bc

Still Love Me The Same

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
family
friends to lovers
student
lighthearted
single daddy
female lead
campus
first love
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

Si Lucas Edison Mendoza ay isang graduating college student sa isang University sa Visayas na kumukuha ng kursong I.T. ay may isang pinakatatagong lihim na ang tanging nakaka-alam ay ang pamilya at mga kaibigan nito. Makikilala niya si Maell Victorio na isang simpleng babae na nag-aaral sa kaparehong University na kumukuha ng kursong BS Entrepreneurship. Nagtagpo ang mga landas nila dahil sa isang bagay. Kalaunan, naging magkaibigan na nauwi sa pag-iibigan.

Pero paano kung matuklasan ni Maell ang pinakatatago-tagong sekreto ni Lucas, ano ang gagawin nito? Iiwanan ba nito ang binata dahil sa pagsisinungaling? O sasamahan ito at manatili sa tabi ng binata?

HER POV (⌒o⌒)

Filipino Language

Light Romance

chap-preview
Free preview
SIMULA
Simula Taong-bahay ka ba? Bakit ko natanong? Wala lang. Tinanong ko lang. Masama ba? HAHA Di joke lang. Taong-bahay kasi ako. As in. Bahay-school-bahay. Hindi kasi ako mahilig gumala, walang pera. Wala naman akong hilig tumambay sa mga Mall. Mas gugustuhin ko pang mahiga sa kama kesa maglakad lakad. Kapagod kaya ang maglibot na walang pera. Maiingit ka lang sa iba na dumadaan na may bitbit na milktea at take-out sa iba't ibang fast food chain. Kaya imbes na tumambay, umuwi nalang. HAHAHA. Ang saya kaya maging taong- bahay. Wala kang paki sa itsura mo, sanay kang hindi maligo ng isang linggo kasi wala ka namang pupuntahan. Walang pakialam sa susuotin na damit kasi sa bahay ka lang. Wala namang biglaang lakad kasama ang mga kaibigan kasi halos lahat kami tamad kumilos at yung iba naman eh maraming ginagawa sa club organization ng kurso namin. Officers kasi. Actually yung apat na kaibigan ko ay mga officers. Ako lang hindi. Bakit? Hindi kasi nila ako ma-elect sa pagka-officer sa kadahilanang umaabsent ako sa araw na iyon, yes sinasadya ko talaga. Hindi kasi pwedeng mag nominate kung absent yung tao. Dapat present ka sa araw na iyon kasi ipakikilala kayo agad sa mga lower year student ng department. Katamad kayang pumuntang school kahit na walang pasok para sa sandamakmak na mga papel na kailangan papirmahan sa OSA at kung anu-ano pang school related works. Yung isang rason ko pa kasi ay nagtitipid ako. Yun talaga yun. Imbis na ipambili o magastos sa mga lakad sa kung saan, naisipan kong ideritso nalang sa piggy bank ko yung matitirang barya na sukli sa pamasahe ko sa jeep. Yung piggy bank ko ay gawa sa kawayan. Alam niyo yun? Matibay kasi at siguradong hindi mo makukuha agad-agad yung pera unless biyakin mo yung kawayan. Inililibing ko lang kasi yun sa lupa. Mayroon kasing maliit na parte ng lupa dito sa loob ng bahay na hindi nasama sa pag semento ng sahig kaya doon ko inilagay. Alam ng kapatid ko yan kaya siya rin minsan eh naghuhulog doon ng natitirang barya niya galing school. Gusto ko kasing makagpagpatayo ng sarili kong business pagkatapos kong mag-aral. Yung kurso ko kasi eh business related, Entrepreneurship, so kailangan ko na ng idea at kapital para magpatayo ng business in the near future. Start-up business namin ng mga kaibigan ko. Matagal tagal pa naman iyon. Wala ng katuwang sa buhay si Papa kasi namatay na yung Mama namin nitong 2019 lang. Malaki yung nagastos namin sa pang bayad sa ospital, umabot ng kalahating milyon. Eh kulang parin yung pera kahit na nabawasan na sa Phil Health ng Papa ko. Isang guro ang Papa ko sa Public Highschool. At alam niyo namang nag-aaral pa kami ng kapatid ko at yung gastusin sa bahay eh nagkasabay-sabay pa. Yung inutang ni Papa sa mga kakilala at kaibigan eh hindi naman sasapat yun. Nakakalungkot nga lang kasi hindi manlang nahintay ng Mama ko yung pagtatapos ko ng kolehiyo. Nasa huling taon ko na sa kolehiyo, BS Entrepreneurship ang kinuha kong kurso. Ang totoo, pangatlo ko na tong kurso na kinuha hindi dahil sa bagsak ako ha, kundi yung 1st course kasi na kinuha ko, Education, Pre-school ang specialization, hindi ko kaya at hindi ko nakikita ang sarili ko na magtuturo sa harap ng mga bata kaya nagshift ako sa BS Home Arts and Entrepreneurship, kaso nung mag 3rd year na dapat ako, eh na phase-out naman yung kurso kasi papalitan na ng New Curriculum, (nasa Old Curriculum pa kasi kami) maraming mga nag Senior High, yung nabago na kurso naman ay yung ngayong kurso ko, na BS Entrepreneurship. Sayang nga eh kasi nabalik kami sa pagiging freshmen, pero okay lang kasi meron naman akong mga kakilala rin na kasabayan na naging matalik ko nang mga kaibigan ngayon. At yung maganda pa nun eh, marami kaming mga naging bagong kaibigan. Nakakailang nga eh tinatawag kaming 'Ate' kasi nga mga shiftees daw kami tsaka may alam na sa school at kurso namin. Hindi pa naman ako sanay na tinatawag na ate kaya naiilang ako pero keri lang kasi magkakalapit lang naman mga edad namin. Hindi nga namin napansin na huling taon na pala namin sa kolehiyo. Dati nahihirapan pa kami sa pag-shift sa kursong ito kasi maraming nabago na mga subject, pero ngayon kita mo naman, ilang buwan nalang at makagraduate na kami. May tatlong majors pa kami ngayong sem plus another 3 majors sa next semester at OJT nalang ang kulang. Kahit ganun pa man, nagpapasalamat pa rin ako at nabigyan pa ako ng pagkakataon na makapag-aral pagkatapos ng mga nangyari. Ay oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala sa inyo, ako pala si Ma. Francesca Ellenor Victorio, Iska sa bahay at Maell naman sa mga kaibigan ko. 21 years old na ako. Laking probinsiya at walang planong mapunta sa Manila. Mahirap daw kasi ang buhay doon. Kailangan mong kumayod doon kung ayaw mong mamatay na dilat ang mata. Katakot kaya, isipin mo pa lang na gano'n mangyayari sa iyo doon kapag hindi ka makahanap ng maayos na trabaho ay nakakapangilabot. Kaya imbis na magpa-Manila ako, naisip ko nalang na magtapos muna ng pag-aaral dito sa probinsiya bago magplano sa susunod na hakbang. Itutuloy... A/N: Don't forget to vote ⭐, SHARE and leave a comment. ??❤

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.8K
bc

Driver Sweet Lover - SPG

read
233.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
426.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Sweet Temptation(Tagalog R18+)

read
1.4M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
486.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook