Mataas na ang araw ng magising si Louisa. Anong oras na siya dinalaw ng antok. Tahimik na ang paligid mag- isa na siya sa bahay. Pumasok na sa eskwelahan si Ana. Si Nanay naman sumasama kay Tatay sa bukid.
Kusina ang deretso niya para magtimpla ng kape. Pero napatayo siya sa gulat ng makita ang Nanay nakaupo ito sa papag may dinadaing sa katawan.
"Nay..."
"Louisa... nahihirapan akong huminga, A-anak?" Hawak nito ang kabilang dibdib.
"Ano? Saan ang gamot niyo?" Hinanap niya ito sa ibabaw ng tokador pati na rin sa silid nila. Nang makita ang inhaler ng Nanay agad niyang kinuha at binigay dito.
"Anak..." Nahihirapan itong sabi magsalita.
"Nay? Heto na po ung gamot niyo!" Sinubo niya ito sa bibig pero umiwas si Nanay.
"Nay, gamot niyo po ito. Bakit?" Takang tanong niya.
"Wala na iyan... ubos na..." Tinaktak niya ito baka mayroon pang kunti pero wala na talaga.
"Bibili ako sandali..." Nagmamadali siyang lumabas para tumungo sa Botika. Nagmamadali siyang pumunta lakad- takbo na kaniyang ginawa. Nasa kanto lang ang Botika nila. Pero bakit pakiramdam niya naubusan na siya ng oras. Hindi niya mapigilang hindi mapaluha habang laman ng isip niya ang Ina. Ayaw niyang may masamang nangyari dito. Hintayin mo ako Nanay...
"Tao po! Pabili po ng ganito pakibilisan lang po!" Nag abot na siya agad ng pera. Mabuti na lang hindi siya gumastos kahapon. Paano na lang pala kung ginastos niya ang lahat ng pera. Hindi siya makabili ng gamot tulad ngayon na kailanganin pa naman.
"Heto na po." Agad niya namang kinuha at tumalikod na sa tindera.
"Salamat." Binilisan niya ang mga hakbang pawis na pawis na siya pati kili- kili niya pinawisan na rin. Tumakbo na kasi siya para makarating kaagad.
"Nay! Heto na iyong gamot mo nabili ko!" Sinubo niya ito kaagad sa bibig ng Nanay.
Habang hinihigop ito, para naman siyang lantang gulay naupo sa papag. Kinakabahan talaga siya kanina mabuti na lang may pera siya paano kung wala paano na si Nanay.
"Okay na po ba kayo, Nay?" Tanong niya dito ng makitang lumuwang na ang pakiramdam ng Nanay at bumalik na sa dati ang paghinga nito.
"Oo. Salamat, anak?" Sabi sa kaniya, matapos guminhawa ang pakiramdam nito.
"Ano ginawa niyo, Nay, at inataki naman kayo ng ashma? At hindi agad sinabi sa akin na wala na kayong gamot! Mabuti na lang may pera pa ako. Paano na lang kung wala." Puno ng pag- aalalang ang boses niya.
"At pasensiya na.. nakalimutan ko lang sabihin. Nagwawalis lang naman ako sa labas. Nang makaramdam ng paninikip sa dibdib!" Mahinang paliwanag ni Nanay sa kaniya.
"Nay, hayaan niyo na po iyong wawalisin diyan ako na po gagawa."
"Anak, hindi mo na magagampanan ang lahat ng gawain dito sa bahay dahil sa pagtitinda mo. Ayaw ko naman walang gagawin. Hangga't kaya ko kikilos ako."
"Pero Nay... kayo lang naman ang inaalala ko, eh?"
"Okay na ako. Sinumpong lang talaga kanina pero ngayon okay na ako Louisa?"
"Okay. Basta sa susunod mag-iingat na kayo. Lalo na pag mag-isa ka lang dito. Hindi niyo pa sinabi sa akin na ubos na pala gamot niyo! Hay... Ako na nga titingin diyan sa gamot mo kung mayroon o wala. Nakakalimutan mo naman eh?" Hindi niya mapigilan ang sariling hindi maging emotional sa harap ng Nanay, pwideng mawala ang Nanay niya, kahit anong oras.
"Sorry... anak, alam ko kasi na nag- iipon ka para sa susunod na pasokan." Sabi nga ba hindi totoo nakalimutan ni Nanay ang gamot nito. Ang totoo sadyang hindi sinasabi sa kaniya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Naupo sa tabi ng Nanay.
"Nay, mahalaga po kayo sa akin. Higit pa sa ibang bagay pwide pa naman kitain ang pera pero ang buhay niyo iisa lang... Please? Kung may kailangan kayo sabihin niyo sa akin. Importante po pa rin ang kalusugan. Gusto ko pa makasama kayo hanggang sa pagtanda ko." Pumungay ang mga mata nitong napayakap sa Ina.
