Dumating na ang gabi na plinano ni Miya. It was around 10 pm na at turned off na lahat ng lights sa labas ng kwarto niya.
Hinay-hinay siyang lumabas sa kwarto niya at nagtungo kung saan laging itinatago ng ina ang necklace niya. Inopen niya ang drawer na nasa office ng ina. May trust kasi si Tina na hindi susuway sa kanya ang anak niya pero mali siya.
Nang makuha ito ni Miya ay agad siya bumalik sa kwarto. Hindi siya dadaan sa front or backdoor nila dahil may alarm ito at ang nanay niya lang nakakaalam sa passcode.
Umaga pa lang ay inihulug niya na ang bag niya sa sa bintana. Buti nalang ay passion niya ang pagakyat ng mga wall kaya sa may veranda siya dumaan para madali. Isinout niya ang necklace niya at dahan dahan na bumaba. Hindi niya alam saan niya natutunan ang ganoon pero sobrang dali lang nito sa kanya.
Nang makababa siya ay kinuha niya ang bag niya tapos ay inakyat nanaman ang kanilang wall na nasa bakuran. Agad agad siyang tumakbo palayo nang bahay nila. Nagtatakbo siya papuntang guard house then nagpakuha ng taxi. Nagpahatid siya sa kung saan sila magkikita.
Hinanap niya ang kaibigan niyang si Layla. At nang makita niya nito ay hinug siya. "My gosh! Totoo ba talaga to nakikita na kita? Kahit nang nag aaral ka pa sa university hindi kita makita pop! Wow!"
Sobrang saya niya na makita ang kaibigan niya. "Sobrang saya ko! Bilisan natin baka kasi nasundan ako," nagaalalang sabi ni Miya.
Pumara sila ng isa pang taxi. Sa loob ay nagkausap sila. "Bakit sobrang strict ng ina mo? Hatid-sundo ka pa sa university na pinapasukan mo. Hindi tuloy kita madalaw," sabi ni Layla.
"Dahil kasi sa nagawa ko noon pop. Nadisgrasya kami ng kuya ko dahil saakin. Simula noon ayaw niya na akong lumalabas," paliwanag ni Miya.
"Kahit na noh! Pero uhm... sa mansion na tutuluyan natin isa lang akong maid kaya pagpasensiyahan mo sana ang maipapakain ko saiyo at magshare pa tayo ng kwarto," sabi ni Layla. Nag-aalala ito dahil nga mayaman naman kasi ang kaibigan niya.
"Diba sabi mo naghahanap sila ng isa pang katulong? Pwede naman ako eh para hindi ako pabigat atsaka gusto ko rin magtrabaho pop," sabi ni Miya. Nahihiya man siya kay Layla ay hindi niya uunahin ito. She needs to fight for her freedom na almost 3 years na ipinagkakait ng ina niya.
"Pero, marunong ka ba? Nahihiya ako na patrabahuin ka noh!" Sigaw ni Layla.
"Ano ka ba! Ako nga dapat ang mahiya! Please lang patrabahuin mo ako sa tutuluyan natin," makaawa ni Miya.
Nagdadalawang isip si Layla. "Sigeh, sasabihin ko kay Aling Maria. Siya yong head maid sa bahay. Then may kasama tayo si Gwen at si ate Lesley umalis kasi si ate Hilda"
"Sana pumayag sila na magtrabaho ako. Pero teka, sino ba ang amo natin?" Tanong ni Miya.
"Hindi ko rin alam. Pero ang sabi nila minsan lang kung umuwi iyon dito. Namamalage nalang kasi sila sa Ibang bansa. Parang ang mansion lang ang inaalagaan natin tapos binabayaran tayo," sagot ni Layla.
Napa-frown si Miya doon. "Patayo-tayo sila ng mansion wala namang tao. Mayayaman talaga!"
"Atleast may matutuluyan tayo dahil sa kanila Pop! Let's look at the positive side!" Sabi ng kaibigan niya. May point nga naman ito.
Malayo layo ang mansion na pupuntahan nila. Sigurado siya na mahihirapan ang nanay niya na hanapin siya. Siguro kapag nalaman non na nawala siya ay sobrang magagalit yon. Ikukulong talaga siya nito sa kwarto.
Nang dumating sila ay tulog na ang lahat na nasa bahay. Dahan dahan silang nag open ng door nila. Nang nasa loob na ay nagbuntong hininga sila.
"Diyan ka matulog at dito ako. Tatlong rooms ang mga Maid's area. Dalawa sa isang room. Then kay aling Maria, siya lang mag-isa. Diyang mo na ilagay mga damit mo sa drawer at matulog na tayo. Pass twelve na eh," sabi ni Layla at nahiga sa kanyang bed.
"Mauna ka na. May babasahin na muna ako ha. Good night pop at salamat talaga," sabi ni Miya. Ngumite lang si Layla, inoff ang lampshade then tumalikod kay Miya.
Nahiga si Miya sa kama niya. Wala siyang cell phone, ayaw niya din gamitin ang Mac niya. "I'm sorry mom, pero I need to find myself out of those bedroom walls," bulong ni Miya at ipinikit na ang mata.
Kinabukasan ay pinakilala nga siya ni Layla sa lahat. Isa lang ang hindi niya makasundo at iyon ay si Gwen. Maldita ito at ang sarap patayin. Lagi nalang siyang pinagtatarayan.
"Uhm... ikaw nalang ang maglilinis sa garden area. Magwalis ka doon, mandilig ka okay?" Sabi ni Aling Maria. "Nasa may storage room siya sa gilid ng likuran ng bahay," pahapol ni Aling Maria.
Akala naman niya ay maliit lang ang garden na sinasabi ni Aling Maria. Sobrang laki pala nito, napalaki at napa-gape nalang siya nang makita na sobrang laki ng garden. "Paano ito malilinis? Parang every second naman nahuhulog ang mga dahon ng puno!" Whine ni Miya.
Narinig ito ni Gwen na napadaan lang. "Edi bilisan mo na jaan para matapos ka diba? Didiligan mo pa ang mga bulakbulak doon runaway princess!" Pagtataray nanaman ni Gwen sa kanya at umalis na.
"Tingnan mo lang! Matatapos ko to!" Naiinis na sigaw ni Miya. Narealize niya na sobrang hirap pala ang maging katulong. Mahirap ang lumaban para sa kalayaan. She let out a heavy sigh at sinimulan na ang pagwawalis.
Philippines. Melody always wanted to go visit Stockholm first . Said Sweden is a Nordic dream date.
"Next time I come here, I'll be with you Mel. Be it in another life. One day, I will be here again with you," bulong ni Kirby habang papalipad na ang Airplane na sinasakyan.
Hindi kasi siya yong type na gustong mag private plane lageh. Gusto niya iyong lowkey lang. Kaya economy lageh kinukuha ni Kirby. Natulog na muna si Kirby. Matagal panaman ang flight time, tweleve hours.
Nang malapit nang mag land ang airplane ay ginising si Kirby ng katabi niya. "Sorry to disturb your slumber but the plane is landing," sabi ng babae.
Nag rub ng eye niya si Kirby. Inaantok padin siya. "Thanks for waking me up," pasasalamat niya sa babae.
"My name is Rafaela," pagpapakilala ng babae.
"The name's Kirby," pakilala ni Kirby sabay reach ng kamay niya. Nag shake hands sila ni Rafaela.
"Do you speak tagalog? What ya did at Sweden? If you don't mind me asking," sabi ni Rafaela na naka smile.
"Yes and just want to see what it looks like," sagot ni Kirby. Magtatanong pa sana si Rafaela kaso nag-announce na ang crew.
Naunang bumaba si Kirby at dali-dali naman siyang sinundan ni Rafaela. "Hey, do you want to travel together?" Tanong ng babae.
Lumingon sa kanya si Kirby for a moment. "No, thankyou" munting sagot ni Kirby at nagpatuloy sa paglakad palabas ng airport.
"I'll sure find you," bulong ni Rafaela with her upset face. Ayaw niya na hindi nakukuha ang mga gusto niya.