Ivanna
"You’re staying here? Sino kasama mo dito?" Agad nitong tanong nang pumasok kami sa tinutuluyan kong bahay.
Isang luma na kwarto sa bahaging iyon ng squatter area.
"Tiya ko lang Sir!"sabi ko at ipinatong ang pagkain sa plastic na lamesa.
"Ang init naman dito!" Reklamo agad nito pagpasok.
"Magtiis ka ginusto mo yan!" gusto ko sanang sabihin pero syempre hindi ko pwede sabihin baka bukas hindi na niya ako paapakin sa mansion nila.
"Wait lang Sir,kunin ko lang electric fan." Pumasok ako sa kwarto na may tabing lang na kurtina.
At itinapat dito ang nag iisang electric fan sa buong bahay.
"Pasensya na Sir,pero maiwan ko muna kayo diyan at ako ay gutom na gutom na." Sabi ko at tumuloy sa kusina at inilagay sa plato ang binili kong pagkain.
"Masyado nang late para sa lunch mo." Komento nito na nakapanood sa ginagawa ko.
"Me extra job kasi akong ginawa kaya ngayon lang ako nagtanghalian Sir.” Sagot niya na hindi tumitingin dito. Inabala niya ang sarili sa pag prepara ng kanyang pananghalian.
"Alin yong pumusta sa basketball para may pambili ng pagkain?" Sabi nito at tumayo sa upuang plastic at umupo sa harapan ko.
"Sakto Sir!"nakangisi kong sabi dito. Napasimangot ang gwapo nitong mukha sa naging sagot niya.
"Wala ka bang magulang?" Napahinto siya sa pagsubo sa tanong nito.
"Meron. Pero nasa malayo siya."Sagot niya na iniiwas ang mga mata dito.
"Hindi ka ba nag aral o wala ka bang balak mag aral?" Kailan kaya mauubos ang tanong nito.
"Nag aral ako Sir, nang high school. Saka kaya nga ako lumuwas ng manila para makapag ipon at makapag patuloy ng pag aaaral ni!" Pilit kong iniignora ang presenya nito sa harapan ko.
"Hindi mo man lang ako aalukin?" Another question mark. Tsk! Sa pagkakataon na iyon sinalubong niya ang tingin nito.
"Kumakain ka ba nito?" Okay, sige padamihan na lang sila ng tanong.
Umiling ito. At nag senyas na ipagpatuloy ko ang pag kain ko.
"How old are you, Ivanna?" Tandang pananong na naman?
"Twenty-four.” matipid kung sabi habang walang pakialam kung nabilang na ba nito ang subo at nguya ko.
"What?! Were almost of the same age. Di ba dapat naka tapos ka na ng college?" Gulat nitong bulalas. Hindi maitago ang disbelief nito sa sinabi niyang edad.
"Dapat kung may pera ako!"Sagot niya na sinamahan ng kibit balikat. Gusto niya sanang palungkutin ang tinig pero hindi niya magawa. Masyado siyang nasasarapan sa kanyang pagkain kaya maligaya siya.
"Tsk! There's no such thing as perfect! Physically wala akong masabi sa iyo. But you are so poor, ang lunch mo nakadepende sa pusta mo sa basketball! Hindi ka din nakapag aral."sabi nito na kasama ng pagpalatak ang pag iling ng ulo.
"Parang kayo Sir, not perfect. Gwapo sana at mayaman. Pero matapobre!" Hindi niya napigilan na sabi at inirapan ito.
"Im just stating the fact!"pagtatanggol nito sa sarili.
"Miss Ivanna!" Kasunod nang pagtawag noon ang pagpasok ng isang lalaki na hindi naman nakakahiyang itabi sa lalaki na nasa kanyang harapan.
"Bradley!" Salubong ko dito at nginitian ito. Pasalamat na lang at dumating ito.
"May bisita ka?" Sabi nito at sinulyapan si Sir Adam na pareho nito ay nakatingin din sa bagong dating.
"Might be really hot in this place. He roams around without a shirt on!" Suplado nitong komento sa lalaking naka topless at kita ang maganda nitong katawan.
Para lang itong lumabas sa pahina ng men's magazine na paglalawayan ng mga bakla at matrona.
"Baka madiscover at maging modelo." Sabi nito at inangat pa ang braso kaya lalo itong naging macho tingnan.
"Brad!Hindi pa ako tapos kumain.Mamaya pa ang panghimagas ko!" Kasunod noon ang mahina kong pag tawa.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Sir Adam na hindi ko pinansin.
"Dinala ko lang ito,merienda mo!" Sabi nito at ipinatong ang isang plastic na may laman na banana cue.
"Hala lugi na naman si Bading nito sa iyo!"Sabi niya at nginitian ito.
"Me bayad yan!"nakatawa nitong sabi.
"Yeah I know!" alam ko na hinimas na naman nito ang muscles at abs nito.
"Sige maiwan ko na kayo ng bisita mo" paalam nito at umalis na.
"Boyfriend mo?" Tanong nito. Napaka usisa talaga ng taong ito.
Umiling ako.
"Manliligaw?"
"Sa gwapo niyang iyon Sir. Kaya niyang kumuha ng may pinag aralan na babae na pwede niya ipagmalaki. Hindi katulad ko." Sabi ko dito.
Hindi ito nagsalita, tumingin lang ito sa akin. Matapos magpawala ng malalim na buntong hininga ay tumayo na ito at dumungaw sa bintana.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Hindi na ito nagsalita hanggang makapag hugas na ako ng plato.
Lumapit ako sa kanya,katulad niya pinanood ko din ang mga bata na naglalaro. Sa isang gilid mga nanay nito na nag tong its habang may nakapanood na sige ang tsismisan.
"I am jealous of those children." Sabi nito. Naramdaman ko ang lungkot niya.
"Bakit naman, Sir?"
"Ang saya nila, I never laugh like them." Malungkot nitong sabi.
"You have everything and you are not happy?" Nakakunot noo itong tumingin sa akin.
"Ang ibig kung sabihin Sir, wala kang idea pero marahil araw araw sila nagdadasal na sana magkaroon sila ng meron kayo. Hindi nila problemahin kung san sila kukuha ng pera pang kain nila." Mahabang paliwanag ko dito.
"Katulad mo?" Tanong na naman nito.
"Yes, sir katulad ko." Mapait akong ngumiti.
"Ano ba ang pangarap mo?" Tsk never-ending question mark talaga itong si Sir Adam.
"Maging masaya, saka may magmahal sa akin kahit ganito ako!" Iyon naman talaga ang gusto ko.
"Akala ko yumaman..." Makahulugan nitong sabi na sumulyap sa kanya.
"Para sa akin Sir, ako na pinkamayaman basta nagmamahalan kami ng magiging asawa ko."
Mas lalo itong nalungkot sa narinig sa akin.
"Sa mahirap maaring ganyan lang ang realidad na meron kayo. Pero sa mayayaman na tulad ko, there is no such thing as love marriage exist. Ang pag aasawa ay investment."
"Happiness is a choice, Sir. Kung dumating man ang panahon na malungkot ang buhay ninyo marahil dahil iyon ang pinili mo."
He looked at me, trying to read what's in my head. Matapos itong umiling ay nag paalam na.
Nakahinga naman ako ng maluwag at natapos na ang question and answer portion namin.