Nagising si Miya dahil sa kanyang masamang panaginip. Tiningnan niya ang cell phone niya at 3 A.M. palang. Palage nalang niyang napapanaginipan ang lalaking yon. Tinatawag siyang Melody ng lalaki at sa ilalim ng puno ng talisay sila sa may cliff laging nagkikita.
"Bakit ba lageh nalang iyon ang panaginip ko?" Tanong ni Miya sa sarili. Nagbuntong hininga siya. Siguradong hindi nanaman siya makakatulog nito.
At ayon nga hindi na siya nakatulog kaya nanood nalang siya ng the office. Hanggang sa nag notify sa kanya si f*******:. May nagfriend request sakanya. Tiningnan niya ito at isa itong foreigner. "Baka poser nanaman ito? Mga arabo na nagpapanggap," bulong ni Miya sa sarili.
Ini-stalk niya ang nag friend request sa kanya. Kirby ang pangalan then ang nick name the curse boy. Mukha naman na hindi poser kasi may mga friends ito at so interactive. Tiningnan niya ang profile at lumaki ang mata niya. Napatakip si Miya sa kanyang bibig. "Minumulto ba ako ng lalaking nasa panaginip ko? Oh my God! Baka para itong horror movie na friend request? Confirm ko na ba?"
Dali-dali niyang ini-off ang mac niya at humiga. Naka cover siya ng blanket niya habang ipinipikit ang mata. Maguumaga nanaman eh.
Nang sumikat na ang araw ay pumunta na siya sa baba. "Ma, minsan po ba ay naka panaginip ka na po ng isang tao tapos ay may tao rin palang ganoon?" Tanong ni Miya sa ina habang naupo sa hapag kainan.
"Bakit? Nagkatotoo ba ang panaginip mo?" Tanong ng ina ni Miya.
"Hmm... hindi naman sa ganon. Hindi ko lang inakala na totoo pala yon. Ang ipinagtataka ko lang po ay palage ko na siyang napapanaginipan and it's so lucid," sabi ni Miya sabay kuha ng hotdog.
Napahinto ang ina niya doon. "A vivid dream, huh?" Bulong ng ina sa sarili.
"Ano ba ang lageh mong napapanaginipan? Tell me," sabi ng ina. Hindi naman napansin ni Miya ang pagka interesado ng ina sa dream niya.
"Hmm... may lalaki sa cliff na tinatawag ako sa ibang pangalan. Yon lang po," sagot ni Miya.
"Wait-- baka po totoo talaga ang reincarnation! Baka ako ang reincarnation nang Melody na lageh niyang tinatawag ma," sabi ni Miya.
Tumawa naman ang ina niya. "Huwag mo nalang intindihin ang panaginip na iyan. At ang pangalang Melody? Baka kasi lageh kang nanood ng anime mo na pitchy pitch ba iyon? At baka ang lalaki ay isang super star," sabi ng ina.
"Wala pong ganoon na super star po. Atsaka ma parang totoo talaga eh. At lageh nalang ganoon. Ako nga siguro ang reincarnation ng babae," sabi ni Miya then tumawa siya realizing how absurd she sounds.
"Mabuti pa ay kumain ka na para makapasok ka na sa university," sabi ng ina at nag pour ng milk sa baso ni Miya.
*****
"Kirby!" Sigaw ni Gabriella. Hinahanap niya ang kapatid dahil nakay kirby ang anak niyang babae. 1 year and 5 months niyang anak na si Zhavia.
"Gabriella, hayaan mo nalang kasi silang dalawa. We can use the time to go to the movies," sabi ni Lorenzo. Nag glare sa kanya si Ella.
"Ayaw ko! Gusto kong kasama natin si Zhavia noh!" Sabi ni Gabriella. "Kirby! Lumabas na kayo ni Zhavia. Seriously, Kirby! Ipapahiram ko siya saiyo mamaya. Promise ko na iyon!"
At ayon nga nagpakita si Kirby kasama si Zhavia. "Zhavia doesn't want to come with you guys! Right Zhavvy!" Sabi ni Kirby habang tinitickle niya si Zhavia.
Nag roll ng eyes niya si Gabriella. Kinuha niya ang anak na buhat buhat ni Kirby.
"Mamaya ako mag papatulog sa kanya," sabi ni Kirby.
"Che! Ayusin mo yong kwento mo! Yung mga princess naman na story huwag yong mga resident evil!" Sigaw ni Gabriella sa kapatid. Nag grimace lang si Kirby.
"You sure you're not coming bro?" Tanong ni Lorenzo kay Kirby. Alam kasi ni Lorenzo na behind those smiles ni Kirby ay ang malungkot niyang pagkatao.
Nag-alala silang lahat dahil noong bumalik si Kirby galing sa Philippines ay sobrang iyak nito. Napa hug pa nga siya kay Gabriella. Iyon pala ay namatay na si Melody.
"Yeah, I have some things to do too kaya I'll stay," sagot ni Kirby habang naka-ngite.
Nang umalis na sina Lorenzo ay pumunta sa rooftop si Kirby. Namimiss niya na rin si Melody. Hinawakan niya ang necklace niya. "I couldn't even get to you on time," bulong niya sa sarili.
Parati niyang naaalala ang mga ngite ni Melody. Lalo na kung paano magsabi ng mga bad words si Melody. Hindi man lang niya napansin na napaluha na pala siya. Pinahidan niya ito at nagpalabas ng hininga.
Nang makarating kasi siya with the cake ay wala naman sa meeting place nila si Melody. Pinuntahan niya sa bahay ng tita ni Melody and they all told him. She was one month missing mula noong tumalon si Melody sa isang cliff after her graduation.
Yes, gusto niyang ganoon sana ang ending nila ni Melody gaya ng napanaginipan niya sa airplane palang. Yung naka abot pa siya kay Melody at kinain nila ang cake together.
Pero huli na siya, hindi niya na magawang sagipin si Melody. Obviously she got too lonely, knowing she was experiencing severe depression and too much stress, she gave up on life.
"Bakit ko pa ba kasi siya iniwan?" Tanong ni Kirby sa sarili habang naka clutch yong kamay niya sa railings.
Habang nasa dinner ay pinag-usapan nila Sater, Elizabeth, Lorenzo at Gabriella si Kirby. Ayaw naman nilang kulitin ito pero sila rin ang naaawa kay kirby.
"Sa tingin mo nay, kung hindi siya bumalik dito noong nagkakilala sila ni Melody, masaya kaya siya?" Tanong ni Gabriella kay Elizabeth.
"I think he would," simpling sagot ni Elizabeth. "We're all worried about him. We all know he's stronger than all of us four. He'll be okay"
"It's been years since he got back and he seemed like he's pretty into it still," sabi ni Sater.
"You know what we should convince him to go on a vacation with us. Let's force that guy. Let's use Zhavia, he'll go if she comes," suggest ni Lorenzo.
Nag glare naman si Gabriella kay Lorenzo. "Si Zhavia talaga ha!" Sigaw niya at binatukan si Lorenzo. Tumawa naman ang mga magulang nila.