Chapter 10

1112 Words
Chapter 10-Ligtas Cherry's Pov Paano ito? Lumalakas na ang ulan. Nakaramdam ako ng takot. Ano ang gagawin ko kung makita ko ang halimaw? Ang gaga ko kasi. Nagmamadali akong maglakad. Naguguluhan din ako kung saan ako pupunta. Ni hindi ko na maalala ang pinagdaanan ko. Tanging sa isip ko lang umalis. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Wala namang ginagawang masama sa akin si Mike. Naiinis lang ako kasi wala akong magawa para sa mga kaibigan ko. Matagal na kaming nandito sa gubat. Hindi ko alam kung makakalabas kami. Paano kung ang isa sa amin ay kainin ng halimaw? Lakad dito, lakad doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pag-gagabi na. Naglalakad lang ako kung saan man magpunta ang mga paa ko. Napapagod na ako. Nasaan na ba ako? Maya-maya, may nakita ako at agad akong tumakbo, kahit basang-basa ako. Sa isang maliit na kubo, agad akong sumilong. Nilalamig ako, at tiniis ko ang lamig hanggang sa nakatulog ako. Pag-gising ko, umaga na. Hindi ako nakatayo; Medyo nilalamig ako. Hindi ako makabangon. Pumikit na lang ulit ako, nanghihina. Nakatulog ulit ako. Maya-maya, may narinig akong boses na parang pamilyar sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang sakit ng ulo ko. Naramdaman kong may yumakap sa akin; Hindi ko na kinaya. Kahit anong isipin ko, hindi ko na kinaya; Hindi ko nalang pinansin. Nakapikit pa rin ang mga mata ko. "Cherry." May tumawag sa akin. "Cherry, bumangon ka na." Hawak niya kamay ko. "May lagnat ka, nilalamig ka. Isuot mo 'to." Binigay niya sa akin. "Bumangon ka diyan. Magkakasakit ka. Basang-basa damit mo." Napahawak ako sa damit kung basa. "Cherry," tawag niya ulit sa akin. Hinayaan ko na lang siyang isuot sa akin ang jacket. Niyakap niya lang ako habang mahimbing akong natutulog. Ramdam ko ang titig niya sa akin kahit nakapikit ako. "Alam mo bang napansin kong may pagkakahawig kayo ni Shain, kahit pareho kayong matigas ang ulo sa ugali mo? Ayaw mong masabihan, gusto mong masunod, kaya naiinis ako saiyo kasi nakikita ko saiyo ang girlfriend. Hindi ko man lang napigilan iyong girlfriend ko nung araw na iyon. Hindi kita mapapatawad pag may nangyaring masama saiyo. Nakikinig lang ako sa sinabi ni Mike. "Hindi puwede; may gusto na ba ako saiyo?" Bigla siyang napatayo sa gulat nang magising ako. Pagmulat ko ay nakita ko si Mike na nakatingin sa akin. "Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo? Sinusundan mo ba ako?" sabi ko sa kaniya. Tatayo na sana ako para iwan ulit siya, pero hindi ko kinaya. Parang nanghihina ako. "Ang tigas kasi ng ulo mo." Pinipigilan niya ako. "Leave me alone. Kaya ko ang sarili ko. "Siyempre hindi puwede Cherry. Bakit ka ba ganyan?" "Dahil sa iyo?" sigaw ko sa kaniya. "Dahil sa akin," mahina niyang sabi. "Ang babaw mo, parang bata. Sorry ha. Naku baka may feelings ka sa'kin!" Tinitigan niya ako. "Nanaginip ka." Sabay tayo ko sa kaniya. "Bakit ka nagagalit sa akin sa anong dahilan?" "Naiinis ako sayo. Aalis na ako" Tumawa siya ng nakakainsulto. Aalis na sana ako ulit. "Hindi puwede; alam mong nag-aalala ang mga kaibigan mo. Hindi sila makatulog kakaisip saiyo. Babalik tayo. Kapag okay na. Mukhang hindi mo pa kaya." "Teka, tatawagan ko muna sila." "Walang signal dito." Natawa ako sa katangahan ko. Tumingin siya sa akin. "Anong nakakatawa doon?" "Wala." Nakatalikod ako sa kaniya. "Sige, magpahinga ka na, andito na ako." "Wala akong sakit. Puwede ka nang umalis." "Anong wala? Tingnan mo naman oh." Lumapit siya sa akin. Napaatras ako kaya natumba kaming dalawa. Nagkatitigan kami ng matagal. Bigla siyang na-mesmerize. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang halik niya. Kinaumagahan, nagulat ako nang makita ko si Mike na katabi ko, nakayakap sa akin. Bumangon ako at napaisip, omg! Tinakpan ko ang bibig ko. Anong nangyari kagabi? Umalis agad ako. Iniwan ko si Mike na mahimbing na natutulog. Medyo madilim pa sa labas. Napasigaw ako nang makita ko ang halimaw at agad na bumalik sa loob. Nagising si Mike sa sigaw ko. Nakaharap sa akin na nalilito. "Anong nangyari sa'yo?" "Nandito na ang halimaw," sabay turo ko sa kaniya. Agad naman siyang bumangon at nagbihis. Namalayan ko na lang na wala siyang damit. Tumalikod ako. Nagawa pang ngumiti ng loko. "Dito ka lang at wag kang aalis." Lumabas si Mike at lumapit sa halimaw. Hindi ko siya pinakinggan; Sumunod naman ako pagkaalis niya. "Nasisiraan ka na ba? Hindi mo kaya mag-isa. Tumakas na lang tayo," sabi ko sa kaniya. "Hindi! Matagal ko na siyang gustong patayin." Hindi ko na siya pinigilan na lumapit sa halimaw. Pumiglas siya, ngunit hindi niya maitumba ang halimaw. Tiningnan ko lang sila. Maya-maya ay lumapit sa kaniya ang halimaw at ibinato ko ang halimaw. Natigilan ako, at napatingin ako nang mapansin kong papalapit sa akin ang halimaw. Muli akong umatras, at lumapit siya sa akin. Pumikit ako at wala akong magawa. Ito na ang huli araw ko. Naramdaman kong may humawak sa akin. "Halika, kailangan na nating tumakas." Pagkagising ko, pinatumba niya ang halimaw. Hinila ako ni Mike. Tumakbo kami. Sinubukan kong tumakbo kahit masakit ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Anong oras bibigay na ako? "Teka, pahinga muna tayo. Pagod ako." Umupo ako sa gilid ng puno nang mapansin kong may isa pang halimaw. Nagkatinginan kami. Hinila niya ako, at tumakbo ulit kami. Malapit sa amin ang halimaw. Tumakbo ulit kami hanggang sa nakasalubong namin ang mga kaibigan namin. Niyakap nila ako nang makita nila ako. "Teka lang, magtago muna tayo; hindi ko na kaya," sabi ko sa kanila. Sobrang close ko sa mga kaibigan ko. Napasigaw si Tin nang makita ang halimaw. "George, dalhin mo ang armas natin!" sigaw ni Mike sa kaniya. "Buti na lang nadala ko," pagmamayabang ni George sa amin. Binato niya ito kay Mike. "Kailangan na natin ito tapusin," sabi ni Mike sa kanila. Pinaghahampas na nila ito. Hindi nila pinatumba ang halimaw. Pakiramdam ko ay pagod na sila; mabangis ang mukha ng halimaw, at ang mga mata nito ay pula. "Alam ko ang kahinaan nila," sigaw ni Mike. "Paano?" sabi ni Jhun sa kaniya. "Liwanag. Mahina siya sa liwanag. Tingnan mo kung gaano siya kahina kapag may liwanag. Hindi makagalaw ang halimaw." Nagtamaan sila hanggang sa tuluyang mawala. Itinumba nila ang halimaw. Natulala lang ako sa kanila. "Hindi pa tayo tapos; may halimaw na naman, iyong mabangis. We have to prepare." Tumingin lang ako kay Mike. "Ano, Mike, hanapin natin ngayon?" Pagyayabang ni Emz sa kanila. "Ang yabang mo. Umaga na, hindi na nagpapakita," sabi ni Roxanne habang tumatawa lang kami at si Emz naman ay napapakamot. "Kaya nga gabi-gabi lang namin siya nakikita," sabi ni Edz sa amin. Bigla akong nanghina. Nawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD