Napilitang magmulat ng mga mata si Louisa ng maramdamang may yumuyoga sa balikat niya. Inaantok pa siya ng mapilitang ibuka ang mga mata. "Bakit?" "Bumangon kana diyan. Nakahanda na kami sa pagtakas ikaw na lang hindi pa." Si Joy. Kumunot ang noo niya ng tuluyang magising ang diwa niya. "Ha? Ngayon na ba iyon? Akala ko ba sa susunod na linggo ang planong pagtakas..." Tanong niya sa mga ito. Nagtinginan ang mga ito. "Nagbago ang plano Louisa ngayon na ang pagtakas natin. Narinig namin sa mga bantay sa labas na dadalhin na tayong lahat sa Italy. Kung saan lahat ng mga mayayamang bibili, isa sa atin." "Sige.. Bahala na." Hindi niya alam kung tama ang ginawa niyang pagtakas pero ayaw din naman niyang maiwan mag-isa. "Mabuti. Kunin mo ito." Inabot sa kaniya ang maliit na Baril. Takang

