ko kay George,
"Emz is listening to music. Are we consciously talking to each other?"
"Cp ko iyan." Natatawang sabi ni Emz kay George.
"Ay Nakakadagdag ba kayo sa gulo? Paumanhin po," utos ni Roxanne sa kanila.
"Ano, gagawin namin," sagot ni Emz.
"Ikaw na bahala diyan at linisin mo ang dining room."
"By the way, you found your excuse. Ayaw mo lang maglinis." Sabay hampas ni Jhun kay Emz. Pinagtawanan pa kami ng loko. Kaya naman pala mabilis pa sa alas kuwatro tumayo. Para paraan din isang 'to. Sabay hila niya kay George ang ending ako nagliligpit.
"Sige, puwede ka nang umalis, naglilinis lang kami." Napalingon kami kay Cherry. Tahimik lang mga kaibigan. Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi na ako nagsalita. Ayokong makadagdag sa init ng ulo ko. Bukas kakausapin ko siya ng masinsinan para malinawan sa aming dalawa na hindi ganito palagi ang sagot niya sa mukha.
"Goodnight," sabi ko. Tumango lang ang mga kasama niya. Habang si Cherry naman ay nakatingin lang sa hugasan. "Magpahinga na kayo," sabi ko sa kanila. "Magandang gabi." inuulit ko ulit. Tinawanan lang nila ako.
"Good night Mike. Magpahinga ka na. Walang lumabas!” Seryosong sabi ni Tin. Tumango lang ako. Nagpaalam na ako sa kanila. Tapos na sila. Pagod na rin akong nagpapahinga. Hahanap ako ng makakain hanggang sa inaantok ako.