Chapter 2

1550 Words
Kyla's POV My baby Amel really is so hardworking. Kanina pa yan tawag ng tawag sa mga kung sino mang mga taong 'yon pero just look, she still look so stunning. Pero siyempre mas maganda ako.  "Psst. Sean." tawag ko sa katabing cubicle ni Jamiel.  "Kita mo si Rendon?" tanong ko sa kaniya. "Bakit?" "Sagutin mo nalang kasi ako, dami namang tanong, interviewer ka ba?" tsaka ko siya inirapan. "Kiss muna." napangiwi naman ako sa kaniya. May pataas taas kilay pa siyang nalalaman. "Manahimik ka, baka gusto mo halikan tong folder no?" pinakita ko sa kaniya yung folder na hindi naman ganon kakapal. "Tsk, di ka naman mabiro. Nasa rooftop si Jamiel, baka magsisigarilyo." agad naman akong tumayo. "Teka, aalis ka na? Wala man lang kiss?" tanong sa akin ni Sean. ewan ko ba, malakas alindog ka sa mga kasama namin. Talaga lang sigurong mas maganda ako kay Amel no? Walang duda, mas maganda ako.  "Ito o, iyo na." saka dumampot ng kung ano sa bag at tinapon sa kaniya. "Teka, huy! Aanhin ko tung napkin mo?"  "Amuyin mo, mabango yan, fresh from my pems." wika ko ng hindi siya binabalikan ng tingin. My misyon ako ngayong araw at yun ay landiin ulit si Jamiel my baby. I just can't let him slip through my fingers. "Saan punta mo Kyla?" tanong sa akin Heather. "May huhulihin lang." wika ko tas sabay ngiti. Isang thumb-up at ngiti naman ang binigay niya sa akin.  "Dapat aggressive ha?" natatawang wika ni Heather. She doesn't need to remind me, I know my game. Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita ko si Boss Paul. "Yes, my loves. Of course, I'll see you later this noon okay?.......Yes, I love you too. Mwaah." napangiwi naman ako sa narinig ko. Ang sagwa ni Boss, di bagay na lumalandi siya. "Good Morning Boss." "Ms. Mendez, good morning." ang bilis talagang magbago ng mood nitong isang to. Kanina lang may pa yesh me lebs siya tapos ngayon akala mo kung sino ng estatwa. May saltik ata talaga to e. "Do you have any appointment Sir?" tanong ko. "If I have one, it isn't for you to stick your nose with, isn't that right? Ms. Mendez?" pinigilan ko naman ang sarili ko. Kyla, tandaan mo Boss mo pa rin siya, pag ikaw sumagot-sagot, palalayasin ka ni Amel.  Nginitian ko nalang siya. Agad naman siyang umalis at talaga, sinasabi ko. Kung pwede lang talaga manapak ng pota, sinapak ko na yang si Boss Paul! Nakakainis ha! "Relax Kyla, kailangan maganda ka sa harap ni Jamiel. Hinga muna, hinga." agad ko namang inayos ang sarili ko. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin kung okay pa ba. "Lord, kung alam kung malaking kasalanan ang pagiging maganda kaya naman, alam kong kukunin mo ako ng maaga. Pero sana matikman ko man lang si Jamiel kahit isang beses lang bago yun mangyari." bakit ba kasi ang ganda ko? Hayss, kaya talaga maraming nahihiyang lumapit e. "Lip gloss lang kulang perfect na." agad ko namang nilagyan ng lip gloss labi ko. "Let's go." ibinalik ko na ang mga gamit ko sa bag at dumeretso papuntang rooftop. "Hinga Kyla, dapat success okay?"" kausap ko sa sarili ko. Tangina lang kasi, nasa harapan na ako ng pintuan papuntang rooftop at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Kyla, maganda ka kaya dapat go lang." tatango-tangong wika ko. Ipinikit ko naman ang mata ko at agad kong binuksan ang pinto at halos maubo ako dahil sa amoy ng sigarilyo. "s**t, bakit ang usok? May nagsusunog ba?" wika ko habang tinatakpan ng panyo ang ilong ko at nakapikit. "K-Kyla? Sorry, what are you doing here?" napahinto naman ako nang marinig ko ang boses ni Jamiel. Lord, how can you make Jamiel so perfect? Ang ganda ng boses mga be. Ang lalim tas, basta ang sexy! "J-Jamiel? Andito ka pala?" of course alam kong nandito ka kaya nga ako pumunta dito diba?  "Uhm, y-yeah." tiningnan ko naman siya at mukhang may problema ang baby ko. "Are you okay? Parang may problema ka." wika ko habang tinatanggal ang panyo. Pansin ko namang pinatay niya ang sigarilyo niya. Napakabait lang mga be, concern talaga siya sa akin. "No, nothing." wika niya at sumandal sa pader.  "If you need someone to talk to, I can listen." wika ko sa kaniya. Pota be, wala na ang plano, abort mission. Mukhang maling timing ata ang napili ko. "Thanks, I'll take that offer." tiningnan naman niya ako saka nginitian at pramis be! Grabe kabog ng puso ko. Bakit ang gwapo niya lalo tingnan habang nakangiti? Kalma self, self-control! Bawal muna lumandi! "Why are you here?" tanong niya sa akin. Pota, anong sasabihin ko? Alangan namang sabihin ko sa kaniya na pumunta ako dito para landiin siya? Edi sira agad pangalan ko? "A-ah? Hahaha. Wala, nabwiset lang talaga ako kay Boss." agad naman akong tumingin sa ibang direksyon. Hindi naman ako nagsinungaling pero hindi talaga yun yung rason kung bakit ako nandito. "Hahaha. Normal lang yun, masiyado lang talagang seryoso si Boss." wika niya. Lord, bakit parang ang perfect naman ni Jamiel? Parang ako. Bagay talaga kami. Ang sexy ng tawa niya mga be! "Why are you smoking anyway? Alam mo namang masama yan sa baga." tanong ko. Diba? Parang DOH ang dating? "Oh, that? Relaxant ko lang. Hindi ko naman pinapalagi, tuwing may problema lang." tumingin naman siya sa taas.  "Thanks for the concern by the way." natuod naman ako ng bigla niya akong tapikin sa balikat. Pinigilan ko ang sarili ko at talagang kinakagat ko labi ko. Pota, ang daya niya! Simpleng maharot ang baby ko! "Mauna na ako." wika niya. "A-Ah..." di naman ako nakapagsalita dahil talagang bumaba na siya. "Pota naman Kyla, chance na yon e." bulong ko sa sarili ko habang nakaupo. Tiningnan ko naman ang langit. "Pero at least, hinawakan ka niya. Nag smile pa siya sayo ng ilang beses." hindi ko naman mapigilan ang mga ngiti sa labi ko. Tangina, ang swerte ko pala. Amelie's POV Ininat ko naman ang kamay ko. Medyo nakakapagod ngayong araw. Sinamahan ko si Boss sa mga appointments niya - maliban sa lunch nila ng fiance niya - tapos tinawagan ko pa mga subsidiary company namin. Puno na ng mura tainga ko at sinasabi ko sa inyo, masakit sa ulo. "Kim, kita mo si Kyla?" tanong ko. "Ah. Si Kim? Ayun o?" tinuro naman ni Kim si Kyla na ngayon ay nakaupo sa bench. "Salamat." nginitian ko naman si Kim at agad akong lumapit kay Kyla. Pansin ko talaga na sobrang lapad ng ngiti niya. "Saya natin a? Ano good news?" tiningnan naman ako ni Kyla at sinasabi ko, sobrang cringe ng ngiti niya. "Amel....." bigla naman niya akong niyakap. "Nag-usap kami ni Jamiel at nginitian niya ako." napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Kyla, kinausap din ako ni Jamiel kanina." wika ko pero inilingan naman niya ako. "Mas sweet yung sa amin. Sigurado ako work-related yung pinag-usapan niyo kaya wag kang kontrabida." sinubukan ko naman siyang kalasin pero hindi talaga. "Ah, naalala ko. May pinabibigay nga pala si Sean sayo." wika ko. "Si Sean? Ano yan? Chocolate?" inirapan ko naman siya. Ewan ko ba kung anong nakain nitong babaeng 'to at kung ano ano ang binibigay. "Oh, napkin mo." tapik ko sa ulo niya. Tiningnan naman niya ito at napangiwi. "Sinabi ko na ngang sa kaniya na e." "Tanga, saan naman niya yan gagamitin eh hindi naman dinadalaw si Sean buwan-buwan." wika ko at pinitik ang noo niya. "Masakit Amel! Magagamit niya to! Sabi nila feeling daw ng mga lalaki nasa ulap balls nila kapag nakanapkin sila!" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Huy Kyla, bunganga mo! Baka may makarinig at kung ano pa isipin nila!" "Huh? Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Sean! Try mo nga tung napkin, paki sabi kung masarap ba sa itlog mo to!" nakita ko namang nagsipagtinginan sa amin ang mga katrabaho namin at yung iba ay natatawa. "Kyla! Manahimik ka, halika na nga. Nakakahiya pinagsasabi mo." tiningnan ko naman si Sean at hindi ko maipaliwanag mukha niya kung matatawa ba o maiinis. "Sorry." wika ko sa kaniya at tinanguan naman niya kami. Kinaladkad ko na si Kyla palabas. "Kyla naman, nakakahiya ka kanina." wika ko. "Hahahaha, sus. Normal lang yun. Tsaka close naman kami ni Sean e." wika niya habang masayang naglalakad. Hindi ko alam kung anong klase ng droga nahithit nito pero mas malakas tama niya ngayon kesa nitong mga nakaraang araw. "Ano palang ulam Amel?" napaisip naman ako sa sinabi niya. Alas sais na rin kasi at saktong pagdating namin mamaya sa apartment ay kakain nalang. "Bili nalang kaya tayo ng sinigang?" tanong ko sa kaniya. "Sige,masarap magsabaw ngayon, lalo na at mukhang uulan." wika niya. Tinanguan ko naman siya.  Habang naglalakad, pansin ko naman ang pagbago ng temperatura at ang biglang pagtahimik ng paligid. "Kyla -" hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko nang makita kong hindi gumagalaw si Kyla habang nakangiti. Iniikot ko ang tingin ko sa paligid at maging ang ibang mga tao ay hindi rin nagalaw. Bigla naman akong nakaramdam ng takot. "Ellie." nanindig naman ang balahibo ko ng may biglang bumulong sa may tainga ko. Parehong boses nung lalaki sa panaginip ko. Agad naman akong napaupo. Anong nangyayari? "Amel? Ayos ka lang ba?" napatingin naman ako kay Kyla na ngayon ay nakatingin sa akin. "Bakit ka nakaupo?" tiningnan ko naman ang buong paligid at naging maingay na ang buong kalsada at lahat ay naglakad.  Nagha-hallucinate ba ako? "O-Okay lang ako." wika ko habang inaabot ang kamay ni Kyla na ngayon ay nakalahad sa harap ko. "Napagod lang ako ng konti." wika ko sa kaniya. Bumalik na dn s adati ang temperatura. Hindi pa rin maalis sa akin ang nangyari. Masiyadong realistic para masabing hallucination. Ipinagsawalang bahala ko na muna at ipinagpatuloy na namin ni Kyla ang paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD