Chapter 5

2399 Words
CHAPTER FIVE Tyron's pov "Hon, umuwi ka na rin sa inyo, ha. Cia's definitely waiting for you to come home," she said. I was about to open my mouth to disobey her when she spoke again. "Huwag ka nang makipagtalo, alam ko na 'yang sasabihin at hindi uubra sa'kin 'yang mga irarason mo. You've just told me that she already knows about us, kaya naman hindi pwedeng magsama tayo ng matagal. We should limit ourselves, Tyron. May natatapakan tayong tao. Kaya umuwi ka, she's probably waiting." Hannah smiled at me and finally, we reached her house. I turned off the engine first and turned to her to face her. "Don't you really want me to stay here first, kahit ngayong gabi lang?" I gave her a soft gaze, hoping that she'll let me stay here tonight, because I really don't want to go home yet. Ayokong makita ang taong 'yun. I'm too sick always seeing her as if she's so innocent even though she knows to herself what she did to me and Hannah. I hate her. I heard Hannah sighed. "Of course, gusto ko. I really wanted you to stay here. If only you could just not leave and stay here beside me forever, I wouldn't let you go home even again. Pero kasi hindi talaga pwede, kahit pa pareho nating gusto, kung hindi pwede, hindi talaga. You know Cia is waiting for you, don't you? Besides she's all alone there, you can't just stay here with me and leave her alone. She's your priority, she's your wife," she said, making me sighed deeply. "Yeah, all right. I'm sorry." I apologized as I averted my gaze on her. Honestly, it's making my heart ache whenever she pushes me to Ciara, she's the one who I wanted to be with but she kept on pushing me away. I know Ciara's my wife but she's way more important to me than her or to anybody else. She's the reason why I kept on fighting for my life and pushing Ciara away, because I wanted to get Hannah back. I wanted our old relationship to be back, I wanted to spend my life again with her. But whenever conscience prevails on her because of Ciara, I feel like fighting for our relationship isn't worth it anymore. It's like, she just wanted to give up on us and I'll just stay tied to Ciara. It's hurting me. "You shouldn't apologize to me. Tell that to Cia, dahil siya 'yung nasasaktan mo." Here she is again, minding the condition of that woman who's at fault why we end up like this. Not knowing that it is also hard for me to do this. She didn't know that I was doing this for us, well yeah it's also hard for me to hurt Ciara but it's the only way I can do to give her a reason to leave me on her own. I just wanted Ciara to give up on me and free me from her, so that I can spend my life with Hannah again. "Are you mad?" I asked, but she just sighed. "I don't know. I can't answer that. It just making me feel so upset because you know how I hate it when someone is being hurt. I don't know what to feel because it's Ciara, she's the one who broke us, but it hurts me knowing that it's you who's hurting someone, you're hurting your wife, Tyron. I really hate it.." I can sense the agony on her eyes. "J-just go home for today.." I sighed. "Fine, I'll go home tonight. But please.. Can you stop naming her as my wife? Didn't I promise you that I'll marry you when I fix this mess? I promise you that we're going to start our life again together, without anyone who can break us apart. You knew how badly I wanted to be with you, right? You knew that you're the only woman whom I wanted to be called as my wife, Hannah. No one else, just you. So stop making it look as if you're the antagonist here and don't be upset with everything. I promise you, we can get out of this." I said softly, I really don't know what to do anymore if I lost this woman again. My life was already f****d up when we got separated because of Ciara and now that I finally got to be with her again, I won't let anything break us apart again. She's the only girl who I wanted to spend my whole life with. "Do you think we can still fix this?" She gave me a worried look that's why I moved closer to her and held her cheek as I gave her an assurance look. "I promise you, we can fix this and we will run from this together, hmm?" I leaned towards her and planted a soft kiss on her forehead. I smiled at her when I saw how tears filled her eyes, that's why I gently gave it a kiss too when she closed her eyes. "I love you.." I whisper as she opens her eyes again. "I love you too.." she responded. I softly smiled at her. Yeah, she loves me too. I'll still fight for this. I'll fight for us. I'll fight for you, Hannah. "I'll go now." "Yeah, sure. Be careful." She immediately got out of my car and waved goodbye before she shut the door of my car. And as before I finally left I gave her my sweetest smile as I said goodnight. KINABUKASAN Ciara's pov "Mam, mag-iingat po kayo, aalagaan niyo po ang sarili ninyo." Paalala ng nurse, habang hinahatid ako palabas ng hospital, pwede na daw kasi akong umuwi. "Oo naman." Nakangiting tugon ko dito. "Ayan na po pala ang taxi, Mam." Pagturo nito sa sasakyan at agad niyanv pinara para makasakay ako. "Ingat po ulit!" Paalam nito at kumaway. Nginitian ko naman siya bago umandar ang sasakyan. Nagpakawala muna ako ng isang mabigat na paghinga nang maalala ko na uuwi na naman ako sa bahay. Calm down, Cia. Always remember your doctor's order so you could survive from your cancer. Don't be so stubborn, it was just a simple order, it's not that hard to obey. I couldn't help but to tear up when I remembered that this couldn't be treated anymore. That there is no cure for a heart disease. I just feel so drained and tired at everything. I just wanted to live with him but why is it so hard to happen? "Nakauwi na kaya siya?" Mula sa kawalan ay hindi ko maiwasang mag-alala at paulit-ulit na tanungin ang sarili ko kung nakauwi na ba siya o kung may balak pa ba siyang uwian ako. He'll still come back to me, right? Even if I'm not his really home. I smiled bitterly, hindi naman siya magmamahal ng iba kung natutugunan ko 'yung pagmamahal na nararapat kong ibigay sa kanya. Siguro ay nagkulang din ako kaya kami humantong sa ganito, kaya mas lumala ang sitwasyon naming dalawa. Parang mas lalo kaming pinaglalayo ng tadhana. Siguro ay hindi naman talaga kami ang para sa isa't-isa. O sadyang karma ko lang ito dahil pinagsapilitan ko ang sarili ko sa kanya noon kahit pa alam kong balak niya ng mag-propose sa babaeng pinakamamahal niya? Sa totoo lang ay wala naman talaga akong karapatang magreklamo dahil ginusto ko ito, I became so impulsive. Nag-desisyon ako nang hindi ko iniisip 'yung mararamdaman niya at magiging sitwasyon niya. Deserve ko namang masaktan, hindi ba? Na sa akin ang desisyon noon, kayang-kaya kong tumanggi sa kasal dahil balak naman talagang tulungan ng parents ko ang company nila Tyron noon, pero sa sobrang pagkahumaling at pagkagusto ko sa kanya, ako pa ang pumilit sa parents ko na ituloy ang kasal kahit pa noong mga oras na iyun ay matatali na rin si Tyron sa taong pinakamamahal niya, sadyang naunahan ko lang dahil naging makasarili ako at kasiyahan ko lang ang iniisip ko. Pero hindi ko makita ang dahilan kung bakit kailangan niya akong saktan ng ganito. Nakakapagod nang magpanggap na ayos lang ang lahat kahit ang totoo ay durog na durog na ako. "Saan po tayo, Miss?" Tanong ni Manong Driver. Naka-mask siya na itim at mata lang ang nakikita. "Sa Hilvano's Village ho, Kuya." Tugon ko. Tumango naman ito. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang mailang, paano ba naman kasi ay kanina pang pasimpleng sumusulyap sa gawi ko si Manong. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito. "Manong, bakit po pala kayo may mask?" Tanong ko sa kanya, nanghihinala. Sana lang ay hindi ito kidnap. Jusko po. Huwag ngayon, gusto ko pang makita ang asawa ko. "May ubo po kasi ako, Mam. Kaya gumamit po ako nito, baka ho kasi mahawa ang mga pasahero ko. Pasensya na po." Pagpapaliwanag nito, napatango naman ako at nakahinga ng maluwag dahil mali ang iniisip ko na kikidnapin ako nito. Ilang minuto pa ang lumipas ng pag b-biyahe ay nakarating na ako sa paroroonan ko. "Salamat ho, Manong. Ito po ang bayad ko." Inabot ko na ang bayad sa kanya. Pero ang weird talaga dahil tinignan niya muna ako sa mata bago tuluyang tanggapin ang bayad ko. Ang creepy naman nito. Kanina pa siya. Buong biyahe na lang akong sinusulyapan sa salamin ng taxi niya. Wala namang dumi sa mukha ko. Sinimulan ko ng maglakad patungo sa bahay at isinawalang bahala na lang ang isiping iyon. Sa hindi kalayuan ay agad ko namang natanaw na may nakatayong lalaki sa harap ng bahay namin. Mukhang may hinihintay kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko para malaman kung sino ang lalaking 'yon. Nang makalapit ako, ay agad na sumilay ang ngiti sa aking labi nang makilala ko ito. Si Tyron pala, ibig sabihin nakauwi na nga siya. Hinintay niya pa talaga ako. "Tyron!" Masayang tawag ko rito at aktong yayakapin na sana siya, ngunit nagulat ako nang nauna na