Chapter 17

1103 Words
Chapter 17-Pag-aalala John 's Pov “Anong gagawin natin?" "Puwede ba Tin, tumahimik ka? Nahihilo ako sa ginagawa mo." Mostly sa sobrang inis ko hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos tapos hindi pa nakikinig sila. Syempre hindi lang si Cherry ang kulang. . Alam kong malakas si Mike, pero hindi pa ganoon katigas ang ulo ni Mike? Wala pa rin si Mike. “John, relax lang," sabi ni Emz. Napatingin lang ako sa kan'ya. Paano ako mare-relax kung naririndi na ako sa mga babae? "Kasi naman eh, bakit pa nangyari ito? Nawawala pa si Mike. Hindi kaya nakuha na sila ng halimaw," sabi ko sa kanila. Nawawalan na ako ng pag-asa. Lahat ng iniisip ko. Paanong hindi natin alam kung ilang halimaw ang nakaabang sa lugar na ito? Paano kung ang isang mabangis na halimaw ay malapit nang umatake. “Yon na rin sa tingin ko. Paano na?" sabay lapit ni Ray sa amin. "Hindi puwedeng makuha si Cherry." Napatingin ako kay Sarah, halos araw-araw naghihintay sa front door para mag-update ng kaibigan nila. Hindi ko naman sila pinapaalis kasi lagi naman kami lumabas ka para mag-update sa kanila. "Wag kang mag-alala, Sarah," sabi ko sa ka'nya. "Kasi hindi ka nag-aalala, kaya ka nagkaganyan.” “Hindi naman sa ganoon Sarah; kailangan nating maging matatag. Kasi kung ganyan ang iniisip mo, walang mangyayari sa'yo. Syempre, nawawala rin si Mike. Hindi lang Cherry. Si Mike ba tinatanong niyo?” Bihira lang magalit si Rod, pero ngayon mukhang sumabog na ang loko. "Tama si Rod; makinig ka, dahil kung talagang takot ang iisipin natin, hindi tayo makapag-isip ng maayos." Tumingin si Emz sa kanila ng seryoso ang mukha. "Babae kasi kami. Ganyan kami laging advance mag isip," mahinang sabi ni Tin. "Tama na, saan pa mapupunta ang usapan na ito?" saway ko sa kanila. "Bahala ka. Tara, hanapin natin sila." Napatingin ako kay Sarah. Bakit ba ang tigas ng ulo nila? Tangina naman oh. "Walang aalis Sarah, alam niyo naman ang pag-atake ng halimaw sa gabi," sabi ko sa kanila. "Pero kakaiba, Rod. Bakit biglang nawala sina Mike at Cherry noong isang araw?" Yan ang iniisip ko kanina. “May misteryo kung saan tayo nagpunta; tingnan mo. Nawala si Cherry doon. Ganyan din si Mike; hindi ba nakakagulat?" Napaisip ako sa sinabi ni Jhun. "Pero bakit tayo nandito? Sa tingin ko, ikaw ay. Parang may nagpapakita sa kanila." "Bakit Kc?" "Nakita ko kasi si Emz Mike na may tinitingnan, tapos lumapit siya. Napatingin ako sa'yo saglit kasi may tinanong ka sakin. Pagtingin ko ulit sa kan'ya, hindi ko nakita si Mike." "Teka, ibig mong sabihin may ibang tao dito?" sabi ko sa kan'ya. "Hindi John. I think there's another creature here." "You believe there is a creature here." sabay tawa ni Ray. "Posibleng tama siya; Ray, hindi ba kagubatan ito? Malamang meron." "Ibang nilalang ang ibig mong sabihin? Meron ba talaga? Oh, imposible iyon. Sana nahuli na tayo.” "Bahala ka Ray kung ayaw mong maniwala." "Hindi naman sa ganyan Edz kasi sa TV lang 'yan?” “Ewan ko sa'yo. Pero may point ka, baka mag-isa ka lang nagpapakita o 'yun ang gusto nila." "Natatakot na naman ako sa mga sinasabi mo, Ray." "Minsan kailangan mong maging matapang." "Eh kasi naman, natatakot ako Roxanne. Sanay naman akong laging kasama si Ate Cherry; bakit nangyari 'to?" "Kasalanan ko ang lahat; kung alam ko lang na mangyayari, hindi na kayo inimbitahan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nasaktan si Cherry; 5 days na siyang nawawala." "Anong ginagawa mo, Ate Sarah? Wala kang kasalanan, ok! Wag mo nang isipin ‘yon." Sabay yakap sa kan'ya ni Tin. "You didn't want this to happen. Mas mabuting magdasal na lang. Sana okay na sila." Hinarap ni Sarah si Jeniz. "Paano kung hindi sila magkasama?" sabi ni Jeniz, seryosong nakatingin sa amin. “Ganoon ako noong nag-iisip kanina. Buti sana kung magkasama silang dalawa." Napaisip ako sa sinabi ni Sarah." "Don't think about anything; just think that they're together. Mike will not let it go na hindi rin sila nagkita. Mike and I are together." "Buti kung hanapin Ray. Alam kong may iba kayong dapat ipag-alala. Alam naming gusto niyong gawing maghigante ang halimaw na iyon; iyon ang plano niyo." Napalingon ako sa sinabi ni Edz. “Nakita niyo naman, di ba? Reaksyon ni Mike, kulang na lang ay magsusuntukan tayo sa galit niya. Hindi nga siya nagpaawat eh! Hinahanap niya. Puro kasi kayo duda." Hindi nakakapagsalita ang mga babae sa sinabi ko. "Relax ka lang John, puso mo." "Kasi Rod, gulong gulo na! Sinisisi niyo pa si Mike." "Umayos ka John, hindi namin sinisisi, kaibigan mo? Hindi kami nagdududa kay Mike. Siyempre hindi namin maiwasang mag-isip ng ganyan; alam mong nandito kayo para sa halimaw. Ngayon kung mag pipiliin ang pangmatagalang plano mo o ipagtanggol kami, dahil alam mong hadlang lang kami sa plano niyo, kung alam mong malapit sa iyo ang halimaw anumang oras, maaari mong sugpuin ang halimaw." "Kung iyan ang itatanong mo sa amin, Sarah, syempre buhay niyo. May plano nga kami, pero hindi namin puwedeng pabayaan kayo. Hindi kami ‘yong tipo ng tao para iwanan ito sa ere. Kayo. Alam kong wala kayong tiwala lalo na sa iba.” “Sana magbago na kayo. Konting tiwala lang," sabi ni Ray na walang nagsasalita na nakatingin sa mga babae. “Mahirap magtiwala ngayon, lalo na’t hindi kayo namin lubusan kakilala,” mahinang sabi sa amin ni Jeniz. "Siguro marami ka nang pinagdaanan kaya masasabi mo yan." "Oo, tama ka, Kuya Rod, meron; napakatindi. Kasi ang hilig mong gumawa ng mga bagay na makakasakit ng damdamin ng iba. Alam mo, masasabi mo 'yan dahil hindi mo pa naranasan na makitang nasasaktan ang iyong kaibigan. ." "Tama na," sigaw ni Roxanne sa kanila. “Hindi, Roxanne, eh! Sa tuwing naiisip ko ang pinagdaanan ni Ate Cherry sa ex niya. Niloko lang siya, pinaasa lang, 'yon pala pinagpustahan lang nila si Ate Cherry. Hindi naman pala totoong mahal siya, pinaibig lang, tapos umalis na parang bula. Ok lang sa kanya ang ginawa niya. Ako, nakita ko kung gaano nawasak ang buhay ni Cherry dahil sa lalaking 'yon.” "Tama iyan." Sabay yakap ni Roxanne kay Tin sa kanila, at nagsimula silang umiyak. “Sumosobra ka na kasi,” mahinang sabi ni Emz. "Sorry, hindi namin alam. Wala kaming balak na saktan kayo. Hayaan mo na. We promise we will do everything just to see Cherry and Mike. Right now, we need to rest. Bukas, hahanapin natin sila. Let's magtulungan walang aalis," sabi ko sa kanila. Nagpahinga kami pagkatapos sabihin ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD