Chapter 1

1478 Words
Chapter One: "Bakit ba hindi ka nagmana sa akin? Manang mana ka sa mommy mo," inis na sabi sa akin ni dad. Hindi ko siya pinakinggan, nanatili akong nakapangalumbaba habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa kawalan. "Catherine! Ikaw nga ang kumausap sa anak mong mana sa 'yo, masyadong martyr!" Inis na sigaw ni dad kay mom. Siguradong hindi na nakapagtimpi `yon. Kanina niya pa kasi ako kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. I smiled. May kung ano kasing tumama sa ulo ni dad. Mag aaway na naman sila, palagi naman. . . "Hindi ako martyr `no! Kung hindi ka lumuhod sa gitna ng kalye at kamuntikan pang maluhuran `yong tae, hindi kita babalikan!" Pambawi ni mom. Tuluyan na akong natawa. Ilang beses ko nang narinig ang kwento nilang iyon pero hanggang ngayon, natatawa pa rin ako. Hindi ko alam kung totoo. Mabuti na lang at may mga magulang akong katulad nila. They're more than enough for a son like me. Lumapit si mommy sa akin at hinaplos ang buhok ko. Like she always does to me every time. And then she kissed my forehead. "Mabuti na lang at hindi ka nagmana sa daddy mong babaero. . . Noong binata pa," lumingon si mom kay dad at pinanlakihan siya ng mga mata. "Ano na naman?" Hindi makapaniwalang tanong ni dad. "Pabayaan na muna natin si Claudius na mag-isip, halika na at magloving loving na lang muna tayo." Kinindatan ni mom si dad at parang asong sumunod naman kaagad siya kay mom.  Napangiti ako kahit na problemado ako ngayon. Nakatutuwa kasi sila, kahit ang tagal na nilang mag-asawa masaya pa rin sila sa isa't isa. Samantalang ako, ito at nagluluksa. . . Kinuha ko iyong maliit na kulay pulang kahon mula sa bulsa ko. Muling kumirot ang puso ko. Sa unang pagkakataon, nahuli ko na rin sa wakas si Pia. Nakakandong sa lalaking iyon, walang saplot at sarap na sarap na umuulos. Tangina, ang sakit. Kasi dati naririnig ko lang iyon at hindi ako naniniwala. Mas masakit pala `yong mahuli ng mismong mga mata mo. Kung alam ko lang na ganito kasakit, edi sana nakinig na lang ako sa mga sabi sabi. Tumayo ako at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Wearing my black jeans and a white hooded jacket, kinuha ko na pati iyong susi ng kotse na ginagamit ko sa tuwing aalis ako ng bahay para mag-disguise. Nagsuot ako ng shades kahit gabi na at inayos ang hood ng jacket na suot ko `tsaka nagpasyang umalis. Hindi na ako nagpaalam kina dad kasi alam kong hindi na naman nila ako papayagan. Ayaw nilang lumalabas ako ng bahay kapag hindi tungkol sa trabaho, natatakot sila sa pwedeng mangyari. Nagmaneho ako hanggang sa makarating sa isang resort. Tahimik na pumasok ako at nagpa-reserve ng kwarto. Pilit kong itinago ang mukha ko mula sa mapangmatang receptionist. Mabuti na lang at nakalusot. Gusto kong mapag-isa at maglasing, pero hindi ko magagawa iyon kung nasa bahay ako. Hindi rin kasi ako bumubukod pa ng bahay. Ayoko pang iwanan ang mga magulang ko. "Ano pa bang kulang sa 'kin?" tanong ko sa kawalan habang nakatingin sa madilim na langit. Lumagok ako sa bote ng wine at ngumiwi. Ang sarap nito, gusto ko sana beer o kaya whiskey para lasing kaagad pero naisip ko. . . Ang pait na nga ng pag-ibig ko, iinom pa ba ako ng mapait? "Putangina! Ginawa ko naman lahat, kulang pa rin?! Binigay ko na sa 'yo lahat!" Sigaw ko na halos mapatid na ang litid ko. Mas pinili kong dito maglabas ng sama ng loob. Kasi pakiramdam ko sasabog na ako. Alam kong walang makaririnig sa akin dahil gabi na at nasa malayong parte na ako ng beach. Isa pa, sariwa ang hangin at pakiramdam ko, nababawasan 'non ang sakit na nararamdaman ko. Pinunasan ko iyong luha sa pisngi ko. Dapat hindi ako umiiyak, kasi siya ang nagkulang at hindi ako. Pero tangina, ang gago ko dahil hindi ko kayang pigilan ang sarili kong mga mata. "Gwapo naman ako! Maganda ang pangangatawan ko! Magaling naman ako, a? Pero kulang pa rin?!" Binato ko iyong bote ng wine sa dagat. Sobrang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko sasabog na. Sana naman may gamot para sa ganitong klaseng sakit. Tangina. . . "Nashaan ne be akwo?" Nangunot ang noo ko at kaagad na nagpunas ng luha nang may narinig akong nagsalita.  Luminga ako para hanapin at napansin ko ang isang babaeng naglalakad sa gilid ng beach, pasuray suray, mukhang lasing. Napailing ako, kababaeng tao! "Lintsek! Shaan na ba `yong reshort?" Umangat ang kilay ko nang unti unti, naaaninagan ko iyong babae. Nakasuot lang siya ng kulay itim na bikini. Naku naman!  