ADAM POV
"Mom, why this early. I just graduated."agad kong kinausap ang aking ina nang may pagkakataon. Her announcement a while ago is really a surprise for him!
"Not early Adam. This is the right time! I'm not getting any younger. As the next CEO, you must be trained this early. Ikaw ang tagapag mana nang lahat ng ito. Only you." Baliwalang sagot nito.
"Being the only son and only child.” hindi ko maiwasang bulong sa aking sarili. Lahat ng responsibilidad nasa kanya.
"Adam I hope you know what is your responsibility carrying Santillan in your name."ang tingin sa akin ng aking ina make me shiver.
My chest tightens,apelyidong parang isang hawla na hindi ako makakawala kundi sundin ang guideline bilang isang taga pagmana.
Mula pagkabata wala na akong kapayapaan ng kalooban. Lahat ng galaw de numero. Habang nag iisip at nasa isang madilim na bahagi ng hardin. Narinig ko ang usapan ng dalawang babae.
Napasimangot ako sa pangalang Kulas!
I saw her coming my way, she doesn't wear anymore black big eyeglasses a while ago,kahit ang malambot at maganda nitong buhok ay malayang nililipad ng hangin.
She's murmuring things while trying to light the cigarette. Bago pa niya ito maubos at masira ang baga nito I decided to come out where I was hiding. Kahit nag e enjoy pa akong pagmasdan ang maamo at maganda nitong mukha.
And now she's in a hurry to go inside the house. The girl who might exchange anything just to get some sleep. Sa kabila ng anunsiyo ng ina na nakapag pabagabag sa kanya. May isang tao na pilit na sumasali sa kanyang isipin. And that’s her, Ivanna their new housemaid!
"Salamat mga 'pre!"sabi ko sa mga kaibigan ko na isa isa nang nagpaalam upang umuwi na.
"Adam, good luck. I will visit you in your office sometime!" paalam ni Terence isa ito sa maaga din na train to run the office.
Matapos umalis ang mga ito,balak ko sanang umakyat sa aking silid nang marinig ang boses ng aking ina. She's talking to someone on the phone.
"What happens to the talk Reagan?" Tanong nito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama.
"What? She ran away?"bulalas ng kanyang ina.
"Ok, let's cancel the engagement. Until they find her. Besides, let's introduce the changes to Adam's life one at a time." Pagsuko nang kanyang ina.
Hindi ko na tinapos ang usapan ng dalawa. I know this is the next bomb they will throw at me! Ang ipagkasundo siya sa anak ng business associates nito.
Sa halip na umakyat sa kwarto I decided to go out. Hindi ko alam kung san ako tutungo, I just found myself sa isang mahirap na compound.
Huminto ang aking kotse sa isang basketball court. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding inggit sa lahat ng tao na nandito. Mahirap sila pero makikita mo sa kanilang mga mukha ang pagiging kuntento nila.
Bumaba siya sa sasakyan at tumayo sa gilid. Mataman lang na nanonood sa mga naglalaro.
"Shoot! Shoot!"sinundan niya ang tinig nito. Si Ivanna sa mukha pa lang at kutis nito she deserves to become a cheerleader at muse ng isang team ng basketball. Hindi pang barangay lang but for the national league.
Para naman ginanahan ang lalaki na may hawak nang bola. Pinakawalan nito ang bola para sa three-point shot. At nabuslo niya ito. Nagtatalon ito sa tuwa.
"Yes! Yes!"tuwang tuwa nitong sigaw.
Ang lalaki naman ay nag flying kiss pa sa babae. Pero isang naka kamao na kamay ang itinaas nito. At iningusan ang lalaki. Bahagya siyang natawa.
Nakita niya na naglakad ito sa malapit sa kanya.Tinapik nito ang lalaki na naka upo.
"Asan na panalo ko?"tanong nito at inilahad ang palad.
"O ito ang pusta mo. Kaya ginagalingan eh, ayaw mapahiya sa iyo."anang lalaki at napapalatak pa.
"Dapat lang galingan niya kung hindi putulin ko braso niya at iihaw ko para me ulam ako!" sagot nito at malaki ang ngisi ng iabot ang marahil dalawang daang peso.
"Sagutin mo na kasi ako nang may magpapakain na sa iyo!" biglang singit ng lalaki na naka three-point shot sa likod nito.
"Salamat na lang. Kaya ko pa pakainin sarili ko!" sagot nito at tumalikod na.
Napadaan ito sa harap ko,pero hindi nito ako pansin.I can smell her natural scent. And she's so pretty kahit napaka simple ng damit nito. Wearing a worn-out shirt at ripped jeans. Ang natural na itim na buhok ay naka ponytail.
Nilingon ko ito at nakita ko nagtungo ito sa isang karenderya. Agad na nagbuklat nang mga kaldero at nagsimula na mag turo.
I don't know what came into me,pero lumapit ako sa kanya.
"Aleng Betchay, ginataang laing please!"sabi nito.
"At saka ito!"turo nito sa pritong isda.
"O sige saglit lang,maupo ka muna diyan!"sagot nito habang may inaasikaso pang kustomer.
"Dito ka ba kakain?"sagot nito nag makalapit.
"Pakibalot sa bahay ako kakain!"sagot nito.
"You live in this neighborhood?" halos mapatalon ito ng makita ako.
"Sir Adam?!" kumurap kurap pa ito nang ilang saglit.
"Anong ginagawa nyo dito?" maya maya tanong nito nang mapagtanto na hindi siya nanaginip.
"Napadaan lang".sagot ko. Habang pinapanood kung paano ihanda ang pagkain na binili nito.
"So, san ka nakatira?" tanong ko pa.
Parang wala sa sarili na inginuso nito ang isang looban.
"Ivan,ito na ang order mo!"sabay abot ng ulam na naka plastic.
"Salamat po!" sagot nito.
"Mauna na ako, Sir!" paalam nito at agad nag about-face. Pero agad kung hinawakan ang braso niya.
"Oops! Not so fast!" pigil ko sa pag alis niya.
"I want to see your place." bigla akong nagkaron nang pag nanais na makita kung anong buhay meron ang mga mahihirap.
"Naku, wag na, Sir. Baka magka galis kayo sa lugar namin!" eksaheradong nitong pagtanggi. At pasimple na kumakawala sa hawak niya.
"Bakit wala akong makita na galis sa iyo?" tanong ko at mas pinagmasdan ang braso na hawak ko.
"Sir..."
"Sige wag mo akong isama or ipakita ko kay Miss Grace ang pagtatamban mo sa oras ng trabaho. At isa pa amo mo ako, you can't say no!" tiningnan ko siya na tipong I will not accept no for an answer.