CHAPTER SIX Someone's pov Kumurba ang ngisi sa labi ko nang makita ang pagpasok ng alagad ko na si Kupido mula sa pinto ng teritoryo ko. "Kumusta naman ang pagbabantay kay Ciara at Tyron, Kupido?" Tanong ko rito nang makalapit siya sa kinaroroonan ko. "Ayos naman, mukhang nagpapatayan na sila." Natatawang sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Agad ko namang nabatukan ito. "Aray ko naman, para saan 'yon!" Kunot noong pagrereklamo nito. "Hindi ba't sinabi kong bantayan mo si Ciara ng mabuti? Hindi ko sinabing paanoorin moang kung paano siya pahirapan ng lalaking 'yon! Huwag na huwag mong hahayaang mamatay 'yon, sinasabi ko talaga sa'yo, Kupido. Kapag nalaman-laman ko lang talaga na nag-aagaw buhay ang isang 'yon, mas mauuna ka pang maiililibing sa kanya." Naiiritang singhal ko. 'Nakaka

