Hindi ini-add ni Miya si Kirby. Dinelete niya ang friend request nito kasi nga na creeped out siya. Ilang days nadin ang lumipas noong natapos ang klase nila.
Gusto niyang mag summer job para sa next na pasukan ay hindi na siya laging humihingi sa ina niya. Minsan kasi mabait ang mommy niya pero minsan pag nagalit ito parang witch. Pero love niya ito at kailan man ay hindi niya ito susuwayin. Iyon ang inakala niya.
Pumunta siya ibaba and then nakita niya ang mom niya na may tinitingnan na mga papers. "Mom?"
Dali-dali na itinago ni Tina ang mga papers na tinitignan. "Yes?"
"Ano po iyong tinitingnan niyo? Atsaka po may itatanong lang ako kung hindi ka po busy," sabi ni Miya.
"Wala, just bills and I'm not busy, we can talk," sabi ni Tina.
"Uhm... I was wondering kung pwede akong mag summer job. You know para magkaroon ako ng job experience?" Tanong ni Miya. Ayaw niyang magalit ang ina, so protective at strict kasi ito. Feeling niya tuloy isa siyang prisoner.
"We're not that poor for you to venture on a job. Job experience is not needed if you're really capable. Anak please, your dad is providing us a lot already. Ano ba kailangan mo at gusto mo--"
"Para na po kasi akong prisoner. I'm like Rapunzel with a hint of being Merida," sabi ni Miya kaya hindi na maituloy ni Tina.
"Hmm... alam mo naman diba kung bakit ko yon ginagawa. Ang kuya mo ay nam--"
"I know. I know. Namatay si kuya dahil sa akin kasi nga siraulo ako noon but mom. Listen, don't you think it's time na I can go out naman? All I have are online friends mommy at sinasabihan nila ako ng fake dahil hindi ako nagpapakita sa kanila. Paano kung wala na kayo? Paano na ako? I'll be too ignorant sa world by then!" Sigaw ni Miya. This time she wants her freedom kahit ngayong summer lang.
"Go to your room now!" Utos ng ina ni Miya.
"At least consider thinking about it mom," pakiusap ni Miya sa ina. Then tumakbo na siya pabalik sa room niya.
Nagagalit siya dahil sa ina niya. Akala niya na okay na ngayong college level na siya. Pero hindi parin, ayaw din niyang mangyari ang nangyari sa kanila noon ng kuya niya.
Nag open siya sa kanyang f*******: account then nag log in. Nakita niya ang kanyang kaibigan na online. Nag-chat siya dito tungkol sa ina. Ganun siya palage, sa kaibigan niya nalang siya lumalapit. Ang tawagan nila ay pop, parang sa lollipop lang.
Nagtanong siya kung okay ba ito na tawagan. Nag-oo ito kaya tinawagan niya.
"Hello? Pop? Okay ka lang?" Tanong ng kaibigan niya.
"No, ayaw kasi ni mama na mag-summer job ako. Nakaka-irita kasi pop. Nasa bahay nalang ako lageh, sa internet ko lang nakikita ang nasa labas. Gusto ko naman minsan makaramdam ng kalayaan," sabi ni Miya sa kaibigan.
"Hmm... ako nga pop eh. Lumayas lang ako saamin. Kasi yung tita ko sinasaktan niya na ako. Kinailangan ko nang umalis kaya ngayon nagtratrabaho na ako. Isang katulong, swerte ka nga eh!"
"No! Pwede mo ba akong kupkupin?" Tanong ni Miya.
Tumawa naman ang nasa kabilang linya. "Nagjojoke ka ba? Ang ganda-ganda nga ng buhay mo tapos ipagpapalit mo sa buhay na meron ako?"
"I'm serious. Pwede mo ba akong kupkopin? Alam ko kung paano magtrabaho. I can work, I promise Pop!" Sabi ni Miya.
"Ewan ko lang Pop! Pero kasi baka hanapin ka ng mama mo saakin. Baka ma locate ka pa niya," takot na sabi ng online friend niya.
"Kung ganoon ay idedelete ko ang sss account ko. Please naman. Gusto kong masubukan ang mga sinasabi ng internet saakin tungkol sa mundo," sabi ni Miya.
"Gagawan natin ng paraan yan ha. Ano nalang, dahil sobrang mahal kita tutulungan kita. Magkita nalang tayo sa may malapit na Starbucks, sa inyo. Kailan ba?" Tanong ng kaibigan ni Miya.
"Hmm, mga 11 pm bukas. Okay lang ba ang 11 pm?" Tanong niya sa kaibigan.
"Uhm... sige okay ako basta ikaw magexplain pag nakita tayo ng magulang mo ha? Ano ba ang itsura mo?" Tanong ng kaibigan niya.
Nagdalawang isip siya kung ipapakita niya ba ang sarili niya. Ang sabi kasi ng mommy niya ay huwag siyang maglalabas ng any picture niya. Pero gusto niya maranasan ulit ang mundo kaya susuway siya sa ina niya.
Nag switch to video call sila. Nagwave siya sa kanyang kaibigan. "Oh my gosh! Ang ganda mo! Asan ka ba?" Tanong ng kaibigan niya.
"Nandito sa bathroom ako. Nagagalit kasi si mommy kapag nag papakita ako sa tao. Bukas ha, salamat" pasasalamat ni Miya dahil sa tutulong niyang kaibigan.
Narinig si Miya na sumigaw ang ina niya kaya dali-dali siyang nagpaalam sa kaibigan niya at lumabas sa banyo.
"Yes, mommy?" Tanong ni Miya.
"May kausap ka ba sa banyo?" Tanong ng ina niya.
"No, I was watching Youtube mom," pagsisinungaling niya sa ina.
"Dinner is ready," sabi ng Ina ni Miya atsaka umalis na.
Pagka-alis ng ina niya ay nag heavy sigh siya. Ang lapit na non. Dahil ayaw niya na pumasok nanaman ang mama niya ay pumunta na siya sa baba.
"I need your necklace," biglang sabi ng mommy niya bago man siya maka-upo.
"Bakit po? Nandito lang naman ako sa bahay. Hindi mo kailangang kunin a--"
"Do you hear yourself? Hindi ka pa nga nakakalabas para ka nang kagaya ng mga teen age na nasa labas. Give me your necklace," utos ng Tina.
Ito yong sinasabi ni Miya na minsan nakakatakot ang ina niya. She took her necklace off at ibinigay kay Tina. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang mahalaga kay Tina ang necklace na iyon.
*****
Pumunta si Kirby sa kwarto ni Elizabeth at Sater. Siyempre kumatok na muna siya baka may ginagawa sila eh.
Ilang saglit pa ay lumabas si Elizabeth. "Oh! Kirby? Are you okay? Do you need anything?" Nag-aalalang tanong ni Elizabeth.
"I'm okay. I came here to say goodbye. I want to look for myself again. I hope it's okay," paalam ni Kirby.
"Ofcourse it's okay! But take care of yourself. If you need anything, we're all here for you. Alam mo naman na nandito lang kami diba?" Tanong ni Elizabeth tapping Kirby's shoulder.
"Yes, mom. I promise, when I get back, I'll be the same old Kirby," sagot ni Kirby.
Niyakap ni Elizabeth ang anak niya. Hinug back din siya ni Kirby. "Tell Gabriella and Lorenzo for me, okay?"
Tumango si Elizabeth at ayon nanga at umalis na si Kirby. Hahayaan niya nalang si Kirby if it's the best thing for him. Total, mas matalino naman yon sa kanya. And she believes na Kirby can take care of himself.