Chapter 11

1021 Words
Chapter 11-feeling Mike's Pov Agad kong binuhat si Cherry. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Tin. Sobrang lapit niya kay Cherry. "May lagnat siya," mahinang sabi ko sa kanila. Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad kong pinahiga si Cherry. Kumuha si Sarah ng bimpo. Siya na nag-aalaga sa kaniyang kaibigan. "Sige, Mike, magpahinga ka na. Kami na bantayan si Cherry. Hindi ka nakatulog kagabi." Tumango lang ako. "Mike." Nilingon ko si Sarah, at lumapit siya sa akin. Nagulat ako ng niyakap niya ako. "Salamat sa tulong. Salamat sa pagligtas kay Cherry. Sorry kung may nasabi kami saiyo. Nag-alala lang kami sa kaibigan namin." Tiningnan ko lang siya at ang mga kaibigan niya, tumango lang sila. "Oh siya, pahinga na tayo" sabi ko sa kanila. Napatingin na lang ako sa mga kaibigan ko at sa mga kaibigan ni Cherry; labis silang nag-aalala para sa kanilang kaibigan. Hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang nangyari kagabi. Ang dami naming pinagdaanan ni Cherry hanggang sa naabutan ako ng antok at nakatulog ako. "Good morning, Mike.” Nagising ako. Lumapit sa akin si Rod. "Hindi ako makatulog." "Bakit?" "Wala lang, may iniisip lang ako." "Sino iyan Mike?" Sigaw talaga tsismoso talaga lalaki na 'to. . "Gagi! John, taasan mo ang boses mo. Alam mong may natutulog pa." "I'm sorry, nakalimutan kong may mga kaibigan tayo." Sabay tawa niya. "Ano bang iniisip mo, Mike?" Tanong ulit ni John sa akin habang naglalakad. "Let's be serious. May gusto ka ba kay Cherry?" Gagi USO ba bigla na lang makisawsaw sa usapan. Tumingin lang ako kay Ray. Napaisip ako sa sinabi niya. Gusto ko si Cherry, ngunit ano ang isang gabi sa amin? Hindi ko mapigilang halikan siya at may nangyari pa sa aming dalawa. Nakalimutan naming dalawa. Nadala ako sa bawat titig niya. Sa totoo lang, maganda at simpleng tao si Cherry kaya naman nagustuhan ko siya. Iyong moody niyang tao. Ang tigas ng ulo niya ang nagustuhan ko sa kaniya. Gusto ko pa siyang makilala. Gusto ko pa rin siyang kasama. Napaisip ako sa sinabi ni Roxanne tungkol sa kaniya. Mukhang mahal na mahal nila ang pagkakaibigan. "Napansin ko rin iyon, kasi simula nung nakilala mo si Cherry, nagbago ka na," mahinang sabi ni John. "May nagbago ba sa kaniya, John? Napansin ko rin," sagot ni Emz. Nagtatawanan pa sila. "Walang nagbago sa akin," sabi ko sa kanila. Natatawa ako sa mga mukha nila. "Mike, kilala ka na namin. Inlove ka kay Cherry." Natatawa at tinutukso ako ni John. Nanahimik ako sa kanila. Kilala nila ako. "Sa totoo lang, tuwing nakikita ko siya, naaalala ko si Shain sa kaniya. Ganoon din ang ugali niya, kaya naiinis ako sa kaniya. Kasi gusto niya lagi siyang nasusunod." Nakatingin lang sila sa akin. Siyempre, wala silang masabi. "Gago," sabi ko sa kanila. "Mike, wala na si Shain," mahinang sabi sa akin ni Ray. "Kaya ko ginagawa 'to, Ray. Iniiwasan ko siya, pero hindi ko magawa kasi tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang si Shain. Mahal ko siya hanggang ngayon. Mahal ko pa rin siya. Matatahimik ako kapag nakaharap ko ang isang halimaw at mapatay ko siya. Nandito sila. Tatahimik ako kapag nangyari na," sabi ko sa kanila. Seryoso silang tumingin sa akin. "Gago Mike iba ang mahal sa taong makikita lang sa katauhan kay Shain. Sana Mike, matutunan mo siyang mahalin bilang siya, hindi bilang si Shain," seryosong sabi ni Rod. Hindi ko maiwasang ikumpara sina Shain at Cherry. Napakarami dahil pareho lang sila ng bagay. "Wala na si Shain; sana kung ano ang isipin mo. Kaya nga Mike, tinutulungan ka naming kalimutan si Shain. Sana makatulong ito sa paghihiganti mo." "Ewan ko Jhun; Hindi ko siya makakalimutan. Kinalimutan ko siya sa isip ko hanggang ngayon, at mahal ko pa rin siya." "Alam namin Mike, nasubaybayan namin ito sa dami ng pinagdaanan mo." kaakbay sa akin si George. "Siya lang ang babaeng minahal mo, kaya kahit gumawa tayo ng paraan para makipag-date ka sa iba, hindi pa rin tayo magtatagumpay. Mike, may mga bagay na dapat kalimutan, pero hindi ibig sabihin na nakalimutan mo na siya. parte pa rin ng buhay mo." "Wow, Rod hugot lang." Tumawa si John; mukha badtrip ang loko. Kahit na hindi siya nag seryoso ng kahit ano, siya ang laging kontrabida sa grupo. Natatawa na lang ako kay John. Nagkatinginan lang ang magkakaibigan. "Akala ko inlove ka kay Cherry." Inasar na naman ako ni John. "I saw your concern. Ang lakas ng takbo mo." sabay tawa ni Emz. Isa pang naaawa sa kalokohan ni John. Hindi na lang ako nagsasalita kapag magka-tandem itong dalawa. Huwag magsalita; hindi sila titigil hangga't hindi ka nila nababadtrip. "May feelings ka ba kay Cherry?" Nanahimik ako sa sinabi ni Ray. "Ano, Mike?" tanong niya ulit sa akin. Tiningnan ko lang sila. Hindi ko alam ang sasabihin. Habang si John naman ay tumatawa. "Wala ako gusto kay Cherry, tigilan niyo na nga ako sa kan'ya." Lumingon ako at nakita ko si Cherry na nakatayo. Tumayo ako sa kaniya. Nakita na rin siya ng mga kaibigan ko. "Oh, Cherry, gising ka na pala." Binati siya ni John. "Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Sige, mukhang may pinag-uusapan kayo ng mga kaibigan mo." Nakatalikod siya sa akin. "Teka lang." Lumapit ako sa kan'ya. "Samahan na kita mahirap na tumakas ka na naman." Nakatingin siya sa akin "Dito lang ako sa labas. Hindi ako aalis. "I don't trust you. Ang tigas ng ulo mo." "Bahala ka," iniwan niya ako at lumabas. Umupo siya sa tabi ko at sinundan ko siya. Ang tigas talaga ng ulo. Tahimik lang siyang nakatingin sa malayo. Tumabi ako sa kaniya. Pareho silang na tahimik at tumingin din ako sa malayo. Maya-maya ay hindi na ako nakatiis kaya humarap ako sa kaniya. "Narinig mo ba iyong sinabi ko kanina sa mga kaibigan ko?" Seryoso siyang tumingin sa akin. "Alin iyon? Kung may narinig man ako, ano naman saiyo? Bakit tungkol sa akin iyan? Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Natahimik kaming dalawa. Maya-maya ay iniwan niya ako, papasok ng bahay. Tiningnan ko lang siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD