Chapter 2 Palengke

1637 Words
“Aray!...” daing ni Ziammel habang nakahawak ang kamay sa ulo nito “Ayoko na talagang uminom dahil hindi nakakatuwa ang epekto” palatak pa nito habang dahan dahang bumangon mula sa pagkakahiga “Sandali! Nagmamadali?! May lakad ‘di makapaghintay?” sagot n’ya sa taong halos sirain na ang pinto ng kanyang kwarto sa lakas ba naman ng katok nito. “ZIAMMEL! Buksan mo ‘to. Abay tanghali na magsibangon na kayo!” sunod sunod na sermon ng kanyang ina habang siya ay papalapit sa pinto upang pagbuksan ito dahil baka pag pinatagal pa n’ya ay mawalan pa siya ng pinto. “Hays… sabado naman ngayon, eh.” reklamo n’ya sa mahinang tinig ngunit umabot iyon sa pandinig ng kanyang ina. “ABA! Ke-sabado, lingo, lunes pa yan dapat ala sais inpunto ay gising na kayo! Hindi n’yo alam kung ano ba kayo balang araw kung donya ba kayo, labandera o ano pa man yan! Matuto kayo sa buhay. Kilos na dahil maraming naghihintay sa inyo.” sermon ng kanyang ina bago ito tumungo sa susunod na kwarto, kwarto ng kanyang kapatid. “Hindi naman sana kami iiwan ng mga kalat na yan at duming lilinisin lalaki lang naman ang nang-iiwan, eh!” mapaklang usal ni Zia habang isinusuot ang kanyang pambahay na tsinelas bago lumabas ng kwarto upang maghilamos para masimulan na ang dapat gawin para matigil na ang mala-mashinggan na bunganga ng kanilang ina. Napili n’yang linisan ay ang pangalawang palapag ng kanilang bahay pababa. Una n’yang kinuha ang pamunas ng kanilang terrace dahil paboritong spot ‘yun ng kanyang ama twing nagkakape ito kaya naman ‘yun talaga palagi ang una nilang nililinisan dahil kung hindi damay damay silang grounded. Habang naglilinis ay may kung anong bumulong kay Zia upang mapatingin siya sa lalaking naka motor at agad naman nagtama ang kanilang mga mata. Nangungusap ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kaya naman mabilis n’yang binawi at iniiwas ang kanyang tingin dahil ‘di pa rin nababawasan ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa nalamang nakabuntis ito ng ibang babae dahil sa pagiging pursigido n’yang makatapos muna ng pag aaral bago ibigay ang nais nitong kasal. *** Ziammel POV ‘Zia, Anak, mamalengke ka muna dahil masama ang pakiramdam ng ate mo.” tawag sa akin ni mama “Opo.” “Heto ang pera.” aniya sabay abot ng five hundred “Pagkasyahin mo ‘yan, huh!” “Nilauyang galunggong ang gusto ng ama mo at bukas ay paalis ulit kami kaya ayusin mo ang compute ng sukat ng mga kahoy.” “Hala! Hindi pa nga natatapos ang una mong utos may pangalawa at pangatlo na agad agad!” “Ah… gan’on… Ikaw na bata ka ako nga ‘di nagrereklamo sa mga nababalitaan kong palagi kang nasa bar.” sikmat ni mama sabay kurot ng pinong pinong malapit sa singit ko. “Ang sakit.” “Halika at sasabihin natin sa ama mo.” pananakot sa akin ni mama “Sasabihin natin,” “Naniwala ka naman agad sa mga sabi sabi Mama.. ni hindi ko nga po ala—.” “Aray!”daing ko ng muli akong kurutin nito “Tama na po ‘ma masakit po!” “Umayos ka dahil papunta ka pa lang pabalik na ako!” “Opo mama pupunta na po ako.” sagot ko sabay takbo pababa dahil baka tamaan na naman ako sa aking ina. “Bye! Alis na po ako ‘ma.” “Ingat!” Nagsuot ako ng rubber shoes dahil balak kong mag exercise na rin. Tatakbo muna ako ng ilang ikot sa oval saka didiretso sa palengke para bilhin ang sangkap ng nilauyang isdang galunggong. May nakita akong magkasintahan na nag-ja jogging “walang poreber” aniya ng isip ko “Bakit ba ang bitter ko na?!” piping usal ko sa isip “hays..” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagpatuloy sa pagtakbo. Araw araw ay routine ko na talaga ang tumakbo kapag hindi gahul ang oras ko at sinasamahan naman ako ni Mave kapag narito siya sa Pilipinas. Sandali akong huminto at napaisip kung bakit gan’on ang buhay na kailangan pang masaktan. “Wala ngang poreber, Zia.” anang ng isip ko. Nakakabaliw! Nababaliw na ako. “Hi!” masiglang bati ng lalaking nakamotor at nakauniform ito ng fatigue, base sa suot nito ay isa itong sundalo. Hindi ko namalayan ang paglapit nito dahil nahulog ako sa malalim na pagiisip kaya naman kaagad kong nilingon ang boses na mula sa likod ko na kinalaki ng mga mata ko dahil walang iba kun’di ang lalaking naka-one night stand ko. “s**t!” gulat na bulalas ko “Ow. Hindi naman ako multo, ah. Bakit parang gulat na gulat ka?” nakangisi nitong tanong “Hindi ka nga multo pero manyak ka!” mataray ko naman na sagot “Awts. Ang sakit, ah, pero pagkakaalam ko ay ikaw ang unang umakit sa akin.” tudyo pa nito “No. Hindi totoo yan lasing ako ng mga oras na ‘yun!” napapahiyang pagkaila ko “O” pang-iinis pa nito “Bakit ka namumula?” tudyo pa nito at imbis na sumagot ay mabilis akong tumalikod at tumakbo palayo ngunit sinundan pa rin ako nito. “Mahilig ka pa lang magjogging bukas sasamahan kita, baby.” anito sabay alis na kina-nganga ko. “Ano raw baby, baby niya ako? Kapal ng mukha niya pare-pareho talaga silang mga lalaki. Kainis!” piping usal ko sa isip habang naiiling na sinusundan ng tingin ang lalaki at dahil nawalan na ako ng ganang tumakbo ay napagdesisyonan ko na lang na pumunta na ng palengke. Habang mamimili at nakikipag-usap ako sa tindera ng isda ay nahagip ng mata ko si Mommy, ang ina ni Mave habang kasama nito ang panganay nila na si Ate Mira. Yes. Mommy ang tawag ko rito dahil bata pa lamang ako ay gan’on na talaga ang tawag ko rito dahil kapatid ito ng step-mother ni Papa. “Oh, Hija, kamusta ka?” naka ngiting bati nito sa akin “Ayos lang po.. mommy.” mahina kong sambit dahil parang hirap na akong sambitin ang salitang ‘Mommy’ “Mabuti naman kung gan’on, hija, maiba ko maaari ba kitang makausap sandali?” naguguluhan man ako sa pakiusap n’ya ay tumugon pa rin ako. “Sige po.” sang-ayon ko naman Iginaya n’ya ako sa gilid ng kalsada sa tapat ng gymnasium dahil walang masyadong ingay at makaka dinig sa pag uusapan namin. “Hija, nung nakaraang araw pa kita nais makausap ngunit ayaw ni Mave. Hihilingin ko sana na layuan at hiwalayan mo na siya dahil mag kaka-anak na siya.” aniya habang hawak hawak ang dalawang kamay ko. Masakit itong marinig. Masakit pala talaga ang katotohanan. Masakit ‘tong pakiusap na ito ni Mommy pero gan’on talaga kaysa naman mawalan ng kikilalaning ama ang batang walang muwang sa gulong kinasasangkutan namin. “Alam mong hindi ako tutol sa relasyon n’yo at gustong gusto pa nga kita para sa anak ko ngunit iba na ngayon, hija, sana maunawaan mo ang nais ko.” aniya na mababanaag mo ang lungkot sa kanyang mga mata “Nahihiya ako sayo lalong lalo na sa pamilya mo ngunit ito lang ang alam kong tama.” “Ayos lang po ‘mi naiintindihan ko po pero sadya po talagang masakit ‘di rin po gan’on kadali at opo nang araw mismo na malaman ko po yan ay itinatak ko na po sa isip ko na wala na ho kami ni Mave.” “Salamat, Hija, minsan dumalaw ka pa rin sa bahay, huh? Ipagluluto pa rin kita ng paborito mong Habhab. Oh, siya sige ingat ka pauwi.” “Opo, Mommy!” nakangiti kong tugon Ito ang mahirap sa hiwalayan lalo na’t malapit ang aming mga magulang sa isa’t isa. Alam ko rin na may ideya na sina Mama at Papa, ngunit hinahayaan lang siguro nila ako na ako mismo ang mag open up sa kanila. Nasa tatlong minuto akong nagtagal sa aking kinatatayuan habang nakatanaw sa bulto ng papalayong sina Mommy at Ate Mira, kumaway pa ito kaya kumaway rin ako pabalik sa mga ito. “Andito ka na naman, Ziammel.” aniya ng boses sa likod ko walang iba kun’di ang sundalo kanina na nakamotor. Ayaw kong makipag asaran ngayon dahil masakit pa ang aking nararamdaman kaya minabuti kong iwasan ‘to. Humakbang ang mga paa ko sa direksyong kanan ng siya ring pagtigil ng pamilyar na motor sa harapan ko. Kung minamalas ka nga naman, oh! Nakakasira ng araw ‘di lang araw kun’di buong lingo pa baka nga pag minalas pa ng tuluyan ay ‘di pa ako makatulog nito! Pinagsisihan kong lumabas pa ako ngayon at nagpunta pa dito sa palengke. “Zia, kausapin mo naman ako. Please. Huwag mo naman basta nalang itapon ang halos anim na taon nating relasyon.” aniya ngunit ‘di ko ito nilingon at mabilis akong sumakay sa motor nung sundalo. “No choice.” mahinang sambit ko ngunit nakangiti pa rin ang lalaki “Alright.” Aniya at sinimulan ng patakbuhin ang kayang motorsiklo. “Yumakap ka sa akin.” walang pag-aalinlangan ko itong sinunod Dinala n’ya ako sa oval wala na roon masyadong tao. Bumaba ako at umupo muna ako sa gilid habang ang lalaki ay may kinukuha sa bandolier nito at nakangiti itong lumapit habang ini-abot sa akin ang bottled water. “Baliw ka ba?” mataray kong tanong “Hahaha! Hindi pa naman mababaliw pa lang. Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Ikaw na nga itong tinulungan Ikaw pa galit baka mamaya n’ya’n maging kamukha ko ang anak natin.” masaya nitong turan na kinatameme ko. “Baliw ka na nga!” asar kong sagot
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD