Amelie's POV
"Ibigay mo na sila sa amin boy, o baka gusto mong makisali?" dinig ang tawanan nila sa buong kanto na nagpakaba lalo sa akin. Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko at ramdam ko ang panginginig ni Kyla habang nakayakap sa akin.
"J-Jam." bakas ang takot sa boses ni Kyla habang tinatawag si Jamiel. Pansin ko naman ang pagbalik ng tingin niya sa amin.
"Wag kayong mag-alala, sisiguraduhin ko na makakaalis kayo." kahit na nakangiti ay alam kong kinakabahan din si Jamiel dahil na rin sa butil ng pawis na tumutulo mula sa noo niya.
"Pag nakuha ko ang atensyon nila...tumakbo kayo." wika niya ng seryoso habang nakabaling ang tingin sa tatlong lalaking nakangiti habang dinidilaan ang mga labing palapit sa amin.
"How about you?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya ako sinagot pero isang ngiti lang ang ibinigay niya.
"Oh, nakadesisyon ka na ba boy? Kanina mo pa kasi dapat binigay yang mga masasarap na kasama mo." napansin nilang ibinaba ni Jamiel ang mga kamay niya na nakaharang sa amin kanina.
"Oo naman, mag-usap nalang tayo kung saan natin gagawin." nakangising wika ni Jamiel. Pansin ko namang naglakad palapit si Jamiel sa kanila. Mas lalo namang lumapad ang ngiti nung tatlong lalaki kanina at pansin ang pagbaba ng mga hawak nilang kutsilyo.
"K-Kyla." tiningnan naman niya ako habang puno ng luha ang mga mata niya. Tinanguan ko siya.
"P-Pero, si Jam." wika niya. Alam ko kung anong iniisip ni Kyla pero mas mabuting maka-alis kami dito at makapaghanap ng tulong at balikan si Jamiel.
Napatingin naman ako sa direksyon ni Jamiel at hindi pa nagtagal ay agad niyang sinuntok ang isang lalaki na hindi nito inaasahan. Natumba siya at mukhang gulat pa ang dalawang kasama nito kaya naman hindi agad nila naipalabas ang mga kutsilyong hawak nila kanina.
"RUN!" sigaw ni Jamiel at hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para hilain pataas si Kyla para tumakbo.
Kita naman namin na pilit pinipigilan ni Jamiel ang mga lalaki para habulin kami. Kita ko kung paano nila siya pagsusuntukin at halatang walang laban lalo pa at tatlo ang kalaban niya.
"Jam!" sigaw ni Kyla at naestatwa naman ako nang makita kung paanong uni-unting umatrasa ang isang lalaki mula kay Jamiel. Lumatay ang kaba sa dibdib ko habang nakikitang unti-unting napaluhod si Jamiel habang hawak ang tiyan niya.
"Pota! Bakit mo sinaksak? W-Wala to sa usapan!"
"S-Siya ang may kasalanan, ku-kung ibinigay nalang sana niya yung mga babae, e-edi s-sana hindi ko siya nasaksak!"
"U-Umalis na tayo. Pota, ipapahamak mo pa kami Edwin!"
Agad namang nagtakbuhan ang tatlong lalaki. Agad naming nilapitan si Jamiel na nakahandusay sa daanan.
"J-Jam..." nanginginig ang boses ni Kyla habang unti-unting napaluhod dahil sa sinapit ni Jamiel.
"I'I'm fine, hindi naman ganon kalalim." nakangiting wika niya pero imbes na mabawasan ay nadagdagan ang kaba ko ng bigla nalang siyang umubo ng dugo.
"K-Kyla, c-call for an ambulance." tiningnan ko naman siya at halos hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Nakatingin lang siya kay Jamiel na ngayon ay halatang iniinda ang sakit na dulot ng saksak sa kaniya.
"KYLA!" maging si Jamiel ay nagulat sa biglaang pagsigaw ko. Hinawakan ko si Kyla sa balikat niya at tiningnan siya ng deretso sa mga mata.
"There's no point of you crying! Just call the goddamn ambulance and I'll try to put pressure on the wound to at least minimize the bleeding!" muhang nagising naman siya at mabilis na tumango.
"J-Just wait here for a moment okay?" wika ko kay Jamiel at isang nanghihinang ngiti lang naman ang binigay niya sa akin.
I immediately looked for my bag na inilapag namin sa sahig kanina. Agad kong ibinuhos lahat ng laman nito para maghanap ng kahit na anong pwedeng gamitin para mapigilan ang pagdudugo sa saksak ni Jamiel.
Luckily, may nakita akong alcohol sa loob ng bag ko pero wala akong makitang pwedeng gamitin para takpan at malagyan ng pressure ang sugat ni Jamiel kaya naman agad kong binuksan ang bag ni Kyla.
May nakita naman akong scotch tape at isang pwedeng gamiting pantapal sa sugat niya.
"I-I don't have any choice." bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko naman ang mga yun at agad na binalika kung nasan si Jamiel. Nandun din si Kyla at ngayon ay tinutulungang pigilan ang paglabas ng dugo pero halatang medyo marami rami na din ang nabawas.
"Did you already called the ambulance?" tanong ko kay Kyla at isang tango naman ang binigay niya sa akin.
