Inis na inis si Zia sa binatang kaharap kaya naman lumakad na siya patungo sa kanilang bahay.
“Oops! Sandali dahil ihahatid na kita, baby.” habol nito sa dalaga
“Pwede bang tantanan mo ako?! Hindi kita kilala at huwag mo kong matawag tawag na baby dahil… ah! Basta tantanan mo ko!” bulyaw nito ngunit ang tanging reaksyon lamang ng binata ay isang matamis na ngiti na tila ba tuwang tuwang nakikitang nagagalit ang dalaga sa kanya.
“The more you hate.. the more you love, future wife…” mahinang sambit nito ngunit umabot iyon sa pandinig ng dalaga.
“Huh? Lab-labin mo mukha mo! Baliw!” aniya at tuluyan na ngang tumalikod.
Masayang tinatanaw ni Perry si Zia habang papalayo ng naglalakad dahil alam na alam n’yang inis na inis ito sa paraan ng paghakbang nito’y isang dabog.
“Kainis! Ang swerte ko talaga ngayon araw na ‘to!” inis na inis na sambit ni Zia ngunit napapaisip siya dahil hindi pa siya dinadatnan ng buwanang dalaw halos mag-iisang lingo na.
“Hindi kaya? Nako po, Lord! Huwag naman sana gusto ko po munang makapag tapos ng pag-aaral at saka lagot talaga ako nito kay Mama at Papa.” piping usal n’ya sa isip habang nanalangin. Makalipas ang sampung minuto ay narating na rin n’ya ang kanilang bahay na labis niyang kinatuwa dahil hindi na siya kinulit at sinundan ng lalaking sundalo.
“Ano kayang pangalan n’on?” anang ng kabilang isip n’ya
“Erase erase. Tama na muna, tama na munang naibigay ko lang naman sa kanya ang aking virginity at hindi na dapat pang maulit ‘yon.” saway ni Zia sa sarili
“Huy! Daydream pa more.” tinig ng nakakatanda nyang kapatid
“Ba’t ba ang tagal mong bata ka?” boses mula sa likod ng kanyang ate
“Tumakbo po muna ako ng tatlong ikot sa obal ‘ma.” nakangiwi n’yang sagot dahil hindi man lang nga siya umabot ng kalahati mabuti na lamang ay ‘di na nag-usisa pa kanyang ina na labis n’yang ikinatuwa dahil baka mabuking pa siya lalo’t ‘di naman siya magaling magtago.
“Oh siya sige magbihis kana at ako na ang magluluto gawin mo na ‘yong computation ng kahoy dahil paalis na ang truck natin mamaya.”
“Opo ‘ma.” malumbay n’yang tugon sa ina dahil hindi pa man siya tapos sa mga utos nito may kasunod kaagad idagdag pa ang mga pangyayari kanina sa palengke at higit sa lahat ay ang isipin na hindi pa siya nagkaka-regla. Oh, ‘di ba pinagpalang nilalang sa balat ng lupa.
“Hays.” aniya at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan n’ya bago tuluyang hinubad ang kanyang sport bra.
****
Habang sa kabilang banda ay;
PERRY POV’s
Tinawagan ako ng aking pinsang Mayor rito sa lugar namin para maging substitute instructor sa mga security n’yang newly hired kung papasa ba sa akin ang bilis nila at ang paraan ng tamang pag hawak ng baril na kaagad ko naman itong pinaunlakan.
At habang naghihintay ako ay natanaw ko si Ziammel na papunta sa gawi ko at nakasuot ito ng sports wear.
“She love running, huh!” piping usal ko sa isip habang nakangiting pinagmamasdan ito
Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko na ito dahil baka hindi ako makatulog mamaya kung palilipasin ko ang pagkakataong ganito.
Iritang irita man siya sa aking presensya ngunit para naman akong nanalo sa lotto dahil alam kong akin na siya kahit ako lang ang nakakaalam ay siguradong sigurado ako sa bagay ‘yon dahil ibinigay n’ya lang naman sa akin ang kanyang sarili. Lamang na ako kay Alcantara ng sampung puntos at sana galingan sa pagsisid ng aking mga semilya para makabuo na kami.
“Baka matunaw. Walang kamatayan, ah! Hanggang tanaw pa rin hanggang ngayon?” buksa ng aking pinsan ngunit isang matamis na ngiti ang aking isinagot habang umi-iling.
“No.” maikling sagot ko habang nakapagkit ang aking ngiti sa labi
“Iba na ‘yan.” Aniya na habang nai-iling
“Just wait and relax Dude, ikaw ang magkakasal sa amin one of this day.”
“O..wow! Tanaw tanaw lang tapos kasal agad? So mean you’re planning a shotgun wedding? Don’t you?” manghang sambit nito
“No and yes.” maikling sagot ko na kinailing nito bilang sagot sabay ring ng telepono nito kaya naman mabilis nitong sinagot iyon.
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para pakinggan ang pag-uusap ng kausap nito gayong ‘di naman ako usisaero ngunit iba ito.
