Mag- iisang linggo na siyang nag-aabang kay Nigel pero hindi parin ito bumabalik. Lumilipas ang mga araw, nababagot na siya kahit sa mga araw nagdaan wala siyang ibang iniisip ang pagdating nito. Ano na kaya nangyayari sa taong iyon? Bakit hindi parin ito bumabalik, mas lalo lang siyang nalulungkot. Wala siyang ibang ginawa kundi kain tulog lang. Daig niya pa ang preso sa lagay niya, na walang dalaw. Napapalibot ang isla ng tubig alat. Hindi rin siya makakalabas maliban sa garden. Nakapalibot rin ang isang daang bantay sa labas. Time to time nag checheck sa kaniya ang mga ito bagay na kinainis na niya. "Ma'am, Louisa.. kumain na po kayo." Si Aling Mery, isa itong katiwala dito at sabi pa nito matagal na raw itong nanilbihan kay Nigel. Dito na raw ito tumanda, hindi na nakaisip mag- asawa