"Okay. Jamiel, I know that it will be painful but you need to endure it okay?" wika ko. Pansin kung gaano na siya kaputla. Marahil dahil na din sa dami ng dugong nawala sa kaniya.
"Kyla, rip his shirt please." tiningnan naman niya ako at dahil sa nagmamadali ako ay hindi ko na siya hinitay at ako nalang ang pumunit ng damit niya mula sa butas na galing sa pagkakasaksak sa kaniya.
Mas lalo naman akong kinabahan ng makita kung gaano kabilis ang pag-agos ng dugo mula sa sugat kaya naman walang pakundangan ko nang ibinuhos ang alcohol sa sugat niya.
"F-f**k!!" halos aiyak naman ako nang mapansin ko ang pagtulo ng luha sa mata ni Jamiel dahil sa hapdi.
"J-Just endure it! Kyla, look for something that Jamiel can bite to!" pagkasabi ko nun ay agad naman niyang pinunit ang parte ng damit niya at ginawa itong bola saka agad na nilagay sa bunganga ni Jamiel.
Ipinagpatuloy ko naman ang paglinis ng sugat niya. Matapos ko itong linisin ay agad kong inilabas ang gagamitin kong pantakip. Pansin naman ang panlalaki ng mata ni Kyla at ang pamumula ng mukha niya.
"I-Isn't that mine?" I nodded.
"I don't have any choice." seryosong wika ko.
Di nagtagal ay dumating naman na ang ambulansya at ngayon ay nasa loob na kami ng hospital.
"You should've told me na gagamitin mo yun! Nakakahiya ang mga tingin nila kanina." wika sa akin Kyla.
"I don't have much choice do I? Tsaka, bakit ka mahihiya, what's important is that we managed to at least suppress Jamiel's bleeding." wika ko.
Nandito kami ngayon sa labas ng Operating Room at hinihintay na matapos ang operation kay Jamiel.
Agad naman kaming napatayo ng biglang bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas ang doctor na in charge sa operation ni Jamiel.
"Doc, how is he?" tanong ni Kyla.
"Ahmm..You don't have to worry. He's in good condition and that is thanks to your immediate first aid. Nakita namin na medyo may kalawang sa sugat and that almost lead for him to get infected but luckily, mukhang na disinfect naman siya." nakangiting wika ng Doctor. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag matapos marinig na okay na si Jamiel.
"Also, because of your innovative use of the napkin, you are able to at least minimize the bleeding." nakangiting wika niya.
"He will be sent to the general ward after. You can now rest assured." napaupo naman kami ni Kyla. Pansin ko naman ang pagpatak ng luha at ang biglang pagbagsak ng balikat niya.
"I-I'm so glad that nothing serious had happened." wika niya. I hugged and caressed her back. Ramdam ko naman ang biglang pag-vibrate ng bulsa ko.
"Wait a minute." wika ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino ito.
"Ms. Estorque! Nasaan kayo? I've been waiting for you to return! Akala ko ba kakain lang kayo?!" sa sobrang lakas ng boses ni Boss ay nailayo ko pa ang cellphone ko sa tainga ko.
"Where are you?!" dagdag niya pa. Tiningnan ko naman si Kyla na ngayon ay humihikbi pa din.
"Sorry po Sir Paul, nasa hospital po kasi kami." wika ko.
"Hospital?! Anong ginagawa niyo diyan?!" halata naman ang gulat sa boses niya.
"N-Nasaksak po kasi si Jamiel habang pabalik po kami sa office." wika ko.
"What?! T-Then, saang hospital kayo? Are you all okay? How about Jamiel? How is his condition?" agad ko namang kinuwento kay Boss ang lahat ng nangyari at sinabi niyang pupuntahan daw niya kami. Sinabi ko naman na hindi na kailangan pero ipinagpilit niya at sinabing responsibility niya daw ang safety ng mga empleyado niya.
"Amelie! Are you all fine?" dinig na dinig ko naman ang boses ni Boss. Nasa labas kami ngayon ng kwarto ni Jamiel. Nasa loob na din si Kyla dahil babantayan niya daw si Jamiel.
"Ayos lang po kami Sir." nakangiting wika ko.
"How can you be fine when you've experienced something traumatic?! Look at you, punong-puno pa ng dugo ang damit mo." tiningnan ko naman ang sarili ko at ngayon ko lang napansin na totoo pala ang sinabi ni boss. Pati kamay ko ay may bahid pa ng dugo ni Jamiel.
"If I know that this would've happened, sumama nalang sana ako sa inyo." pansin sa boses ni Boss ang pag-aalala.
"And, why didn't you call me earlier kung ganito pala ang nangyari?!"
"A-Actually, we are too pre-occupied by the thought of Jamiel being stabbed at nakalimutan ko na po kayong ikontak." wika ko.
Napabuntong hininga nalang naman siya at hindi na nagsalita. Pumasok nalang siya sa kwarto kung nasaan mahimbing na natutulog si Kyla habang wala pa ring malay si Jamiel, marahil dahil sa anesthetics.
This is the first time that Boss showed that he cares for us. Honestly, nakakapanibago but, at the same time ay masaya na din ako.