“Oh sige, Chief ipa-hold mo ang truck at ipatawag mo ang may-ari dahil papunta na ako.” Aniya nito sa kabilang linya
“Tara, dude sumama ka muna sa headquarters dahil papunta ron ang future in laws mo.” Aniya na kina-ngiti ko.
“Sure.” nakangiting sambit ko
“Let’s go!”
Matagal ko ng kilala si Zia, matanda ako rito ng halos anim na taon ganun rin si Alcantara.
Sadyang nahuli lang ako ng dating dahil girlfriend na ito ni Alcantara ng makalabas ako sa Academy, ngunit ngayon ay nakiki-ayon ang panahon sa akin.
Batikan na mangangahoy ang mga magulang ni Ziammel, mula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang pinagkakakitaan ng magiging in-laws ko. Yes, I claim it.
“Ano pa ba ang hahanapin nila sa akin?” anang ng kanilang isip ko
“I-hold mo, ipa-raid mo na rin lahat ng mga bansuhan nila.” gatong ko dahil sa aking pansariling interes.
“Legal silang mangangahoy.” aniyang nailing
“May info lang na may narra raw na nakaipit o singit kaya nais lang namin malaman kung totoo ba o hindi. If yes, pabor sayo at kapag hindi naman wala akong magagawa, Dude kung hindi ang hayaan sila.
“But let me help you.”
“Hina mo parang hindi ka lalaki at isang matikas sundalo.” naiiling nitong sambit kahit na ba alam naman nito ang aking dahilan
Mabilis lang namin narating ang headquarters rito sa bayan ng Lucena.
Nakita kong may dumating na Pajero, alam kong sasakyan ito ng mga magulang ni Ziammel, unang bumaba si Mrs. Siatriz at matiyaga nitong hinintay ang asawa upang sabay na tumungo sa loob.
“Ma, ito po ang computation ng coco lumber.” malakas na tinig ng babaeng dahilan kung bakit masaya ako nitong mga nakaraang araw ay mali isang buwan na palang mahigit.
“Dito ka muna, anak.” malumanay at malambing na sambit ng Ama nito.
“Opo, papa. Matagal ho ba iyan?” magalang na sagot nito
“Hindi ko alam anak.” aniya na kinatango ng huli
“Okay ho.”
Pinili kong huwag na lang bumaba ng sasakyan para pagmasdan ang babaeng ang lakas ng dating sa akin. Maya maya lang ay nakita kong bumubungad na ang aking pinsan habang kausap nito ang mag-asawa na nakangiti habang nakikipag kamay.
“Pasensya na po sa abala Mister and Misis Siatriz dahil sa maling impormasyon na nakarating sa amin.” paumanhin nito kaya naman bahagya akong nakaramdam ng kalungkutan.
“Hayaan n’yo ho sana akong bumawi Mister and Misis Siatriz, nais ko po kayong imbitahan ng mag tanghalian kasama ang iyong pamilya.”
“Ayos lang po, Mayor. Oh, sige po tamang tama kasama ko po yung isa kong anak at medyo late na rin po para sa tanghalian” nakangiting tugon ng ginang
May sinabi pa itong pangalan ng resto ngunit hindi ko na narinig dahil dumaan na ang truck ng mga ito.
“May utang ka sa akin.” mapang-asar na bungad sa akin ni Mayor
“Sapat ng maging Ninong ka ng magiging anak namin ni Ziammel,” nakangiti kong tugon
“O wow! Malala ka na talaga. Tara na nga gutom lang ‘yan.”
“Sumakay kana para makaalis na tayo.”
“Grabe nagmamadali.”
“Syempre bawat minuto maaaring magbago ang isip nila na makasabay tayong kumain ng tanghalian kung pabagal-bagal tayo ‘di ba?”
Tumungo kami sa isang sikat na restaurant dito sa Lucena, nakasunod lamang kami sa pamilya Siatriz kaya walang kaalam alam si Ziammel na narito ako at makakasabay pang mag tanghalian.
Tumungo muna ako sa banyo upang sipatin ang sarili ng makitang kong ka-aya aya naman ay saka ako lumabas tungo sa lamesa kung saan naroroon ang aking mga kasama.
“There you are, saan ka ba nagpupunta, Dude?”
“Banyo lang.” sagot ko dahil parang ang O.A ng pinsan kong ito ngayon ngunit ang aking tingin ay nasa babaeng masama na naman ang timpla ng mukha.
“The more you hate. The more you love.” bulong ko
“Ano? Pinagsasabi mo?” mahinang tanong ng pinsan ko ngunit ‘di ko na ito pinansin pa at mabilis akong lumapit sa future in laws ko.
“Ito po ang kaisa isa kong pinsan si 2nd LT. Perry Storm.” pagpapakilala nito sa akin
“Nice meeting you, Sir.” magkasabay na bati ng mag-asawa
“Perry na lang po.” aniya ko sabay lahad ng aking kamay
Sa pagkakataong iyon ay nahawakan kong muli ang kamay ng aking minamahal bahagya ko pa iyong pinisil.