Tarantang napatayo ako nang bigla siyang natumba. Ngali-ngali akong tumakbo sa kinaroroonan niya at tinapik siya sa balikat. Hindi ko makita iyong mukha niya, natatabunan kasi ng buhok.  Napahilot ako sa sentido ko habang nakatingin sa kaniya. Malamang, kung ibang lalaki ang nakakita sa kanya na nakaganito lang, baka napagsamantalahan na `to. Naupo ako sa tabi niya at dahan dahang inalis iyong buhok na nakatabon sa kanyang mukha. Bigla akong na-curious nang mapansing pamilyar ang hulma ng labi niya hanggang sa tuluyan kong nahawi ang lahat ng sagabal na buhok para makita ko ang mukha niya. Ilang beses akong kumurap nang tuluyang makita ang mukha niya. Hindi ako makapaniwala! "s**t!" She's my ex bestfriend! "Devora!" Tinapik ko ang pisngi niya pero hindi pa rin siya nagising. Bumuntong hininga ako at hinubad iyong suot kong jacket, mabuti na lang at walang tao kaya ayos lang. Itinakip ko iyon sa katawan niya at saka siya tinitigan. Her face and body looks more matured now, pero `yong ugali niya, sa tingin ko hindi pa rin nagma-mature. I chuckled. Pansamantala, nakalimutan ko ang problema ko. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng kasama ko ngayon. Ang ex-bestfriend kong dahilan kung bakit artista ako ngayon. Humiga ako sa tabi niya at pumosisyon sa anggulong makikita ko ang kabuoan ng mukha niya. "Sana mapatawad mo na ako. . ." I whispered and then closed my eyes. Devora's point of view: Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sobrang lamig at ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko nahati ang bungo ko sa gitna.  Nang tuluyan kong naimulat ang mga mata ko, napansin kong madilim pa ang langit at nasa tabing dagat pala ako kaya malamig. Biglang nawala ang sakit ng ulo ko. Napabangon ako bigla. Bumaba ang tingin ko sa nakapatong na puting jacket sa katawan ko. Hala? Anong nangyari sa akin?! Nanlaki ang mga mata ko `nong may humawak sa hita ko, agad ko iyong nilingon at laking gulat ko nang makita kung sino iyon. Kahit na madilim at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag, kitang kita ko ang pamilyar niyang mukha. Nanginig ang labi ko. Hindi na dapat kami nagkita pa. Dahan dahang inalis ko iyong kamay niyang nakadantay sa hita ko. At nang tuluyan kong mai-alis, dali dali kong isinuot iyong jacket na pag-aari niya yata. Bahala na. Wala sa sariling tumakbo ako paalis doon at nagtatakbo hanggang sa makarating sa tapat ng hotel. Tumigil ako at sinapo ang tuhod habang hinihingal. "Nakakahiya! Bakit sa ganitong sitwasyon niya pa ako ulit nakita? Nakakainis naman!" Iiling iling na sabi ko at saka lumingon sa direksyon kung saan ko iniwan si Claudius. Teka, ayos lang kaya siya `ron? Pumikit ako at bumuntong hininga. "Bahala siya sa buhay niya." Tuluyan na akong pumasok sa hotel. Nakakainis naman kasi, ang tanga ko. Bakit kasi nag-inom ako ng mag-isa? Kung nakisali lang sana ako kila Karen edi sana may kasama akong nalasing! Tiisin ko na lang sana ang nakakahiyang pang-aasar nila kinabukasan. Alam ko naman sa sarili ko na mababa ang alcohol tolerance ko pero sadyang matigas talaga ang ulo ko. Napailing ako nang maalala ang dahilan kung bakit ako nagpakalasing. Sa pangatlong pagkakataon, ginago at niloko na naman ako. Ano ba kasing problema sa akin? A, oo, iyon nga pala. "Hindi ako santo, Dev. Tao ako at lalaki ako kaya hindi ko kayang tiisin na hindi makipag-sex." Pumikit ako nang mariin at pilit pinigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha ko. Padabog na binuksan ko iyong pinto ng banyo ng hotel room kung saan ako nag-check in. "s*x na lang ba talaga ang batayan ng relasyon ngayon?" Suminghot ako para mas pigilan pa ang pagluha. Nakakainis! Itinuon ko ang atensyon ko sa pagligo. Kinuskos ko ng maigi bawat parte ng katawan ko. Baka sakaling maalis lahat ng magagandang alaala namin ni Jerard. Mahal ko kasi talaga siya. Sinayang niya iyong tatlong taong relasyon naming dalawa. Sana hinintay niya na magpakasal kami para naibigay ko pa iyong gusto niya, pero hindi, e! Sinayang niya iyong relasyon namin para sa isang gabi! Hindi ko na napigilan pa ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko. Kahit talaga pigilan ko, hindi ko magawa. Talagang babagsak at babagsak talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD