CHAPTER SEVEN Ciara's pov Walang gana akong umakyat patungo sa kwarto ko. Agad kong ibinagsak papahiga sa kama ang katawan ko at hindi dinaing ang sakit ng mga sugat at pasa ko sa katawan. 'May mas sasakit pa ba sa mga katotohanan na nalaman at nakita ko ngayong araw?' Muli kong naalala ang mukha ni Tyron, kung gaano siya kasaya na kasama at kausap ang babaeng mahal niya. Kailan ko nga ba mararanasang makita ang tunay niyang mga ngiti nang ako naman ang dahilan? 'Siguro ay kapag namatay na ako.' Marahan akong natawa dahil sa naisip kong dahilan, marahil 'yun naman talaga ang katotohanan. 'Matutuwa lang naman siya kapag nakita niya na akong nakahimlay at wala ng malay, hindi ba?' Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at pumunta sa harapan ng aparador ko. Kinuha ko naman ang fir

