“Welcome back, Lady Asteria,” bati sa ‘kin ni Marianne at Penelope kasama ang iba pang mga tauhan sa palasyo na naghihintay sa entrace. Ngumiti ako sa kanila at lumapit sa ‘kin sila Marianne.
“Kumusta po?” tanong sa ‘kin ni Penelope.
“Hindi ka naman sinaktan ng hari, hindi ba?” nag aalalang tnong ni Marianne at tiningnan ang buong katawan ko. Napatawa ako sa kanila.
“Hindi naman,” ngiti ko. In fact, ang saya ko sa nangyari. Finally! A step forward! Gusto kong tumalin talon sa saya.
“Mukhang ang saya niyo, may maganda bang nangyari?” nakangiti tanong ni Marianne. Mukhang nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang okay ako.
“Mmhmm,” tango ko at tumango ng pakanta.
“Pagod ka ba? Magpahinga ka muna kung pagod ka na,” aniya.
“Hindi naman ako pagod,” sabi ko.
“Kung ganon, anong gagawin niyo?” tanong ni Marianne sa ‘kin.
Wala akong maisip. Anong gagawin ko? Humilata lang sa silid?
“Wala akong maisip,” sagot ko.
“Kung ganon, pumasyal tayo!” sabik na sabi ni Penelope.
“Pwede naman. Saan niyo gusto pumasyal, Lady Asteria? Penelope, tell the knights to prepare,” sabi ni Marianne.
“Bago pa lang ako dito kaya wala akong alam kung saan,” sagot ko.
“City! Let’s take her to the city Marianne!” sabik na sabik si Penelope at napatingin kay Marianne. “Please?” pagmamakaawa niya.
City? Napatingin din ako kay Marianne as if telling her to agree. Walang nagawa si Marianne kundi ngumiti at sumang ayon.
“Yey!” sigaw ni Penelope sa saya. Tumingin sa amin at ang laki ng ngisi niya. “Thank you! I’ll inform the knights!” sabi niya at tumakbo.
“Let’s get you changed as well, Lady Asteria,” ngumiti ako sa sabik at pumunta kami sa silid ko. Holy. I can’t wait to see Isikros!