nitong nailapat ang mabigat niyang palad sa mukha ko. Saglit na napaawang ang labi ko at napapikit nang maramdaman ko ang sakit. Hindi pa ako nakakaharap sa kanya nang hilain niya na ang buhok ko papasok sa loob ng bahay. "T-tyron, masakit! Bitawan mo ako!" Daing ko habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa buhok ko. "Masakit? Ha! Kulang pa 'yan! Malandi ka talaga, hindi ka marunong makuntento sa iisang lugar! Sinong nagsabi sa'yong umalis ka, ha?! Hindi ba't pinagsabihan na kita, pero hindi ka nakinig! Matigas talaga ang ulo mo, hindi ka na nadala." Asik nito habang kinakaladkad ako. "Tyron, aray! Masakit! Bitawan mo ako! M-magpapaliwanag naman ako eh." Naiiyak nang sambit ko, habang pilit na inaabot ang kamay niya mapigilan lang ang sakit na nararamdaman ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. "Bakit hindi ka umuwi kagabi? Tell me, saan ka nanggaling?!" Bulyaw nito at tiim bagang akong itinulak papaupo sa sahig. Bahagya akong napaatras nang salubungin ko ang nanlilisik nitong mga mata. Halos manginig na naman ako sa takot dahil nagsisimula naaman siyang saktan ako. "Ano? Saan?!" Malakas na sigaw nitong muli sa akin, dahilan para mapapikit ako sa gulat. "S-sa ho-" hindi pa ako natatapos magsalita, ngunit laking gulat ko nang sunggaban na ako nito ng sakal sa leeg. "Siguro, galing ka sa lalaki mo, ano? Kaya ba hindi ka umuwi kagabi dahil doon ka nagpalipas at nakipag-landian buong mag-damag, ha? Ano? Hindi ba tama ako? Bakit? Masarap ba ang lalaki mo?" Tila pumantig ang tainga ko at wala sa wisyong nagbago ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang sinabi nito. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at agad itong tinadyakan para makaalis sa pagkakasal niya. "Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nasasabing may lalaki ako!" Singhal ko at agad na inilapat ang palad ko sa pagmumukha niya. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at ramdam ko ang pagbagsak ng takbo ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong magsibagsakan dahil sa katotohanang ganoon ang tingin niya sa akin. He didn't even bother to hear my side. Naramdaman ko ang panginginig ng parehong kamay at tuhod ko, pero mas nakaramdam ako nang panghihina nang makita ko kung paano siyang nagulat sa panlalaban na ginawa ko. Mabilis na nagbago ang reaksyon ko nang makitang hawak-hawak nito ang panga niya. Ngayon ko lang napagtanto na napalakas pala ang pagkaka-sampal ko sa kanya. Para naman akong nanlumo dahil sa pag-aalala na baka nasaktan ko siya. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya at lumuhod sa harap niya. "S-sorry.. Masakit ba? S-sorry talaga, hindi ko sinasadya, nadala lang--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang tignan ako nito ng napakasama at pwersahang hinila ang damit ko ng mahigpit papalapit sa kanya. "Marunong ka na pa lang manlaban?" Nakangising saad nito dahilan para dumaloy ang takot sa buong katawan ko. Tinitigan ko ito sa mata at wala akong ibang makitang emosyon, kundi ay puro poot at galit, kaya naman napalunok ako nang dahil sa pangangamba. Napadaing na lang ako sa sakit nang maramdaman kong itinulak ako nito papalayo sa kanya, dahilan para masalampak akong muli sa sahig at tumama ang ulo ko sa pader. "Bakit ba napakatigas ng ulo mong babae ka?" Tanong nito, ngunit hindi ko siya nasagot dahil tila namanhid ang buong katawan ko nang pakiramdam ko ay may nabaling buto ko sa likuran. "Ah!" Hindi pa ako nakakagalaw dahil sa sakit ng katawan ko nang muli na naman nitong hinila ang damit ko para kaladkarin ako. Sinubukan kong mag-pumiglas, pero sadyang wala na akong lakas at hinang-hina na ako. Naramdaman ko na lang na itinulak na ako nito sa isang masikip, madilim at mabahong kulungan. "Diyan. Diyan ka nararapat, dahil mukha kang basura!" Singhal nito at agad na kinandado ang pinto ng kwarto kung saan niya ako parati kinukulong. "T-tyron, palabasin mo ako dito! Ayoko dito, palabasin mo ako, parang awa mo na!" Nangingilid ang mga luha kong pagmamakaawa, pero hindi niya ako pinansin at tuluyan ng umalis. Napa-upo na lang ako at humagulgol. Bakit niya ba ginagawa ito? Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong paghihirap. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at mapait na ngumiti nang maramdaman kong kumikirot na naman ang puso ko. Ito na naman siya. Naramdaman ko na lang ang paninilim ng paningin ko, dahilan para bumagsak na ako ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD