Chapter 2

1033 Words
Chapter Two: Claudius' point of view: "Oh my gosh! Si Claudius ba `yan?" "Gaga, imposible! Bakit naman pupunta `yon dito?" "Hindi! Si Claudius nga talaga!" "Sige, lapitan natin." "O.M.G! Siya nga!" "Kunan natin ng picture!" Nagising ako dahil sa ingay at nakasisilaw na liwanag. Unti unti akong nagmulat, medyo nanlalabo pa ang mga mata ko dahil sa pagkahilo ngunit nang maaninagan ko kung sino ang nasa harapan ko. Napadilat ako nang husto! "Claudius! Oppa!" Gulat na dali dali akong tumayo. s**t, nasaan si Devora? Hindi niya manlang ako ginising? Iniwan niya ako pagkatapos ko siyang samahan?! "Claudius! Pa-picture!" sigaw ng isa pang babae. Kumapit na silang dalawa sa akin. Doon ko lang napansin na hindi ko suot ang jacket ko. s**t! Pinahiram ko pala kay Devora `yon! Walang hiya! Walang konsensya! Alam niya namang artista ako! "Teka miss, h-hindi ako si Claudius!" palusot ko, sana gumana, s**t! Yari na naman ako nito sa manager ko! "Ano ka ba, anong hindi? E, ikaw na ikaw iyan! Ang kinis at ang bango bango mo pa nga, e!" Kinikilig na inamoy pa ako `nong babae. Grabe naman `tong fangirl na `to! "H-hindi nga t-talaga a-ako `yon--" "Si Claudius iyon, o!" Napapikit ako dahil alam ko na ang kahihinatnan. Hinanda ko na ang sarili na saluhin ang nakabibinging sigawan ng mga babae. "Claudiuuusss!" Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang tenga ko. Yari na talaga ako kay mammy! "Abnormal ka ba, ha? Loko loko ka talaga!" sigaw ng manager kong si Mammy Ara. Dumilat ako at nakasimangot na tiningnan ang galit na galit kong manager. "Mammy naman, e. Alam mo naman kasing broken hearted ako kaya---" Napapikit akong muli dahil sa gulat nang pabagsak na hinagis niya sa harap ko iyong dyaryo kung saan naka-imprenta ang pagmumukha ko. Kalat na kalat sa buong media ang nangyaring pinagkaguluhan ako ng mga fans ko dahil natulog ako sa beach. Nakakahiya! "Paano natin `yan reremedyuhan ngayon? Magpa-interview ka kung bakit natulog ka `ron!" Ipinadyak ko sa sahig ang paa ko at sumimangot. "Manager Ara naman, e! Anong sasabihin ko sa kanila? Nakakahiya `yong rason!" inis na sagot ko. "Sabihin mo `yong totoo!" Sasagot pa sana ako kaya lang biglang bumukas iyong pinto ng dressing room at pumasok si Pia. Nag-igting agad ang panga ko. Bakit nandito siya? Hindi ba, naroon siya kay Ricky? "Claudius, honey? Ayos ka lang ba? Oh my gosh! Bakit ka naman natulog doon?" tanong ni Pia. Halos ayaw ko siyang makita. Nandidiri ako. Dali daling lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Kasi alam ko, kapag tiningnan ko siya, mawawala na naman iyong galit ko. Mawawalang parang bula ang lahat ng inipon kong galit sa kanya. "Ano, Claudius? Magpapadala ka na naman sa babaeng iyan?!" inis na sigaw ni Mammy Ara. "Ano na naman ba `yon Mammy Ara? Makikialam ka na naman ba sa relasyon namin?" galit na bulyaw pabalik ni Pia kay Mammy Ara. "O, siya, sige Claudius! Hindi ako mangingialam! Magpa-uto ka na naman d'yan!" Dumilat ako at nilingon si Mammy Ara, padabog na lumabas siya ng pinto ng dressing room. Wala akong nagawa kung hindi ang lingunin si Pia. "Honey, bakit ka natulog sa beach? Ang lapit ng hotel `don, a?" tanong niya. "Pia, please. . . huwag ngayon, okay? Masama pa ang pakiramdam ko dahil sa nangyari," pag-iiba ko ng usapan. Yeah, here it goes again. I can't even say a word about what I saw. Unti unti na naman kasing natutunaw iyong galit ko sa kanya. Tangina, konting paglalambing sa akin, bumibigay kaagad ako! Damn! "Okay, para mawala na iyong lungkot mo," bumaba ang mukha niya sa tenga ko at saka ako binulungan. "Let's enjoy muna habang free time mo. . ." Kinilabutan ako sa ginawa niya. Sa unang pagkakataon, hindi ako naakit sa kaniya. Marahas ko siyang itinulak. Muling nagliyab ang galit ko sa kaniya, bumalik ang alaala `nong nakita ko kahapon. "Ouch!" Halos matumba siya sa ginawa ko. Kulang pa nga iyon, pero dahil babae siya at mahal ko siya, hindi pwede at hindi ko kaya. "Umalis ka na." Mariin at puno ng galit na sabi ko. "Honey, anong problema?" Kunwaring tanong niya pa. Tangina, painosente. Pumikit ako nang mariin. Ikinuyom ko iyong mga palad kong nanginginig na sa galit. Kung hindi ako makapagpipigil baka masapak ko siya.  "Let's break up." Mariing sabi ko. Ayokong dumilat. Alam kong sa oras na gawin ko `yon, makikita niya kung gaano ako karupok pagdating sa kaniya. "Anong problema? May mga nagsusumbong na naman ba sa 'yo na may lalaki ako? Alam mo namang mga naninira lang iyon!" Bahagya nang tumaas ang boses niya. Siya pa ang may ganang magtaas ng boses! "Nagsasawa na ako, maghiwalay na tayo." This time, I open my eyes only to see her face ranging in anger.  "Ang kapal naman ng mukha mong makipaghiwalay! E, ikaw nga itong walang time lagi sa akin! Tapos all this time, magsasawa ka pa? Magsasawa ka e, minsan na nga lang tayo magkasama dahil sobrang busy mo! Ngayon, ikaw pa ang may ganang magsawa? May babae ka `no? Sino `yang babae mo?! Ang kapal ng---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Hinawakan ko ang braso niya at mariin iyong hinawakan. "Ah, that was the reason why you cheated on me?" nangngingitngit sa galit na tanong ko sa kaniya. I tried so hard to control my emotion but f**k! Huling hul na nga, nagmamaangmaangan pa! "Hindi kita niloko!" "Sawang sawa na 'ko sa mga kasinungalingan mo, Pia. Huwag mo na `kong lokohin dahil nakita na ng dalawang mga mata ko! Kitang kita at rinig na rinig ko pa," angil ko sa kaniya. Gulat na natigilan siya sa sinabi ko. Nanginig bigla ang mga labi niya, tila hindi makapaniwala. "Nagulat ka ba? Susurpresahin sana kita kahapon pero imbes na ikaw ang surpresahin ko, ako ang na-surpresa sa nakita ko," mahinahong pagkakasabi ko pero sa loob loob ko, tangina gusto ko ng sumabog. "C-claudius, I'm sorry." Binitawan ko ang braso niya, pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. "Get out." Susubukan niya sanang hawakan ang braso ko pero agad ko iyong iniwas. "I'm sorry, Claudius... please hihiwalayan ko na siya---" "Get the hell out of here!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD