Chapter 19-Pagbabalik ng Kagandahan ng Kagubatan
Mike's Pov
Napatingin ako kay Cherry. Nabigla lang ako kanina na nagawa ko siyang halikan dahil sa sobrang kulit niya ay hinalikan ko siya. Matagal ko na siyang gusto, at ayokong mawala siya sa buhay ko. Sa tuwing lumalapit siya kay Prince Wayne, sobrang inggit ang nararamdaman ko dahil pinapansin niya ito. Kapag lumalapit siya sa akin, lagi siyang galit at hindi maintindihan. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagselos at nakaramdam ng ganito. Ngayon ko lang naranasan ang umibig ng ganito, kahit may girlfriend na ako. Inlove na ba talaga ako kay Cherry? Pero hindi ako nilingon ni Cherry. Sana mahal niya rin ako. Tumingin ulit ako kay Cherry; nasa kabila siya. Lumapit ako sa kan’ya.
"Sorry sa ginawa ko kanina. Ikaw kasi makulit?" sinisisi ko siya. Bigla niya akong hinila.
"Let's go," sabi niya. Napatingin ako sa kan'ya.
"Bakit?"
"We have to follow that monster. He's here. Bilisan mo." Sabay hila niya sa akin. Seryoso ako sa pagsasabi sa kan'ya, tapos hindi siya nakinig.
"Teka Cherry. Dahan dahan lang baka may mapansin tayong sumusunod sa kan'ya. Ang bilis mo tumakbo."
"Excited lang akong gawin ito."
"Alin?" Inis kong sabi sa kaniya.
"Kunin na natin ‘yang pulang kuwintas na 'yan, at makakaalis na tayo dito, at pareho tayong gustong lumabas at makita ang mga kaibigan natin. Syempre gusto mo rin makita ang girlfriend mo." Tinitigan ko siya, sinusuri ang bawat galaw niya.
"You've always been talking about my girlfriend. Are you jealous? Hindi mo na sinasabi ang pangalan ng girlfriend ko."
"Ewan ko sa'yo." Tumalikod siya at iniwan ako.
Sinundan ko lang siya ng tawa.
"Cherry?" Tinawag ko siya.
"Ano?”
“Lagi ka namang ganyan tuwing mag-aaway tayo. Umalis ka na lang."
"Nag-aaway ba tayo? Ang hirap mong kausap! Nasan na ‘yong halimaw na nawala? Ikaw kasi ang kulit." Nakita kong wala na ang halimaw. Saan ka pumunta? Maya-maya, nagulat kami ng bigla kaming nilapitan ng halimaw. Natumba kaming dalawa ni Cherry. Lumapit ako kay Cherry.
"Okay ka lang Cherry," sigaw ko sa ka'nya.
"Okay lang ako." Tumayo ako. Kailangan kong labanan ang halimaw gamit ang armas na binigay sa akin ni Cherry, ngunit malakas ang halimaw at hindi namin siya nakayanan.
"Sa likuran, Cherry," sigaw ko sa kan'ya. "Ako dito sa harap."
"Teka, alam ko. Hindi ba siya takot sa liwanag?"
"Wag na Mike, baka masusunod tayo. Mapahamak si Prince Wayne." Hinampas ko ulit, wala pa rin.
Lumakas ang halimaw. Wala na kaming nagawa nang lumapit sa amin ang halimaw. Hindi ko na kaya, nanghihina na ako, hindi ako makatayo. . Papalapit sa'min ni Cherry na namumula ang halimaw sa galit.
"Save your life Cherry, hindi ko na kaya."
"Hindi ko kaya, hindi kita iiwan."
"Umalis ka na, nandiyan na siya," sigaw ko sa ka'nya. Tumalikod si Cherry at nasa harapan ni Cherry halimaw, Binitawan niya ako at humarap sa halimaw na sinisigawan ko si Cherry, hindi niya ako pinapansin na takot akong lumapit sa kan'ya ang halimaw na iyon ay napapikit na lang ako wala akong magawa.
"Isa lang ang magagawa ko. Matalas akong hawak sa kamay ko." Tumingin siya sa akin at bumulong sa akin. Natakot ako sa plano ni Cherry. Nakatingin lang ako sa kan'ya. Sinaksak niya ang halimaw, at tumalon ang halimaw sa sakit. Pagkatayo ko, naalala ko ang pulang kuwintas. Biglang nahulog ang halimaw. Kinuha naman agad ni Cherry ang pulang kuwintas. Biglang nawala ang halimaw sa pagkuha ng pulang kuwintas. Lumiwanag ang lahat nang makita ko na nag-iba ang paligid. Nagulat kami nang biglang umikot sa amin ang pulang kuwintas. Maya-maya, may narinig akong boses. Lumapit ako kay Cherry. Lumingon ako at nakita kong may papalapit sa amin—isang prinsipe na nakatayo sa harapan namin na kamukha ni Prince Wayne. Kaharap ko siya; nakatingin ako sa kan'ya.
"Salamat sa pagpapalaya mo sa akin." Naguluhan ako sa sinabi niya. Sa gulat ko, napaatras ako at hinawakan si Cherry.
"Huwag kang matakot, ako ay isang hari na ikinulong ng isang halimaw. Ginamit nila ako para maging isang halimaw, ngunit hindi sila nagtagumpay kahit na ako ay nakakulong, ngunit hindi ko sila sinunod. Ikaw ay isang bayani. Ano ang ang pangalan mo?" sabi niya sa amin. Maya-maya, lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa kan'ya. Maya-maya, naramdaman kong malakas na ulit ako. Agad akong lumapit kay Cherry. Muli kaming hinarap ng hari.
"Salamat sa ginawa mo," ulit niya sa akin.
"Wala tayong oras. Kailangan nating ibalik ang mga bihag," sabi ko sa kanila.
"Ako na ang bahala sa kanila. Sila ang may kagagawan nito." Nagulat kami, napatingin na lang kami kay Prince Wayne. Sunod, nakuha namin ang pulang kuwintas na hawak ni Cherry. Nakita nga namin ang saya at excitement ni Prince Wayne sa kan'yang ama. Nagyakapan si Prince Wayne at ang hari nang magkita sila.
"Ama, buhay ka ba?" Sabay yakap ni Prince sa ama.
"Sinabi ko ba sa iyo na iyon ang ama ni Prince Wayne?" bulong ni Cherry sa akin.
"Bakit mo sinabi Cherry?"
"Kamukha!" sabi niya.
"Ama, mga kaibigan ko, tulungan mo kami." Napalingon kami kay Prince Wayne.
"Wala tayong oras hanggang hatinggabi," sabi ko sa kanila. Iniba ko ang usapan na parang may magda-drama. sabay hila ko kay Cherry. Nagmamadali kaming humarap kay Haring Arun. Kumapit ako kay Cherry.
"Hindi ka na ligtas, Prinsipe Arun," sigaw ng hari.
Nakita namin na nabigla si Prinsipe Arun ng makita ang Hari. Pinalibutan kami ng mga sundalo.
"Dito ka na lang Cherry sa likod ko; wag kang aalis diyan," mahinang sabi ko sa ka'nya.
"Oo, boss Mike." Tinamaan namin ito hanggang sa maubos ang lahat. Si Prinsipe Arun na lang ang natira. Hiwalay na kami. Nakita ko si Cherry, napailing na lang ako. Sinasabi ko lang na hindi siya aalis sa tabi ko; matigas talaga ang ulo niya. Pinuntahan ni Cherry ang mga bihag na pinalaya niya.
"Umalis ka dali," sabi niya. Narinig kong sigaw ni Cherry. Agad din silang lumabas.
"Salamat sa ginawa mo," sabi nila kay Cherry.
Habang may kalaban ako, hindi mawala sa paningin ko. Tumatakbo sila kahit saan para lang makatakas. Naalala ko na hawak ni Cherry ang pulang kuwintas, at nakita kong walang laban si Prince Wayne. Ito ay mahina. Agad akong lumapit kay Prince Wayne. Muntik nang matamaan si Prince Wayne ng espadang hawak ni Prinsipe Arun. Nakita kong sasaksakin na si Prince Wayne. Natigilan ako,
“Cherry.” Tinulak niya si Prince Wayne, at inilabas niya ang pulang kuwintas. Lumiwanag ang buong kagubatan. Bumalik na naman ang mga taong naging halimaw. Naging tao na naman sila. Sa wakas, natalo si Prinsipe Arun. Ikinulong sila sa isang palasyo para walang mabiktima. Lumapit sa akin si Cherry. Nawalan siya ng malay. Bigla akong na takot para kay Cherry. Lumapit sa amin si Prince Wayne. Pinagaling niya si Cherry. Niyakap ko si Cherry. Ang mga tao ay bumalik sa pagiging alipin. Nagbalik sa ating mundo. Isang malaking pasasalamat ang sinabi nila sa amin; nandito pa rin kami sa mundo nila; ang Inang Reyna ay bumati sa amin; at ngayon maayos na ang lahat. Muling naging maganda ang kanilang palasyo.
"Cherry, Mike, salamat sa inyong dalawa." May binigay siya sa amin.
Isang gintong kuwintas. Tumingin lang ako kay Cherry.
"Ano ito?" Sinabi ko sa kanila.
"Simbolo ‘yan ng katapangan mo."
"Pero hindi ko matanggap." Sabay balik ni Cherry sa Inang Reyna.
"Sige Cherry, Mike, kunin mo na 'yan at 'wag mong tanggihan ang anumang ibinigay namin."
"Pero Prince Wayne."
"Okay Cherry. Sige na, hindi ka na makakauwi."
"Sige." Natatawa na lang ako kay Cherry. Hindi na siya nagdalawang isip pa; parang sabik na sabik siyang makita ang mga kaibigan niya.
"Bago kayong dalawa umalis, naghanda kami ng konti party bilang tanda ng pasasalamat sa iyo, at sa iyong kabutihan, ikaw ang dahilan ng katahimikan sa ating mundo. Ibinalik mo ang sigla ng magagandang puno. Salamat; dahil sa inyong dalawa." Naglakad si Amang hari at ang pamilya niya. Pinanood lang namin ni Cherry ang bawat seremonyas na ginagawa nila. Nag palakpakan ang lahat nang matapos ito. Niyaya kami ni Cherry na umalis. Nagpaalam na kami sa kanila. Sinamahan kami ni Prince Wayne pabalik sa aming lugar. Kung saan kami unang nakakita ng mahiwagang prutas.
"Teka, nandito na ba tayo?"
"Bakit ganito?" Tumawa si Prince Wayne at humarap sa amin.
"Dahil bumalik na ang sigla ng kagubatan sa tulong niyo, bago ako umalis, gusto ko lang sabihin sa inyo. Maraming salamat sa inyong lahat. May binigay siya sa amin.
"Kunin niyo na."
"Teka, hindi ko matatanggap. ito."
"Sige, Cherry. Itago mo lang kung sakaling dumating ang oras na kailangan mo ito. You can use him."
"He has magic?" Tanong ni Cherry sa kan'ya. Tinawanan na naman siya ni Prince Wayne. Tumingin sa akin si Prince Wayne.
"No, I mean making you rich."
"Pero kailangan mo?"
"My gift ko ikaw. Sige, alis na ako. Puwede mo siyang gawan ng kuwintas. Kinausap ako ni Prince Wayne.
"Ikaw na bahala kay Cherry. Ingatan mo siya, Mike, at ‘wag ka nang mag-away na parang mga bata. Paalam na kaibigan." Biglang nawala si Prince Wayne. Natigilan si Cherry. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. hinila ko siya.