Amelie's POV
Ramdam ko naman ang malamig na dampi ng luha sa pisngi ko. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang sakit at sikip sa dibdib ko. Tumingin ako sa labas at kita na ang sikat ng araw.
"Amel, gising na." napatingin naman ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ang pinto. Kita ko si Kyla na nakasuot pa ng pantulog at yakap ang isang unan.
Agad namang nagbago ang mukha niya nang makita niya ako.
"My god, what happened to you?" isang ngiti naman ang binigay ko sa kaniya at inayos ang sarili.
"It's nothing. Sadyang, napanaginipan ko naman siya uli." wika ko habang nakatingin kay Kyla. Agad naman niyang inihulog ang unan at agad niya akong niyakap.
"Katulad pa rin ba ng dati?" tinanguan ko naman siya. Hindi ko na maalala kung kailan ako umpisang dalawin ng panaginip na 'yon pero sa tuwing darating ito ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
Ang bawat patak ng luha niya, ang higpit ng yakap at ang boses niya ay sobrang linaw na hindi ko maalis sa isipan ko ang mga ito. Kahit makailang ulit ay dama ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin na siya namang sinagot ko ng tango pero sa kabila nito ay ang katotohanan na hindi pa ako okay.
Sa ilang ulit kong nakita ang parehong panaginip, ni minsan ay hindi ko nakita ang mukha niya.
Ramdam ko namang kinalas ni Kyla ang yakap niya sa akin.
"Feel ko, mas magandang kumain na muna tayo, medyo gutom na din ako e." natawa naman ako habang kinakamot niya ang ulo niya.
"Mauna ka na sa labas, aayusin ko lang ang sarili ko."
"Sige. Bilisan mo a, hindi ako marunong magluto kaya gatas lang muna gagawin ko." tumatawang wika ni Kyla.
"Oo na, kaya alis na para makapag-ayos na ako." pagtataboy ko sa kaniya. Agad naman siyang umalis habang nakangiti at isinara ang pinto. Napahinga naman ako ng malalim at inalala ang pagpatak ng luha ni Max sa pisngi ko. Hinawakan ko ito at hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang init ng luha niya.
Agad ko namang inayos ang sarili ko at tumayo.
"May trabaho pa ako." tinapik ko ang mukha ko at tumatango-tango.
"Sinabi pala sa akin ni Heather kanina sa text na may parating daw na project kaya..." pansin ko naman ang pagbaba ng kutsara ni Kyla.
"Ready ko na sarili ko sa mga pasabog ni boss.." wika niya habang matamlay na nakangiti. Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya.
"Ah...Good luck." tinanguan ko naman siya. Kita ko sa mga mata niya ang awa kaya naman isang ngiti nalang ang binigay ko. Matampay kong ipinagpatuloy ang pagkain dahil sa kung kawawa sina Kyla ay siguradong mas kawawa ako. Tuwing may ganitong mga project --- halos tatlong oras nalang ang tulog ko.
Nagtatrabaho kami ni Kyla sa isang exporting company at sinasabi ko sa inyo, kung may balak kayo ay wag niyo ng gawin, mamamatay kayo nang maaga.
Tinapos naman na namin ang pagkain at hinayaan kong hugasan na ni Kyla ang mga pinagkainan namin. Alangan namang palamunin lang siya sa apartment na 'to diba? Just kidding, yun talaga ang gawain ni Kyla sa apartment dahil kung di niya gagawin yun ay sinisigurado kong palalayasin ko siya.
8 nang umaga ang trabaho namin at kailangan naming maka-alis sa apartment ng mga 7:30 para siguradong hindi kami ma-late.
"KYLA! BILISAN MO NA - TAMA NG PAGPAPAGANDA. SABOG KA DIN NAMANG UUWI!" sigaw ko sa kaniya dahil sa hindi pa din siya lumalabas. Anong oras na at baka madungisan pa ang time-record ko.
"TEKA LANG NAMAN, ALAM MO NAMANG KAILANGAN MAGANDA AKO SA HARAP NI JAMIEL!" dinig ko naman mga yapak niya habang papunta sa pintuan.
Agad naman niyang binuksan ang pintuan at medyo hinigingal pa siya.
"Tara na.." akma naman akong maglalakad ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"T-Teka lang..."
"Ano nanaman? May nakalimutan ka?" tinanguan naman niya ako. Napairap nalang ako.
"Ano naman yan?"
"M-Mag li-lipstick lang talaga ako." ipinalabas naman niya ang lipstick niya pero bago niya pa man yon madampi sa labi niya ay hinila ko na siya.
"T-Teka lang naman Amel, D-Dahan-dahan, naka heels ako gaga - aahh!" napahinto naman ako ng may marinig akong lumagapak.
"Sabi kasing dahan-dahan lang e!" agad ko naman siyang tinulungan dahil literal na nakadapa ngayon si Kyla sa lapag.
"S-Sorry." agad naman niyang inabot ang palad ko na siya namang inabot.
"Naku talaga, buti nalang walang gasgas. Hindi magiging effective paglandi ko kay Jamiel mamaya e. Pag talaga hindi naging kami ikaw sisisihin ko Amel!" wika niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Nginiwian ko naman siya at bigla namang gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"Hehe, alam mo talaga na hindi ko magagawa yun no? Paano kung tayo nalang magpakasal kung wala tayong makatuluyan?" wika niya habang tumatayo.
"Manahimik ka, magiging kasambahay ako pag ikaw nakasama ko kaya please, maghanap ka na ng pangangasawahin mo."
"Sige na, tayo nalang? Magkakilala naman na tayo simula pagkabata tsaka kita ko naman na buong kataw-" agad ko namang tinakpan bunganga ni Kyla. Mabuti nalang talaga walang tao sa paligid.
"Wag ka ngang magsalita ng ganiyan!" ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko.
"Ay, Amel, nakakahiya ?. Hindi ka 18 para mahiya. Jusko, bente-sais ka na be tapos ganiyan pa rin? Feeling innocent 'to. Porket mas malaki hinaharap mo sa akin." tiningnan ko naman siya ng masama habang tinatakpan ang harapan ko. Nginisihan naman niya ako at lumapit sa akin.
"Ang pula mo, ano ka kamatis? Tsaka, babae tayo pareho, walang malisya." wika niya.
"Halika na, male-late na tayo." talaga, masasapak ko 'tong si Kyla e. Huminga na muna akong malalim at agad naman siyang sinundan na ngayon ay pababa na.
"Good Morning po." bati ni Kuya Saud sa amin habang nakangiti. Oo, muslim si Kuya Saud pero hindi siya masama. Mas mabait pa nga siya kesa sa ibang mga kakilala ko.
"Good Morning din Kuya." nakangiting bati namin sa kaniya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa may elevator.
"Kyla, anong oras na ba?"
"7:43 palang naman, bakit? May date ka ba mamaya?" nakangising tanong niya.
"Heh, manahimik ka, kelan ba ako nagkaroon ng ka -date?"
"Sabagay, maganda ka nga takot naman lalaking lumapit sayo. Bakit kasi ang intimidating ng awra mo? Librarian ka ba? O galing guidance?" akma ko naman siyang hahampasin pero di ko na tinuloy, maraming tao baka kung ano pa sabihin.
Pumasok naman kami sa elevator at pasara na ito ng mapansin ko ang isang pamilyar na pigura. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Oh, nangyari sayo? Ba't para kang natatae?" napatingin naman ako kay Kyla. Binalikan ko ng tingin sa labas pero nakasara na ang pinto.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay niya.
"N-Nakita ko siya." wika ko habang patuloy pa rin ang paglakas ng t***k ng puso ko.
"Sinong nakita mo? Si Jamiel? Tanga, dapat sinigawan mo! Sayang yung chance para malandi ko siya!" inilingan ko naman siya.
"Hindi si Jamiel? Paasa, edi sino?" tiningnan ko naman siya ng seryoso.
"Yung lalaki --"
"May lalaki ka? Bakit di ko alam?" tiningnan ko naman siya ng masama.
"Sorry, so sino na nga?"
"Yung lalaki sa panaginip ko, nakita ko siya." nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.
"Wag ka na magsinungaling Amel, naku. Ni hindi mo nga alam kung anong mukha non diba?Tsaka, iba ang panaginip sa reyalidad okay? Baka kulang ka lang sa tulog Amel."
"Sinsabi ko sayo, nakita ko siya!" madiing wika ko.
"Paano mo naman nasabi na siya 'yon? Kita mo mukha? Naku, tama ng droga be, mamamatay ka ng maaga."
Hindi ko nalang pinansin si Kyla. Sigurado ako sa nakita ko. Hindi ko nakita ang mukha niya pero sigurado ako na siya 'yon, malakas ang kutob ko!
"Oh, para kang timang. Halika na, sigurado ako namalik-mata ka lang be. Dali na, mamaya magalit pa yung Boss natin na parating inaatake ng pagiging moody." tinanggal ko nalang muna sa isipan ko ang nakita ko.
Tama si Kyla, mas mabuting ituon ko nalang muna ang sarili ko sa trabaho.
"Amel, hinahanap ka ni Boss." bungad sa akin ni Kim. Medyo nagulat pa ako pero agad naman akong huminga ng malalim.
"Thanks." agad naman akong tumungo sa office ni Sir Paul. Bago ako pumasok ay agad ko namang sinuot ang business smile ko.
"Good morning Sir." agad naman niya akong tiningnan.
"Secretary Estorque, I've been waiting for you. We will be having a meeting next week with an important investor. I want you to contact our subsidiary company and tell them that I needed their reports before noon today."
"Noted Sir."
"And oh, please give me my schedule for today."
"You will be having a meeting with Mr. Ye Huang from Jubile Company this 9:00 AM, lunch with your fiance at 11:45 AM. You also need to meet with Mr. Paul Howard to settle the issue about their damaged products at 1:00 PM. That would be all for today's schedule Sir. Your schedule isn't full because we've already settled some of the past issues"
"Thank you as always Ms. Estorque. You may go." wika niya. Tinanguan ko lang siya at agad naamag lumabas. This will be a hellish week for sure. Agad akong dumeretso sa cubicle ko at inumpisahan na ang pagtawag sa mga subsidiary company para sa annual reports nila and this will surely give me headache, I just wish I wouldn't die early.