Tyron's Pov "BEEEEEEP!!— BOOGSH!!" "Hoy!" Nabigla ako nang batukan ako ng babaeng na sa tabi ko. "Aray! ano ba, masakit ah!" Reklamo ko. "Ano? Na-imagine mo na ang mangyayari sa'yo, oras na hindi ka pa nag pahatid sa akin?" Tanong nito. "Tara na kase!" Pamimilit nito, at agad akong hinila sa braso, napakamot na lang ako sa batok. 'Oo, imagination ko lang 'yun hehe.' Nang makarating na kami sa parking lot ay naalala ko 'yung kotse ko. "Teka, teka! Paano 'yung kotse ko?" Tanong ko. "Ako nalang ang maghahatid sa bahay niyo niyan. Tara na, sakay dali!" Sumakay naman na ako sa loob. "Teka nga! Umamin ka nga sa'kin, ha! May gusto ka ba sa'kin?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya. "Huh? 'Yan talaga ang naisip mo?" Nakangiwi niyang tanong. "Grabe ka kasi kung kumilos, bakit ba madali