Tinitingnan niya ang napiling puwesto sa palengke. Medyo maayos naman walang problema. Maliit pero pwide na rin lagyan ng mga paninda niya ang mesang gawa sa cemento. Pero ang renta per week ang bigayan.. kiri lang. Pag iiponan na lang niya ang pang upa sa loob ng isang linggo.
"Ano? Tay? Okay ba ang napili ko para sa mga paninda natin?" Tanong niya sa a
Ama. May katandaan na si Tatay. May ilang puting buhok na ito sa ulo. Pero malakas pa.. ika niya edad lang tumatanda hindi ang tao. Malakas pa rin daw ito, kayang kaya pa raw.
"Oo naman! Anak... pero naghihinayang ako sa upa malaki Anak." Malaki nga ang upa dito pero okay lang naman kaysa ilakad niya ang mga gulay ang bigat ng basket na puno ng gulay.
"Kiri lang iyan, Tay? Huwag kang mag- aalala kaya natin to!" Sabi niya dito sa sabay kindat sa Ama.
"Oh, sige ikaw bahala! Pupunta mo na ako, kay ka Mario kukunin ko sa kaniya ang binheng hiningi ko." Paalam sa kaniya ni Tatay. Pupunta ito sa kaibigang si Mang Mario.
"Okay, Tay! Ingat po kayo." Sabi niya dito nakangiti.
"Mauna na ako sayo. Mag- ingat ka pauwi huwag pagabi. Alam mo naman maraming adik sa lugar natin mahirap na." Napalunok siya ng laway. Hindi pa alam ni Tatay ang nangyari sa kaniya kahapon na muntikan na siyang ma r**e. Mabuti na lang may lalaking tumulong sa kaniya. Malaking pasasalamat niya sa Dios.. at sa lalaking tumulong sa kaniya. Babawi siya dito kung may pagkakataon
"Sige po. Salamat." Mahinang sabi niya sa Ama. Lumakad na ito ng mawala sa paningin niya nanghihina siyang naupo sa upuan.
"Psst..." Napalingon sa sumitsit sa kaniya. Isang binatang walang pang itaas. Malalaki ang kaniyang mga muscles at pinalandakan sa lahat ang abs nito. Gwapo rin ito mapula rin ang labi at matangos ang ilong mayroon itong nakakamatay na charm sa mga kababaihan. Pero gwapo pa rin ang lalaking tumulong sa kaniya kahapon hanggang ngayon malinaw pa rin sa kaniya ang mukha nito kahit wala silang gaanong napag- usapan. Mayroon siyang hindi maipaliwanag na damdamin para dito.
"Hi!" Bungad sa kaniya ng lalaki. Amoy isda ito. Ngayon niya lang ito napansin may dala itong banyera na may lamang isda. Ibig sabihin kargador ito ng mga isda iyon ang trabaho.
"Hello!" Nahihiyang bati niya rin sa lalaki.
"I'm Rafael Bautista.." Nakangiting pakilala sa kaniya nilahad nito ang palad pero tiningnan niya lang ito. Nahihiya naman itong binaba na lang. Hindi lang talaga siya mahilig makipagkamayan sa estranghero.
"Louisa? " Nakatitig ito sa mukha niya. Naiilang naman siyang napayuko na lang. Hindi siya comportable na may taong tumingin sa kaniya.
"Louisa? Anong ginagawa mo dito sa palengke?" Tanong nito. Hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kaniya.
"Dito ang puwesto ko ng mga gulay. Ikaw kargador ka ba dito sa palengke?" Agad ito napakamot sa ulo.
"Oo, tumutulong ako kapag walang ginawa o pasok sa work. Bored kasi kapag nasa bahay lang ako mas mabuting tutulongan ko na lang si Mommy." Masiglang paliwanag nito. Makikita mo sa katawan niya ang pagiging anak mayaman. Dahil sa hubog ng katawan nito. Hindi ito nababagay sa palengke dapat sa lalaki modelo.
"Ganon ba?" Wala siyang masabi sa lalaki nahihiya talaga siya. Dahil sa klase ng tingin nito sa kaniya. Awkward..
"Yes, ibig sabihin may dahilan na ako para lagi ako dito sa palengke." Nakangiting sabi sa kaniya.
"Dahilan? Bakit wala pa ba?" Takang tanong niya sa lalaki. Ngumisi naman ito lumabas ang mapuputing ngipin na tila alaga ng dentist. Sana all.
"Oh, sige. Miiwan na kita. Kung kailangan mo tulong ko. Tawagin mo lang ako diyan lang puwesto namin oh!" Turo nito, sa katapat na tindahan iyong pinakamalaking puwesto sa harapan ang tinuro nito, wala ng iba. Tiningnan niya naman ang tinutukoy nito.
Hindi niya namamalayan ang lapit nito sa akin. Hanggang leeg na siya ng lalaki. Naamoy niya rin ang cologne na gamit nito. Nanonoot sa kaniyang ilong ang pabango nito. Kahit amoy ito ng isda, umibabaw pa rin ang pabango nito na pinaghalong sabon ng Bioderm.