Chapter 18-Taguan Feeling
Cherry's Pov
“Tawag ka Cherry," bulong ni Prince Wayne sa ka'nya.
"Hayaan mo na siya, Prinsipe Wayne," mahina kong sabi sa kan’ya.
"Alam mo naiinggit lang ‘yan sa atin. Tingnan mo kung makatingin, parang mangangain." Nagtatawanan kami ni Prince Wayne. Palihim kaming nagkatinginan. Umupo ba naman si Prince Wayne sa tabi ko para hindi siya mapansin ni Mike, ‘yon nga lang biglang bumigay ‘yong nakaupo sa malaking batong ‘yon. . Muntik na kaming matumba ni Prince Wayne.
"Sa pagkakaalam ko nandito tayo para sugpuin ang kalaban wag ganito haharutan ka sa harap ko." Agad na tumayo kaming dalawa hindi ko na lang pinansin si Mike. Anong sinasabi nito? Kung badtrip siya, 'wag niya kaming idamay. Kanina pa siya, naiinis na ako sa kan'ya.
"Sorry ha, nadamay ka pa," pabulong na sabi ni Prinsipe Wayne. Hala! Ako nga dapat humingi ng sorry dahil nadadamay siya sa moody na lalaking 'to. Problema niya ito sa buhay, sabi ko na lang sa isip ko.
"Ok lang" sabi ko.
"Ginagawa mo ‘yon para pagselosin si Mike sabay tawa ko kay Prince Wayne.
"Hindi!" Tinignan ko lang siya ng palihim.
“Kasi sabi mo mukha siyang kakain ng buway! Tinawanan ako ni Prince Wayne.
"Mauna na ako; kukuha ako ng makakain natin." Napatitig ako kay Prince Wayne..
"Teka iwan mo ako dito," sabi ko sa ka'nya.
"Yeah!" bulong ulit ni Prince Wayne.
"Baka masuntok ako niyan kasama mo."
"Hayaan mo siya; wala siyang magagawa sa buhay niya," sabi ko.
"Mag-usap muna kayo." Giit ni Prince Wayne sa akin. Sa katahimikan, hindi man lang ako pinapansin ni Mike. Nakatitig lang siya sa mga tao sa palabas na parang may pinapagawa. Napatingin din ako sa tinitignan ni Mike. Hindi ako nakatiis. Kinausap ko siya ng kusa.
"Nakita mo na ba ang girlfriend mo?" Lumingon sa akin si Mike, at hindi ako nagsasalita, tinanong ko ulit siya.
"Sino ang bestfriend ng girlfriend mo?" Tumingin ulit siya sa akin na mukhang masama.
"Bakit ba ang dami mong tanong? Kanina pa kita tinatawag, hindi mo man lang napansin; ngayong papalapit ka na. Nasaan ang kasama mo?“ Gumaganti siya.
"Ang dami mong sinasabi; nagtatanong lang. Kung ayaw mo edi wag! Makaalis na nga lang." Hinawakan niya ulit ang kamay ko.
Nakatingin lang ako sa kan'ya.
"Nandito ka lang; 'yong naka-pink na damit ay matalik na kaibigan ng girlfriend ko."
"Hmmnz, ang ganda niya. Siguro ang ganda ng girlfriend mo, and you look in love with her. Kasi nakita kong ginawa mo ang lahat para sa girlfriend mo, kahit na marami ang nagsabing wala na siya, pero hindi ka sumuko. Ngayon siya ay buhay." Nakatitig lang ako sa bestfriend ng girlfriend ni Mike. "Ang suwerte ng girlfriend mo. Sabihin ko sa ka'nya kung ano ang ginawa mo para sa ka'nya. Kahit delikado talaga, hindi ka sumuko. Mauuna na ako." Tumingin sa akin si Mike at niyakap ako.
Nagulat ako sa ginawa ni Mike.
"Hoy! Teka, anong ginagawa mo? Bitawan mo ako." Niyakap pa rin ako ni Mike ng mahigpit at hindi pa rin bumibitaw.
"Anong nangyayari sa'yo?" Ako na mismo ang umalis. "Baliw ka, hindi mo ako girlfriend." Dumating na rin si Prince Wayne. Tatahimik na lang ako. Hindi ako makatingin sa kan'ya. Kakaiba si Mike dahil bigla siyang nakayakap.
"Kumain muna tayo. Pagkatapos ay magplano tayo. Mamayang gabi, sasalakay tayo. Sasalubungin natin siya malapit sa mga puno, at doon tayo sasalakay. Sana makuha natin ito bago pa kabilugan ng buwan. Patungo kay Haring Arun kapag ang pulang kuwintas ay akin na upang iligtas ang mga tao. Tanging ang pulang kuwintas lamang ang makakatalo at makabalik sa liwanag ng kuwintas ito kaagad."
"Magagawa ba natin ito, Prince Wayne?" Sabi ko sa ka'nya.
"Syempre Cherry, tama, Mike! Tiwala lang?"
"Sige, punta ako diyan, babantayan niyo kayo dito. Kapag nakita mo ang halimaw, sundan mo siya sa batis. Pupunta ako doon. Habang abala siya, napansin kong gabi-gabi siyang nagpupunta doon para uminom ng mga oras na iyon. I'm really sorry to you two," sabi ni Prince Wayne.
"Ok lang, Prince Wayne, gagawin din natin 'to para sa girlfriend mo na si Mike," sabi ko sa ka'nya. Aalis na sana ako nang biglang narinig ko ang boses ni Mike.
“Dito ka na lang Cherry," aniya. "Para mabantayan natin ito ng maayos.“
“Anong ginagawa mo, Mike?" mataray na sabi ko sa ka'nya. "At saka, kailangan natin mapag-isa para mabilis natin mahanap ang halimaw."
"Sabi ko hindi ka aalis, hindi ka aalis! Puwede natin silang bantayan dito. Hindi ko naman sinabi na maghiwalay tayo. Syempre hindi natin kakayanin ang halimaw na mag-isa tapos ang lakas ng loob mong pumunta ng mag-isa." Tumawa lang siya.
“Eh para sigurado kasi."
"One more word I'll kiss you."
"Alam mo ikaw. ginagawa mo sa akin to kasi hanggang ngayon sinisisi mo pa rin sarili mo, hindi mo siya mapigilan, tapos ginagawa mo sa akin hindi mo ginawa sa girlfriend mo, ngayon binubuhos mo sa akin." Lumingon sa akin ng hindi umimik at hinalikan ako ng matagal hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa ka'nya. Naiinis ako, alam na niyang may girlfriend siya tapos aasarin niya pa ako ng nakakunot ang noo ko.
“Bakit mo ako hinalikan?' sabi ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na sasagutin niya ako, alam ko ang totoo, ang mali lang sa akin ay may nangyari sa amin ni Mike. Naghilamos ako ng mukha. Nakakainis na naguguluhan ako sa nararamdaman ko. . Kailangan kong iwasan si Mike para sa ikabubuti naming dalawa.
"Ang ingay mo kasi.” Hinarap ko siya ng masama. "Ilove you," mahina niyang sabi. Na na tahimik ako sa sinabi ni Mike. Anong sinabi niyang mahal niya ako? Hinila niya ako. Hindi ako makagalaw. Nakasunod lang ako sa kan'ya at tahimik kaming pinagmamasdan ang hayop.