Chapter 3

1884 Words
Amelie's POV "Jam, do you want to have a drink?" lumapit si Kyla kay Jamiel at iniabot ang kapeng hawak-hawak niya. Ilang araw na simula nung inumpisahan namin ang preparations for the meeting with the investor next week. Hindi ko din inaasahan na ang mga reports na pinapakuha ni Boss Paul coming from our subsidiary companies ay preparation lang para sa makuha ang bigating investor na nagmamay-ari ng majority of stocks worldwide. "Ano kaya siyang klase ng tao?" bulong ko. "Hala Jam! Natapunan ka ng kape sa damit mo, hubadin mo na bilis!" napatingin naman ako sa kung saan nanggagaling ang boses ni Kyla at kitang-kita ko naman kung paano niya hilain ang kuwelyo ni Jam at akmang tatanggalin ang butones nito. "N-No, it's okay." "Hindi yan okay, bawal na makita ng iba na marumi ang damit mo lalo na at nasa office pa tayo." pagpupumilit ni Kyla at pilit na inaabot ang mga butones sa damit ni Jamiel. "T-Tayong apat nalang naman nila Ma'am Amelie at Boss ang nandito sa office." wika ni Jamiel na siya namang nakapagpahinto kay Kyla. Mukhang nag-iisip pa si Kyla ng sasabihin niya. "Hindi, alam mo namang moody si B-" hindi ko na siya pinatapos at awang-awa na ako kay Jamiel. "Kyla, tama na. Tayong apat nalang naman ang nandito kaya ayos lang." tiningnan ko naman si Jamiel na ngayon ay inaayos ang damit na medyo gusot na dahil sa pag-abot ni Kyla. "Jamiel, merong extra-ng t-shirt sa may table ko, kunin mo nalang." wika ko at nginitian siya. "O-Okay lang po ba Ma'am?" tanong niya sa akin na siya namang tinanguan ko. "Salamat po." wika niya at agad namang umalis. Nilapitan ko si Kyla at agad na sinapok ang ulo. "Aray! Ano ba naman yan Amel, masakit kaya!" wika niya habang hinihimas kung saan ko siya sinapok. "Manahimik ka Kyla. Nakakahiya pinaggagagawa mo." bulong ko sa kaniya. "Tanga, chance ko na sana yun para makita katawan ni Jamiel pero dahil laking kill joy ka, di ko na magawa!" pinanlisikan ko naman siya ng mata pero hindi naman niya ito pinansin. "Mabuti nalang talaga may naiwan pa akong t-shirt na hindi nagagamit." napatingin naman sa akin si Kyla sa sinabi ko. "Wait be, size mo ba yung shirt?" nagtataka man ay tinanguan ko siya at bigla namang gumuhit ang ngisi sa labi niya.  "Alam mo Amel, ikaw talaga pinaka-favorite kong kaibigan." tinapik-tapik naman niya ang balikat ko habang pinipigilan ang ngiti. "Pinagsasabi mo?"  hindi naman niya ako pinansin at nakatingin lang sa likod ko. "Tangina Amel, kaya favrite kita e." nagtataka naman akong tumalikod at kita ko si Jamiel na suot ang puting t-shirt na medyo masikip sa kaniya na naging dahilan para bumakat ang katawan niya. "Salamat sa damit Ma'am, masikip konti pero okay lang." wika ni Jamiel habang naglalakad. "Eh, Jam. baka gutom ka na? Kain kaya muna tayo." nanindig balahibo naman ako nang marinig ko si Kyla. "Medyo ginugutom na rin naman ako. Ikaw Ma'am?" napatingin naman ako sa kaniya. "A-Ah? Ah, kakain diba? Saan?" tanong ko. Ngumiti naman si Jamiel. "Ako na pong bahala." wika niya. Matapos niyang sabihin yun ay agad naman akong pumunta kay Boss para magpaalam. Tinanong ko na rin siya kung gusto niyang sumama pero mukhang busy siya at sinabing sa susunod nalang daw. "Nagkaroon ka na ba ng girlfriend dati Jam?" hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dahil ako lang ata ang nahihiya sa pinaggagagawa ni Kyla kay Jamiel. "Girlfriend? Nagkaroon ako minsan." nakangiting wika niya. "Talaga, gano kayo katagal?" "Umabot ng almost 6 years pero, naghiwalay din kami." sagot niya. "Sayang naman." bulung ko at mukhang narinig yun ni Jamiel. "Hindi naman po. Nakahanap kasi siya ng iba na mas makapagpapasaya sa kaniya." bigla naman akong nalungkot sa sinagot niya sa akin. "Tsaka, masaya ako na naging masaya siya kahit hindi na sa akin." hindi ko naman alam ang isasagot ko. Lalo na at wala akong alam sa mga ganito. "Ikaw Ma'am Amel?" "Amel nalang." wika ko sa kaniya. "Nakakahiya naman po." wika niya. "Ayos lang, saka, magkalapit naman mga edad natin kaya wag ka na ring mag-po." nakangiting wika ko. "Sa totoo lang, wala pa akong naging kasintahan." nakangiting wika ko sa kaniya. "T-Talaga po? Sa talino at bait niyo?" napatawa naman ako ng pagak. "Totoo yang sinasabi ni Amel. Magkaibigan na kami simula elementary at naging saksi ako ng buhay niyan. Ewan ko ba, maganda naman pero wala ni isang nagtangkang manligaw sa kaniya." wika ni Kyla. Totoo naman ang sinabi niya. Pero sa tingin ko ay ayos lang naman. Mas mabuti na rin yon at nakapag-focus ako sa pag-aaral ko at naging secretary agad ng malaking kompanya kahit na bata pa ako. "Nga pala Jam, anong type mo sa babae?" hindi ko alam kung saan nakukuha ni Kyla lakas ng loob niya para magtanong ha. Hindi ba siya nahihiya? Mabuti nalang talaga at mukhang ayos lang kay Jamiel yung mga tanong. "Hmm. Una sa lahat, mabait, yung marunong magluto, maunawain tapos handang tumulong kahit walang kapalit." nakangiting wika niya. Napatingin naman ako kay Kyla na ngayon ay nakabusangot? "Ayaw mo sa maganda?" "Bonus nalang siguro. Aanhin mo naman kasi ang ganda kung masama naman ugali niya diba?" napangiti naman ako sa sinabi niya. Karamihan kasi sa mga lalaki ngayon, mas pinipili yung magaganda kesa sa ugali. Mabuti nalang at may mga lalaki pang katulad ni Jamiel na hindi mukha ang basehan. Pansin ko naman ang paglapit sa akin ni Kyla. "Amel, turuan mo akong magluto." tiningnan ko naman siya. "Alam mo Kyla? Wala kang pag-asa." wika ko habang nagpapatuloy sa paglalakad. "Amel naman, babayaran naman kita sa pagturo saka ako na rin bibili ng ingredients." bulung niya sa akin . "Pero inisip ko ulit, kaya mo pa naman. 250 per session ha? Buwanan ang bayad." wika ko sa kaniya at sabay naman kaming tumawa. "Nandito na tayo." nakangiting wika ni Jamiel at halos lumuwa naman ang mata ko. "Sigurado ka ba Jam?" napatingin naman kami sa kaniya. "Oo naman." "Teka lang ha, check ko muna wallet ko." bulong ko kay Kyla. "Wala akong pera." balik ko. "Ako din be." "Is there any problem?" tanong niya sa amin. Hindi namin namalayan na nauna na pala si Jamiel at akmang papasok na. "Wala kaming pera." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kyla. Kita ko naman kung paanong ngumiti si Jamiel. "Don't worry, libre ko kayo." "Libre mo? Eh halika na Amel, libre naman pala e. Tsaka, gutom na din ako." hindi naman na ako naka-imik ng biglang hilain ni Kyla ang kamay ko. Halos hindi naman ako makahinga ng maayos nang makapasok na kami. Sobrang gara ng loob. "N-Nakakahiya naman Jamiel tsaka, hindi kami sanay sa ganito." wika ko habang nakayuko. "Ano pinagsasabi mo Amel?" siniko ko naman si Kyla. "Don't be. Tsaka, matagal ko na din namang balak na pumunta dito kaya nag-ipon ako. Sakto naman na kasiya siya para sa tatlo." nakangiting wika niya. Nasa loob lang naman kasi kami ng Sol, ang isa sa mga sikat na restaurant dito sa Remoto. Masarap nga ang pagkain ikamamatay mo naman ang presyo. Mas lalo naman akong nahiya dahil sa sinabi niya. Bigla namang may lumapit sa amin na waiter at gustuhin ko mang umalis sana ay hawak hawak na ni Jamiel at Kyla ang kamay ko. "Nakakahiya talaga Jamiel." wika ko habang nakaupo. "Ayos lang talaga." "Oo nga Amel, sabi niya ayos lang daw kaya okay lang diba Jam?" tumango naman si Jamiel. Umorder naman na kami at sinasabi ko sa inyo, yung pinakamura na steak yung pinili ko at hindi na ako nag-wine at tubig nalang dahil sa nakakahiya talaga.  Halos lumuwa pa kanina yung mata ko nang makita na 1,265 pesos ang pinakamura nilang dish at salad yun! Yung tubig, walang hiya. Ngayon lang ako iinom ng tubig na 150 pesos, may laman atang gold! "Enjoy your meal Ma'am, Sir." wika nung waiter at iniwan na kami. Halos hindi ko pa galawin yung pagkai ko dahil na rin sa hindi ko kayang kumain ng mahigit tatlong libong piso para sa isang slice ng karne. Hiniwa ko naman ito at kita ko naman ang paglabas ng juice at ang lambot ng karne. Medyo mamula-mula pa ito at amoy ko ang butter at red wine sauce na ginamit pang-garnish sa steak. Sinubo ko naman ang isang slice at.... "It's good right?" tanong sa akin ni Jamiel at agad naman akong tumango. Masarap nga siya pero tuwing naaalala ko ang presyo, parang iiyak ako. Ipinagpatuloy nalang namin ang pagkain. "That's so delicious." wika ni Jamiel. Tinawag naman ni Jamiel ang waiter at kinuha ang bill. Halos isuka ko naman pabalik ang kinain ko nang makitang umabot ng 20 thousand ang babayaran niya. Inilabas naman niya ang credit card niya at ibinigay sa waiter. "W-Wait." napahinto naman ang waiter at napatingin naman sa akin sina Kyla at Jamiel. "I just thought, that it was too much of a burden for Jamiel to pay alone so. Can you split the bill for the two of us, here's my credit card." wika ko at iniabot ang credit card ko. "Of course Ma'am." agad naman niya itong inabot at umalis. "Ma'am, hindi mo naman kailangang gawin yun." wika sa akin ni Jamiel pero inilingan ko lang siya. "20 thousand is a large sum at alam kong may iba ka pang pinagkakagastusan." nakangiting wika ko. Hindi naman siya nagsalita at ngumiti nalang. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang waiter at ibinalik sa amin ang credit cards namin. "Tara na, balik tayong office." wika ko at ngumiti naman sila sa akin at tumango. Medyo madilim na at kaunti nalang ang taong naglalakad sa daanan. Sobrang tahimik din.  Nandito kami ngayon sa isang madilim na kanto at halos mga yapak nalang namin ang maririnig.  Bigla naman akong kinabahan ng may marinig akong yapak sa likod namin.  "D-Did you hear that?" tanong ni Kyla na mukhang nadinig din ang narinig ko. Pansin ko naman ang biglang pag-alerto ni Jamiel at palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib ko. "Stay behind me." wika ni Jamiel at hinila kami papunta sa likod niya. "Who's there?" wika ni Jamiel at mas lalo naman akong kinabahan ng makita ang tatlong lalaki na may hawak na kutsilyo habang lumalabas sa likod ng poste. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit ni Kyla sa braso ko at ramdam ko din ang panginginig at lamig ng kamay niya. "Anong kailangan niyo?" kalmadong tanong ni Jamiel. "Nakita namin na nanggaling kayo sa Sol at mukhang mayaman naman talaga kayo." tiningnan naman niya ako saka ngumiti na siya namang nagpatindig ng balahibo ko dahil sa kaba. "Ilabas niyo lahat ng mga gamit niyo at makaka-alis kayo dito ng maayos." wika nung isang kasama nung lalaki habang dinidilaan ang labi niya. "I-Ilabas nalang natin." bulong ko kay Kyla at Jamiel. "M-Masiyadong delikado kung hindi natin susundin ang gusto nila." dagdag ko. Tinanguan naman ako ni Kyla at ni Jamiel. "Sige, pero ipangako niyo na paaalisin niyo kami dito." "Oo naman, pangako." wika nila habang nakangiti. Agad naman naming ibinaba ang mga bag at cellphone namin. Pansin naman namin ang paglapit nila na mas lalong nagpakaba sa akin. "Mabuti naman at mabilis kayong mag-isip." nakangising wika nung lalaki. Kinuha naman niya ang mga gamit namin. Tiningnan naman niya kami ni Kyla at bigla naman siyang ngumisi. "Di ko naman alam na maganda pala ang mga kasama mo boy. Hindi na namin kailangan yang mga yan, hayaan mo lang kaming makipaglaro sa kanila." wika niya habang nakataas ang kutsilyong hawak niya.  Bigla namang pumatak ang luha ko sa sinabi niya at nanginig ang buong katawan ko. Lumapit naman ang dalawa pa niyang kasama. Umatras naman kami at hinaharangan naman ni Jamiel ang mga lalaki para hindi sila makalapit sa amin. "A-Amel, we are going to be fine right?" wika ni Kyla habang patuloy na tumutulo ang luha niya. Hindi ko din alam kung anong gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD