Ciara's pov "Darling, hurry up! Andiyan na sila, ikaw nalang ang hinihintay," sabi ni Mommy, habang kumakatok sa pinto. Kinuha ko naman 'yung suklay at sinuklay ang buhok kong ilang linggo ng walang suklay-suklay. "Coming, Mommy!" Sigaw ko. Pagkatapos kong magsuklay ay binuksan ko na 'yung pinto. "Okay kana niyan?" Tanong ni Mommy, tinignan ko naman ang sarili ko at ngumiti ng pagkalaki laki. "Okay na po ito. 8 am na po, eh!" Sagot ko at tumakbo pababa. "Espren, jusko ka! Halos kalahating oras kaming naghintay dito!" Reklamo ni espren, sa totoo lang, isang oras talaga ako nag-ayos hahaha. "Sige na, lumakad na kayo. Tyron, ha, ang mga kasama mo. Bantayan mong maigi. Dapat ay saktong alas dos ng hapon, makauwi na kayo." Pagpapaalala ni Mommy. "Yes tita, alis na po kami!" Paalam niya

