HUWAG!?"
"Tinatakam mo ako lalo Loi.." Nagpumiglas at pilit kumawala kay Ringgo pero malakas ito. Malabakal ang kaniyang mga kamay habang hawak ang kabilaan niyang pulso.
Kahit anong sigaw kahit anong gawin niya hindi siya makakatakas pa masakit na ang kaniyang katawan at lalamunan. Tanging pagluha lang ang nagagawa niya at dasal sa mga oras na iyon.
"Tigilan mo iyang babae Pare? maawa ka naman!" Rinig niyang sabi ng isang estrangherong lalaki hindi niya ito makita dahil sa madilim ito nakatayo.
"Huwag kang makialam dito syota ko to! Nagpapasarap lang kami."
"Hi--" tinakpan nito agad ang bibig niya at hindi siya makasigaw.
"Oh, talaga! Bakit parang takot na takot sayo ang babae hinaharass mo na, eh?" Ramdam niya ang pagiging seryoso ng boses ng isang lalaki.
"Nagkakamali ka, Pre.. ganito lang to! nasasarapan lang alam mo na." Sa kalmadong boses. Pilit siyang kumawala pero tinutukan siya ng kutselyo sa tagiliran nagpatakot sa kaniya ng sobra.
"Subukan mong gumawa ng ingay tatagas ang dugo mo dito." Bulong sa kaniya na may kaseryosohan sa boses.
Agad siyang natatakot na tutuhanin ang banta sa kaniya ni Ringo. Paano ang pamilya niya na sa kaniya umaasa. Sana hindi maniwala ang lalaki dahil kung sakali man sira na ang buhay niya.
Please huwag
Tulungan mo ako
"OK.."
Naluluhang napatingin siya sa lalaki. Nakikiusap na tulungan siya. Kahit hindi niya ito mamukhaan alam niyang banyaga ito dahil sa kulay ng mga mata niya. Matangkad at malaki ang katawan na sa tingin niya naman kaya nito labanan ang grupo ni Ringgo.
"Okay ka lang ba Miss..." taningnan siya nito sa mata ganoon rin siya.
"O- opo..." napipilitan niyang sagot ng idiin sa tagiliran niya ang kutselyo.
"Sige, pero bakit marami kayo kasama?" Napapikit sa mata si Ringgo at pilit kinakalma ang sarili.
"Binabantayan niya kami.. pwide ba umalis kana isturbo ka eh?" Pagtaboy nito sa lalaki.
Huwag please tulungan mo ako
"Okay." Laglag ang balikat niya ng makitang umalis na ito. Naniniwala sa mga sinasabi ni Ringo. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa.
"Hangal!" Ngising sabi ni Ringo sa paalis na lalaki.
"Ah--" tinakpan ang bibig niya ng panyo.
"Tingnan natin kung makasigaw ka pa."
"Kailangan natin lumipat sa ibang lugar Boss, baka magsumbong iyon. Dapat tinira na natin ang lalaking iyon." Sabi ng isang lalaki.
"Sagabal ang bwisit na iyon!" Tumayo ito sa harapan niya at binuhat siya na parang sako.
Hindi niya naman magawang sumigaw dahil sa panyong nasa bibig niya pero pinilit niya parin makawala.
"Pakawalan mo ako!"
"Huwag kana magulo diyan. Akin ka lang Loi.. walang pwideng makinabang sayo. Kundi ako lang!" Lalo lang siyang nagpumilit na makawala.
"Pakawalan mo ako!"
Hindi siya nito pinansin kahit anong likot niyang gawin. Paliko- liko sila ng daan hindi niya na alam kung saan siya daldalhin ni Ringo. Sigurado rin siyang nag- aalala na ang mga magulang niya ngayon. Bakit hindi pa siya umuwi?
Naramdaman niyang huminto sila sa paglalakad. Anong nangyari? Pagmumura ang narinig niya mula kay Ringo. Wala siyang makita pero may bumagsak sa harapan niyang kasamahan nito na kinagulat niya naman.
Bumalik siya
Nakita ni Louisa kung paano binabagsak ang mga kasamahan ni Ringo. Napilitan si Ringo tumakbo matapos siyang itapon na parang papel. Masakit ang buong katawan niya, nakadagdag pa wala siyang damit. Tanging bra at panti niya lang ang suot. Agad naman siyang tinulongan ng lalaki. Hinubad nito ang suot na jacket at binalot sa kaniyang katawan. Napilitan naman siyang kumapit sa leeg ng lalaki at sumiksik dito. Mabango ito at rinig niya ang malakas na t***k ng puso nito.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Puno ng pag- aalala ang nasa boses nito.
"Oo, salamat sa pagligtas sa akin." Mahinang sabi niya. Huminto sila sa maitim na kotse at binukas nito saka pinasok siya sa loob.
"Ligtas kana.. huwag kang mag-aalala." Hindi siya sumagot naiilang pa rin siya sa lalaki.
Gwapo at maganda ang mga mata. Matangos rin ang ilong at ang buhok naman nito, ay pahiwa ang gitna bumagay sa mukha nitong makinis. May lahi ito, hindi siya nagkakamali. may asawa na kaya ito? May asawa man o wala hindi siya nababagay dito.
Tumikhim ito. Dahilan para magbaba siya ng tingin dito.
"Paano kita mahahatid sa inyo?" Sa malamig nito boses.
"Iikot tayo pero malayo na.." May iba pa naman daan kaya lang malayo na.
"OK, turo mo na lang ang way." Sumakay na ito sa kotse pero sa tabi niya naupo. May iba pa silang kasama na sa loob ng kotse naupo sa unahan.
Mukhang hindi naman ito nasaktan sa pakikipag away sa mga kasamahan ni Ringo.
"May gusto ka bang sabihin?" Yumuko siya agad ng mahuling nakatitig naman siya dito.
"Paano ka nakarating sa lugar na iyon?"
"Napadaan lang... nagkataon naman na may narinig akong sumigaw. Alam ko agad na kailangan mo ng tulong." Paliwanag nito. Salamat dito. Kung hindi dahil sa Binata ito. Siguro isa na siyang malamig na bangkay bukas.
"Pero iniwan mo ako..."
"Yeah, paraan ko lang iyon para maisipan nilang umalis at lumipat sa ibang lugar saka ko sila sugudin."
"Hindi ka ba nasaktan?" Tanong niya.
"Nope?"
"Ikaw? Mukhang kailangan natin gamotin iyang sugat mo bago ka umuwi sa inyo." Agad siyang nagbaba ng tingin alam niya naman putok ang kabilang bibig niya pero malayo sa bituka.
"Ayos lang ako. Salamat ulit, ha? Kasi kung hindi mo ako tinulongan kanina baka binaboy na ako ng hayop na iyon." Seryosong sabi niya. Pero hindi ito nagsasalita agad.
"Okay. Sa sunod huwag kang umuwi ng ganitong oras lalo na kapag mag-isa ka lang."
"Okay. Salamat ulit." Nakangiting pasasalamat niya dito. Bumaba na siya at hindi na hinintay pagbuksan pa siya ng pinto.
"Salamat po sa paghatid."
"Mukha na ba akong matanda para popoin mo?" Napakamot ito sa ulo.
"Hindi naman..." Nakakailang ang mga titig nito lalo na ang mautim nito mga mata.
"Nigel?"
"Sige, Nigel..." Tumalikod na siya ng magsalita ito.
"Pangalan mo?"
"Louisa..." Sabi niya, hindi makatingin kay Nigel. Pagkatapos pumasok na sa kanilang bakuran.
"Kinagagalak ko makilala ka Louisa.."
Humugot siya ng malalim na hininga bago buksan ang pinto na kawayan. Madilim na sa loob bahay malamang tulog na sila lahat. Maingat siyang pumasok na hindi sila magigising sa kwarto niya agad dumiretso.
Pabagsak siyang nahiga sa kama. Ang panginginig ng katawan niya ay kanina unting- unti nawawala. Sobra ang takot niya. Hayop na Ringo iyon sana mawala na sila sa mundo para wala ng problema.
Hindi pa rin siya dinalaw ng antok dahil sa nangyari. Pakiramdam niya diyan si Ringo nakamasid sa kaniya at handa siyang samantalahan. Trauma ang inabot niya sa lalaking iyon. Pero pinipilit niya pa rin makatulog.