Chapter 9-Pag-alala
Roxanne's Pov
"Sana walang mangyaring masama sa kanila," sabi ko sa mga kaibigan ko. Nararamdaman ko rin sila. Hindi ako mapakali at pabalik-balik ako sa paglalakad. Gabi na kasi wala pa rin sila. Paano kung hindi nila mahanap si Ate si Cherry? Paano kung may nakilala siyang halimaw?" Nakatingin lang sa akin ang mga kaibigan ko. Hindi naman sa tinatakot ko sila.
"Anong ginagawa mo? Nahihilo kami sa lakad mo! Puwede bang maupo?" sigaw ni George sa amin. Tinignan ko ng masama si George. Paano ba naman kasi hanggang ngayon ay wala pa rin sila. Tapos sasabihin niya na maupo kami. Baliw ba siya? Ang sarap hampasin. Hindi, man lang makisama.
"Umupo ka," mahinang sabi ni Emz sa akin. Isa pa. Mukha kayong sirang plaka." Ito lang ang paraan para mapakalma namin ang sarili namin. Tapos hindi man lang makiramdam.
“Hating-gabi kapag wala pa sila. Paano tayo makapag pahinga nito, Emz? Mag-isa lang si Ate Cherry." Tahimik na nakinig sa amin ang dalawa. Nagsimulang tumili si Sarah, at agad kaming lumabas sa sigaw niya. Nauna na akong lumabas.
"Nasaan si Ate Cherry? " tanong ko agad sa kanila. Nang mapansin kong wala sila
"Hindi namin mahanap." Sagot ni Ray habang nakayuko lang ang mga kasama niya. Nanghihina ako. Hindi nila mahanap si Ate Cherry. Kailangan kong mahanap si Ate Cherry. Tinalikuran ko sila. I have to do something for Ate Cherry.
"Saan ka pupunta?" Lumingon ako. Tinitigan ko ng masama si Jhun. Nagawa pa niyang magtanong. Alam naman nila kung sino ang hinahanap ko.
"Hahanapin ko si ate Cherry," sabi ko sa kanila. Tinawanan niya lang ako. Gusto kong sapakin sila pero pinipigilan ko lang. Nagawa pa niyang tumawa. Kinakabahan talaga ako. Sobra akong nag-aalala kay Ate Cherry.
"Wala tayong magagawa, Roxanne. Ang hirap hanapin ng nagtatago."
"I will find him," sigaw ko kay Jhun.
"Roxanne, delikado. Hahanapin ko siya ng maaga bukas. For now, we need to rest."
"Madali lang para saiyo kasi hindi mo siya kaibigan. Bakit ka sumuko, Kuya Mike? Akala ko hahanapin mo siya. Sino ba kami saiyo? Pabigat lang tayo." Hindi ko na mapigilan umiyak sa harap nila. Simple lang naman ang hiling ko. Bakit mahirap para sa kanila?
"Hindi totoo iyan. Tinuring ko kayong mga kaibigan. Ang iyong kaibigan ay matigas ang ulo. Wala tayong magagawa, Roxanne. Iniisip ka ba niya? Umalis siya! Na hindi ka niya iniisip. Ngayon sabihin mo sa akin kung hindi ako nag-alala sa inyo. Syempre, may kaniya-kaniya rin tayong buhay. Sana 'wag kang gumawa ng desisyon na sisira saiyo. Sa palagay mo ba ay hindi nag-aalala ang mga tao sa iyo? Paano kung mapahamak ka?" Tinalikuran ako ni Mike. Nabulunan ako sa sinabi niya. Nasobrahan ang sinabi ko sa kaniya. Si ate Cherry lang ang nasa isip ko. Nag-iisa lang kasi si Ate Cherry pero hindi ko naiisip naramdaman nila.
"Let's take a break." Hinatak ako ni Sarah. Nakasalubong ko si Mike.
.
"Sleep now. Gagawin ko ang lahat para mahanap siya ngayon kailangan na natin magpahinga. Alam naman nating hindi pababayaan ni Cherry ang sarili niya." Napaisip ako sa sinabi ni Kuya Mike. Nagpahinga na kami. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Nakatingin ako sa mga kasama ko. Mahimbing silang natutulog. Bumangon ako. Lumabas ako para mag-isip. Pagbalik ko napansin ko si Mike. Mukhang hindi rin siya natutulog. Lumapit ako sa kaniya.
"Sorry sa ginawa ko kanina. Sorry, dahil ikaw ang napagbalingan ko. Sobrang nag-aalala ako kay Ate Cherry. Mabait naman si Ate Cherry kung makikilala mo lang. May mga bagay na siya mismo ang pagdedesisyon. Ganyan siya kasi sanay na siya. Sana maintindihan mo si Ate Cherry." Tumingin lang si Mike sa akin.
"Sorry din. Kung nasigawan tayo."
"Naiintindihan ko, Kuya Mike. Pagod ka pa maghapon, tapos, pagbalik mo bunganga namin ang sumalubong sa inyo. Imbes na bigyan kayo namin ng pagkain hindi inuna namin galit na wala naman kayo kasalanan. Mahal ko lang kasi si Ate
Cherry." Tumango lang si Kuya Mike habang nakikinig sa akin, nakatingin sa kawalan. Mukhang may iniisip din siya.
"Sige Kuya Mike, matulog ka na. Samahan na kita bukas. Para hindi ka mahirapan sa paghahanap. Promise hindi ako nanggugulo." Natawa si Mike ng harap-harapan. May sinabi pa ako, tumawa naman siya.
"Sana ayos si Cherry." Tinignan ko si Kuya Mike ng seryoso. Tumango lang ako sa kaniya.
"Hindi ka pa ba matutulog? Magpahinga ka. Mawawala ka buong araw. Lagi mo kaming inuuna. Paano kung magkasakit ka?" seryosong tumingin sa akin si Kuya Mike.
"Don't worry about me; Kaya kong alagaan ang sarili ko."
"Kuya Mike. Lahat tayo ay may kahinaan. Walang masama kung magpahinga. Alam kong hindi lang si Cherry ang gusto mong makaharap. Alam namin ang dahilan mo, pero kahit ano pa iyan, susuportahan kita."
"Ok, fine! Dapat magpahinga ka na rin. Ang kulit mo din! Mana ka ni Cherry." Sabay tawa niya. Tinawanan ko lang siya. Nakulitan din naman pala siya. Maya-maya ay niyaya ko na siya. Hindi na siya nagdalawang isip. Pumasok kaming dalawa. Napatingin ako kay Kuya mike at sa mga kaibigan ni Kuya Mike. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni John. Ang yakap-yakap ni Jhun ay parang mag-asawa. Napahiling na lang si Kuya Mike ng makita niya mga kaibigan niya. Lahat kami sa sala natutulog. Hindi na kasi kami pumasok sa kan'ya-kan'ya kuwarto. Nakakahiya naman makatulog na nga kami. Guguluhin pa namin bagay nila.
“Goodnight Roxanne." Tumango lang ako sa kaniya. Ang sweet naman ni Kuya Mike. Bakit ba galit na galit si Ate Cherry kay Kuya Mike? Lumapit ako sa mga kaibigan ko. Ang bruha parang hindi nakaramdam. Lahat ng space para sa'kin. Sa gitna siya. Sa inis ko hinila ko siya. Hindi man lang magising daan -daan ako tumabi. Napatitig ako sa kisame. I wonder anong ginagawa ni Ate Cherry Sana hindi siya makita ng halimaw. Dahil hindi ko kakayanin kung wala akong gagawin. Magkasama kami pero hindi namin pinoprotektahan ang mga kaibigan namin. Dahil masyadong matigas ang ulo ni ate Cherry. Nakikipag-patintero kay Kuya Mike. Mainit din ang ulo niyan. Si Ate Cherry naman, mag-isa ang magdedesisyon. Kahit sabihin nating delikado siya, patuloy pa rin siya sa kaniyang plano. Hindi ko na alam naguguluhan na ako. Gusto ko lang makita si Cherry. Bukas sasamahan ko sila. wala akong magawa. Kailangan ko ng maaga bukas. Kilala ko si Mike, maaga siyang umalis. Paano kung maiwan tayo? Pumikit ako.